*5*
Feels Like Love
"Look, Serene, I know I offended you."
Offend? That word is not even enough to describe what I feel right now. I feel humiliated, confused and disappointed.
You are the first person to ever make me feel that way. Mixed emotions all at once. And you have no idea.
I just sighed. I don't know what to do with him.
"But please, just hear me out first and I'll let you go if you want to afterwards."
Bakas sa boses niya ang lungkot. Bakas naman sa mukha niya ang puyat at pagod. Ayoko na tuloy makipagtalo. Wala akong nagawa kundi tumango.
"Everything I said was true. But that was just in the beginning. I just want to be honest with you which is why I came clean. A sudden realization hit me."
I have so many questions to ask. Mas lalo pang dumami ang mga ito ngayong nandito na siya sa harap ko. I can't help myself.
"What do you mean—in the beginning? What about now then? What realization? What.. ugh! Just continue."
I looked at him intently, very eager to hear the next words to follow. I suddenly felt my hopes up.
"Because I don't want you to just be there for my research anymore..
I want you to be with me."
***
"Hindi ka lang na-speechless, na-breathless pa! My goodness, Serene!"
Nagising ako sa boses ni Nurse Amy na umaalingawngaw sa silid.
Hindi siya makapaniwala sa nangyari sa akin matapos ang mga sinabi ni Anthony.
Sa sobrang bigla ko ay hindi ako nakahinga ng maayos. Inatake ako ng hika sa mga sandaling iyon.
Hindi rin inaasahan ni Anthony ang nangyari at hindi niya rin alam ang gagawin hanggang sa nawalan ako ng malay.
"Ito naman kasing si Anthony, hindi naghihinay-hinay sa confession niya! Alam naman nya ang kalagayan mo!" sunod-sunod na pagmamaktol ni Nurse Amy kahit na bakas naman sa mukha niya ang ngiti habang lumilinga-linga naman ako sa paligid.
Hindi naman kasalanan ni Anthony iyon. Kasalanan ito ng puso kong grabe ang lakas kung makatibok kapag nasa paligid siya. Tinatraydor ako ng sarili kong puso sa kabila ng kalagayan niya.
"Hinahanap mo, 'no?" tanong ni Nurse Amy na may mapanuring mata.
Hindi naman ako makaimik. Nahiya ako bigla dahil alam niya na kaagad ang nangyari kahit hindi pa naman ako nagsasabi sa kanya. Malamang ay si Anthony na ang nagsabi sa kanya.
Sa sobrang kahihiyan ay umiwas na lamang ako ng tingin at iniba ang usapan. Nararamdaman ko na naman ang pag-iinit ng pisngi ko.
"How long was I asleep?"
"Tsk tsk. The moment you wake up ba naman kasi e sya na agad ang hinahanap mo, hindi mo tuloy napansin na umaga na?" ani Nurse Amy ng may mapang-asar na ngiti.
Hala, oo nga naman! Maliwanag na sa labas nang mapatingin ako sa bintana ng silid. Namilog ang mga mata ko.
Ibig sabihin, magdamag akong nakatulog?
