Step 5: Ikaw

2.3K 77 2
                                    

Yung mga araw kasama ko si Nina, iyon na ang best days para sa akin. Four months, two weeks, three days, and six hours to be exact. Not that I'm counting. Pero tang ina, kung aaminin ko, para akong isang lovesick puppy kapag kasama siya. Sa bawat pagdilat ng mata ko hanggang sa pagtulog, siya ang iniisip ko. Kung dati rati, wala kaming ginawa kundi mag-asaran, ngayon naman ay hindi mo kami mapaghiwalay. Nasusuka na nga daw yung mga ballet-mates namin.

Well, ballet-mates na lang ni Nina dahil hindi na ako bumalik sa ballet. As much as I enjoyed it, hindi ko talaga makita ang sarili ko na may future sa ballet.

Sinabi ko iyon kay Nina noong tinanong niya kung mage-enroll ako sa men's ballet. Tinignan niya ako na parang 'di makapaniwala at tinanong. "Eh anong nakikita mo sa future mo."

Nasa may likod kami ng bahay at nakahiga sa hammock na paboritong tulugan ni Mama kapag tanghali. Mahina kong tinutulak ang hammock gamit ang paa ko habang nakasandal naman siya sa braso ko. I've never felt more content in my life than I am right then and there. Kaya naman sinabi ko ang unang pumasok sa isip ko. "Ikaw."

Kasing pula ng kamatis yung pisngi niya sa sinabi ko. Kinailangan ko pang kagatin ang labi ko para pigilan ang malakas na tawang nakahandang lumabas.

Hinampas niya yung braso ko.

"Bakit mo ko pinapalo?" Medyo tumatawang nagrereklamo ako habang hinihimas yung muscle. Ang sakit no'n ah.

"'Wag mo kasi akong bolahin," panenermon niya.

"Hindi naman kita binobola ah."

Inalis niya yung katawan niya sa embrace ko at tumingin siya sa akin. Yung tingin niya na laging nagbabasa ng expression ng tao. Lagi na lang akong subject sa ganitong klase ng scrutiny mula kay Nina kaya sanay na ako na tinititigan niya. Tsaka sa itsura ko ba namang ito, 'di niya ako titigan?

Noong tumagal yung perusal niya-longer than the usual-ay nag-alala na ako. Kaya ako naman ang bumasa sa expression niya and she looked... sad.

Alarmed, napaupo na rin ako sa hammock para magkaharap kami. "Anong nasa isip mo?"

"Pa'no kung... pa'no kung wala tayong future. Aminin mo, masyado pa tayong bata para mag-isip ng mga ganitong bagay. Makakahanap ka pa ng ibang babae na mas fit para sa'yo-"

"I won't," pagsabad ko. "Baka nga ikaw pa ang makahanap ng ibang lalaki diyan eh."

Ayan nanaman yung malulungkot niyang mata. "You're it for me, Iñigo. Ikaw na ang una't huling lalaking mamahalin ko sa tanang buhay ko."

Iyon ang unang beses na sinabi niya sa akin na mahal niya ako, though indirectly. Wala pa yung three magic words pero okay lang. In time, masasabi rin niya sa akin iyon. And I'd gladly say it back. Ayoko pang sabihin sa kanya na siya na rin ang para sa akin dahil kahit hindi man halata, nai-insecure ako sa kanya. Insecure ako dahil natatakot ako na in a blink of an eye ay iwan niya ako para sa ibang lalaki. Yung lalaking may kinabukasan at 'di tulad ko na hindi pa alam kung anong kukunin sa college. Pero ibang argument naman iyon para sa ibang araw.

Sa ngayon, ito muna ang meron ako. Si Nina at ang kanyang pagmamahal. I was overwhelmed. Very much so kaya hinalikan ko siya.

At sobrang saya ko noong binalik niya ang affection ko. Napakaswerte ko talaga sa kanya. I just hope na iyon din ang tingin niya sa akin.

Suffer in SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon