"Tama na Iñigo. Baka mabutas na yung drums kakapalo mo," pag-aawat ng mentor ko. Anim na buwan na ako sa alaga niya. Nagkakilala kami sa university kung saan ako nag-aaral ngayon.
"Konti pa, Boss. 'Di pa pagod ang katawan ko."
"Yung katawan mo hindi. Pero yung drums baka sumuko na. Umalis ka na nga diyan at sagutin mo yung cellphone mo. Kanina pa tumutunog."
Sinunod ko naman siya at kinuha ang towel na nakasabit sa likod ng upuan kung nasaan ang gamit ko. Gaya ng sabi niya, tumutunog nga ang cellphone ko. Noong kinuha ko iyon, eksakto namang tumigil ang pagri-ring. Tinignan ko pa ito ng matagal, at nakitang naka-ilang missed call na siya. Kung sino man siya. Unknown number kasi. At kung sino man ang tumatawag ay galing pang Pilipinas. Sino kaya 'to?
Ilalagay ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko ng bigla itong mag-ring uli. Kaya sinagot ko na agad. "Hello?" Tahimik sa kabilang linya kaya inulit ko pa, "Hello?"
Nakarinig ako ng hikbi bago niya sabihing, "Iñigo."
Tumalon ang puso ko noong narinig ang boses niya. Hindi ko pa nga sana mare-recognize iyon dahil parang ang weak nito. Tila hirap na hirap na siyang magsalita. "Nina?" Yung hikbi kanina ay naging isang todong iyak na. Automatic naman na naging comforting mode ako. "Shh, tahan na. Anong problema?" Ilang beses ko na bang sinabi iyan sa kanya noon? Matagal na kaming walang komunikasyon pero the moment na magkausap kami, parang balewala lang yung walong buwan naming magkahiwalay.
"I'm sorry," wika niya noong kinaya niya nang magsalita sa gitna ng mga luha niya. Pinaulit-ulit pa niya iyon.
"Shh, baby. 'Wag ka nang mag-sorry. Tapos na okay? Okay ka na. Okay na ako. Don't say sorry."
"You don't understand. Naging makasarili ako. Hindi dapat kita itinulak. Akala ko iyon ang makakabuti but I miss you. Bawat araw na wala ka, I miss you, and I'm sorry. And I wish that you're here with me. Kahit iyon pa ang maging huli kong wish, basta nandito ka." Narinig ko ang malakas na pagkuha niya ng hininga sa bawat pause kapag nagsasalita siya na tila sobrang laking strength ang kailangan niya para lang mailabas ang mga gusto niyang sabihin.
"I miss you too. Araw-araw."
Humagulgol na naman siya. "Pwede bang maging selfish uli ako?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Please come home. Gusto kong makita ka uli. Bago ako umalis."
"Saan ka pupunta?"
Akala ko binabaan niya na ako ng telepono noong hindi siya sumagot. Pero naririnig ko ang labored breathing niya sa kabilang linya kaya alam kong nandoon pa siya. And what she answered broke my heart. Fuck, sinira nito ang mundo ko. And hearing the words, alam kong hindi na maibabalik sa ayos ang mundo ko.
"I'm dying, Iñigo."
BINABASA MO ANG
Suffer in Silence
Short Story(Iñigo Perez's story) I haven't always been calm and rational. Sa totoo lang, kung kilala mo ako nung bata ako, siguro nakaaway kita. Masyadong mainitin ang ulo ko at sobrang iksi ng pasensya. Mas lalong na-test iyon nang pag-aralin ako ng ballet. ...