Step 3: Forward

2.7K 78 2
                                    

Isang linggo uli akong na-torture. Dahil na naman kay Nina at sa blush na iyon. Ano bang ibig sabihin no'n? Nahiya siya dahil pinapanood namin siya? Imposible naman iyon dahil sanay na siya na pinapanood. Baka naman dahil na-guilty siya dahil nakita ko siyang nakatingin sa akin? O baka masyado lang siyang nagulat sa kagwapuhan ko.

Napa-alik-ik ako sa inisip ko na 'yon. Yeah, right. Kapag narinig niya iyon, panigurado mahahagisan ako ng ballet slipper. Ayoko nang maulit ang gano'n. Magaling pa naman ang aim ng bayolenteng babaeng iyon.

Simula noong araw na iyon, biglang naging mahiyain sa akin si Nina. Hindi na rin niya ako sinosorpresahan ng pranks. Ewan ko kung anong nangyari sa babaeng iyon at bigla na lang nanlamig. Kapag ako na yung nagpa-prank sa kanya, tinatanggap na lang niya yung mga pagpapahiya ko ng walang reklamo. Kaya eventually, I stopped. Ano ba kasing problema nito?

"Ano ba kasing problema mo?" pagde-demand ko sa kanya noong nag-break ang klase.

Tumingala lang siya sa akin at kung makatingin akala mo alien ako.

"Ano nga?" pag-uudyok ko.

"'Wag mo nga akong kausapin. Nakita mong kumakain ako eh! Baka maluwa ko 'tong lahat nang wala sa oras."

"Ano bang problema?" ulit ko pa kasi iyon lang naman ang tanong na makakasagot ng pagkalito ko.

"Wala."

"Bakit hindi mo ko kinakausap?"

"Kailangan ba kausapin kita lagi? Pa'no kapag wala na ako? Masanay ka na."

"Eh iyon ang gawi natin, 'di ba? Anong nagbago?"

She sighed. "Ako. Ako ang nagbago, okay? Ayoko nang makipaglaro sa'yo. 'Di na tayo bata, Iñigo. Grow up."

Natahimik ako sa sinabi niya. Suddenly, 'di ko na alam ang susunod kong gagawin. Dati may game plan ako. Planado ko lahat ng kilos at galaw ko kapag kaharap ko si Nina. Tapos ngayon biglang nasa unfamiliar territory na ako. Where does that lead us?

Malakas ko palang naitanong ang huling iyon dahil with sad eyes sumagot siya, "Forward. We move forward."

Suffer in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon