Step 9: Settled

1.9K 66 4
                                    

Nakapag-settle na ako sa Spain. Gaya ng sabi ng mga magulang ko, tinuloy ko ang pag-aaral ko sa isang Philippine school doon. Nakapag-adapt naman agad ako. Ang maganda pa, nakapag-enroll ako sa isang music class kaya nakakapag-concentrate ako sa pagda-drums sa free time ko. Pero nami-miss ko pa rin ang Pilipinas at ang mga taong iniwan ko doon.

Gaya ng napag-usapan, nanatili kaming in contact ni Nina. Ina-update ko siya sa mga nangyayari sa akin lalo na sa mga bagong karanasan ko. Gano'n din naman siya. Madalas, nagrereklamo siya sa mga bagong routine na pinapagawa sa kanya sa ballet sabayan pa ng pag-aaral niya. Lagi daw siyang pagod. At miss niya na ako.

Highlight ng bawat araw ko ang mahahabang email niya. Highlight naman ng weekends ko ang makausap siya sa telepono dahil iyon lang ang araw na nakakapag-kompromiso kami sa oras dahil nga magkaiba kami ng time zone.

Three months na rin ako sa Espanya at inaasikaso ko na rin ang mga papeles na kailangan para makapag-enroll ako sa Cera's College of Performing Arts. Ito kasi ang pinakaprestihiyosong eskwelahan kung gusto mong matupad ang pangarap mo. Not that I'm dreaming big. Pero dito mag-aaral si Nina, sa Dance Department nila. Kaya doon na rin ako sa Music Department. Mauunahan ko nga lang siya ng isang taon dahil third year pa lang siya ngayon.

Nagpadala ako sa kanila ng audition tape. Alam kong 'di pa ako gano'n kagaling sa pagdadrums pero inaasahan kong mahubog ako sa school na iyon. At buti na lang ay nag-respond sila sa application ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay pumunta para kumuha ng exam at pagkatapos ay mag-audition sa isang panel. Sa April pa naman iyon kaya may oras pa ako para mag-ensayo.

Excited, kinuha ko agad ang telepono para tawagan si Nina. Gusto kong malaman agad niya ang magandang balita.

Matagal na nag-ring ang telepono bago ito sagutin.

"Nina-"

"Anak, si Tita Glenda ito. Nako, pasensya ka na't hindi ka makakausap ni Nina ngayon. Tulog na eh," kalmadong pagpapaliwanag niya.

"Gano'n ho ba? Pakisabi na lang po na tumawag ako."

"Makakarating, Iñigo. Kumusta ka naman diyan?"

Mahabang diskusyon pa ang ginawa namin ni Tita Glenda. Nagtuksuhan pa kami ng mga iuuwi kong regalo sa kanila 'pag balik ko. Nakakakuha rin ako ng balita tungkol kay Nina na hindi niya ipinaparating sa akin. Apparently, laging masama ang pakiramdam niya at lagi niya iyong sinisisi sa school works. Sinuggest nga daw ni Tita Glenda na huminto muna siya sa pagba-ballet para lumuwag ang oras niya ngunit nagmatigas si Nina. Figures. Iyong iyon talaga ang nai-imagine kong gagawin niya.

Pagkatapos ng catching up namin ni Tita Glenda ay binuksan ko agad ang email ko at kinamusta ang kalagayan niya dahil lubha akong nag-aalala sa kanya.

Dalawang araw ang lumipas bago siya tumugon. By that time, 'di na ako mapakali pero in-excuse ko ang matagal na reply niya dahil may sakit siya at kailangan niyang magpahinga. Ang weird lang kasi hindi ako sanay sa ganito katagal na katahimikan sa side niya.

Sa email niya ay humingi siya ng sorry dahil 'di niya agad ako na-reply-an. Sinabi niya rin na ayos na siya at na-food poisoning lang siya kaya nasa ospital siya ngayon. Sinabi niya rin na huwag muna akong tumawag sa susunod na weekend dahil baka mas matagalan pa daw siya roon.

Ang ikli lang ng sulat niya, salungat sa sobrang habang mga tugon niya dati. Nanibago ako. And I also felt uneasy. Kasi sa unang pagkakataon ay wala siyang sinulat na "I miss you" sa dulo ng sulat niya.

Hindi naman siguro ako dapat mag-alala 'di ba? Isang sulat lang iyon sa gitna ng marami. Nakaligtaan niya lang siguro dahil sa karamdaman niya. Iyon nga siguro.

Suffer in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon