She broke up with me.
Hindi ko alam kung anong nangyari dahil ang gulo ng nakaraang buwan. Kung kaya ko lang i-rewind lahat, gagawin ko. Ire-rewind ko hanggang sa makabalik ako sa araw kung kelan nasa airport kami. Imbis na umalis kasama sina Mama, sana pala tumalikod ako at bumalik.
Sana. Ang daming sana.
Nakipaghiwalay siya sa akin. Hindi ko man lang alam kung bakit. Hula ko dahil napapagod na siya sa layo namin. Oo, mahirap ang long distance relationship. Bakit naman yung iba nakakaya? Bakit kami hindi? At least kahit papaano, tumawag siya at hindi sa email pinarating. Kahit na parehong method ay masakit.
Ang ipinagtataka ko ay bakit ngayon pa? Isang buwan na lang, uuwi na ako. Magkikita na uli kami. Breaking up is not part of the plan.
Noong unang araw na tinawagan niya ako, I was in a daze. Hindi ako pumasok at nanood lang ako ng TV. Kung masasabi mo ngang nanonood ako. Pero hindi. Nakatulala lang ako sa TV. Ni hindi ko nga alam kung anong pinapanood ko. Ina-absorb ko pa ang nangyari. At na-conclude ko na panaginip lang ito. Surely, 'di ako gising di ba? Not when I feel this numb. Hihintayin ko na lang na magising ako mamaya at tatawagan ko si Nina. Ikukwento ko ang panaginip na 'to sa kanya and we'll have a good laugh and things will be back to normal.
Ngunit as it turns out, iyon na ang naging normal ko. Ang katahimikan ni Nina. Hindi pala ako nananaginip. Iyong ang katotohanan. The ugly truth. Wala na si Nina sa akin. 'Di ko man lang siya mahabol dahil sa sobrang laking distansya. I called everyday but nobody answers me. Kahit yung mga magulang niya, 'di na ako kinakausap ng mahaba. Lagi lang nilang sinasabi sa akin na wala si Nina o tulog si Nina kahit na alam kong nandoon lang siya. Alam ko dahil naririnig ko siya sa background. Kahit na ganoon lagi ang sitwasyon namin, tawag pa rin ako ng tawag hanggang sa isang araw, pinatigil na ako ni Tita Glenda.
"Iñigo, sa tingin ko dapat tumigil ka na. Mas nasasaktan ang anak ko sa ginagawa mo. Please, 'wag ka nang tumawag. Okay?"
Wala akong maitugon sa kanya dahil ayokong sumang-ayon. Ang click na lang mula sa kabila ng linya ang narinig ko.
Feeling ko para akong zombie sa mga sumunod na araw pagkatapos noon. I just went through the motions of living kahit na pakiramdam ko sobrang ayaw ko na. 'Di naman sa emo ako o ano, pero ganoon pala. Ang sakit kasi eh. Sa isip ko kasi, I was already building our future. Daig ko pa ang babae kung mag-daydream. Ganoon ko kamahal si Nina.
Sa puntong na-realize ko na mahal ko siya, ayaw ko nang bitawan yung feeling. Sigurado na ako na siya na ang babae para sa akin. Wala nang iba. Pero siya ang sumuko. Nakahanap na kaya siya ng iba? Posible. O baka hindi niya lang talaga ako mahal. Tutal, 'di niya naman sinabi sa akin ang nararamdaman niya.
Mahal ko si Nina. Mahal na mahal.
At dahil walang mapagtuunan ang pagmamahal ko, ibinuhos ko lahat sa pagda-drums. Inilabas ko lahat ng sakit at frustrations ko. Maghapo't magdamag, iyon lang ang ginagawa ko kahit na magreklamo na ang mga muscles ko sa sobrang exertion. Kahit na magreklamo ang pamilya ko sa sobrang ingay. Wala akong pakialam.
Gradually, naisantabi ko na rin si Nina sa isip ko. Ayoko na siyang isipin. Nakapag-move on na siya sa akin. Ang susunod na step na siguro para sa akin ay ang tularan siya.
'Di na rin ako umuwi gaya ng plano. Nanatili ako sa Spain. Iniisip ko na nga rin na dito na mag-kolehiyo. Late applications na nga ang mga ipinadala ko sa mga universities dito. Sana may tumanggap pa sa akin dahil kung wala, isang taon akong nganga sa bahay at ayokong gawin iyon. Hangga't wala akong ginagawa, mas lalo kong naiisip si Nina at ang mga "what ifs" pagdating sa kanya.
Ngunit alam ko, just like anything else in this world, walang do-overs. Gaya nga ng sinabi niya sa akin dati, "We move forward." Iyon na lang ang dapat kong gawin. Pero 'di pa rin maalis ang katotohanan na mahal ko siya.
Unconditionally.
Someday, babalikan ko siya and if I'm strong enough, sasabihin ko ito sa kanya. Face to face.
BINABASA MO ANG
Suffer in Silence
Short Story(Iñigo Perez's story) I haven't always been calm and rational. Sa totoo lang, kung kilala mo ako nung bata ako, siguro nakaaway kita. Masyadong mainitin ang ulo ko at sobrang iksi ng pasensya. Mas lalong na-test iyon nang pag-aralin ako ng ballet. ...