Step 1: Ballet

10.9K 130 9
                                    

"AYOKO!"

Naaalala ko pa yung unang araw na hinila ako ni Mama para kumuha ng ballet lessons. Seven years old lang ako at pursigidong tumakbo papalabas ng dressing room habang pinupwersa niya sa akin yung tights at ballet shoes. Buti na lang at hindi na niya pinapalit yung t-shirt ko. Yung favorite Power Rangers na shirt pa man din yung suot ko. Akala ko kasi pupunta lang kaming Toy Kingdom para bumili ng bagong Power Rangers na action figure. Yung pala ididiretso niya ako dito.

Iniwan ako ni Mama sa dance studio. Tumitingin ako sa paligid ng kwarto. Dalawa lang kaming lalaki doon. Looking back, mukhang hindi pa nga talaga lalaki si Angelo.

Pre-beginners classes iyon at saktong nasa first day ng ballet classes ako. Coincidence? Sa tingin ko matagal na akong naka-enroll sa klase tapos ngayon lang ako kinaladkad ni Mama dito. Ang galing talaga niya. Bakit pa kasi sa dinami-rami ng pwedeng salihan, ballet pa? Pwede namang basketball. May sayad talaga si Mama.

Nagmumukmok lang ako sa gilid, pinapanood yung mga babae na pinaglalaruan ang mga tutu nila ng makaramdam ako ng presensya sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya na nakangiti naman sa akin.

"Bungi ka," sabi ko dahil iyon ang una kong napansin sa kanya.

"Ikaw din naman ah! Dalawa pa nga eh!" matinis ang boses niyang sinagot.

"Yung akin, natanggal kasi may tutubo nang bago. Yung sa'yo mukhang nabulok kakakain mo ng kendi!" sigaw ko. 'Di ko alam kung bakit ko siya sinigawan. Siguro dahil bad trip ako at siya lang ang naglakas ng loob na lumapit sa akin para maging figurative punching bag ko. Eh bakit ba, galit ako eh.

Namula yung mukha niya sa galit. Pero hindi niya ako sinigawan. No. Mas malala ang ginawa niya. sinuntok niya ako sa tiyan. I did not see that one coming. Napabalikwas ako sa sakit. Yung luha ko nangingilid.

Mapang-asar yung stance niya, nakalakip yung kamay sa likod ng tenga niya at nakalabas yung dila. "Beh beh beh beh beh! Buti nga sa'yo!" Tumalikod siya para pumunta sa mga kasama niya pero pinigilan ko siya. Hinila ko yung buhok niya and I tackled her on the floor.

Nalagot ako sa Mama ko nung narinig niyang pumatol ako sa babae. Pinagalitan niya ako sa buong biyahe namin. Buti na lang at may kotse kami kundi in public ko maririnig ang mga sermon niya.

"Ikaw talagang bata ka! You have a crazy temper! Dati panay lalaki lang ang sinusuntok mo, ngayon pati babae ba naman pinapatulan mo? Akala ko hihinahon ka once na kumuha ka ng ballet lessons. I heard it was calming. Pero mukhang nagkamali ako." Nasa backseat ako at nakita kong hinuhuli niya yung mata ko sa rearview mirror.

"Bakit kasi hindi niyo na lang ako isali sa basketball! Ayoko ng ballet! Pambading!"

"Aba ikaw bata ka! Sumasagot ka pa!" saway niya. "Mabuti nang mag-ballet ka. Kapag nagbasketball ka pa edi mas naging agresibo ka! Matuto ka namang huminahon."

Wala akong ideya kung kelan iyon nagsimula pero totoo ang sinasabi ni Mama. Agresibo talaga akong bata. Lagi na lang akong narereport sa disciplinarian's office kasi lagi akong may binu-bully sa school. I seem to have a very short fuse. Konting maling pangyayari lang and I snap. Pero with reason naman yung pagiging bully ko. Kung tutuusin nga bully lang naman ako sa mga bully. Parang Power Rangers.

Nakakailang lipat ng school na nga rin ako eh. At mukhang nagsasawa na si Mama sa inaasal ko para i-enroll ako sa ballet class.

Bumuntong-hininga siya. "Sinasabi ko na sa'yo, kung hindi ka magtitino, wala nang Power Rangers kahit kailan. Ipapamigay ko ang collection mo."

Nagpinting ang tenga ko sa sinabi niya. Ano daw? Wala nang Power Rangers? Hindi pwede 'yon! "Mama naman!"

"It's final, hijo." Sa tono niya, sumuko ako. I know that tone very well. Wala akong ibang magagawa kundi sumuko sa gusto niya. Saglit lang naman ang ballet lessons eh. Magtitiis lang ako.

Suffer in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon