Mahirap palang magtiis. Iyan ang naging realization ko sa pagpapatuloy ko sa ballet lessons. Bukod sa kawawa ang kayamanan na nasa gitna ng mga hita ko dahil sa mga out of this world na stretches, hindi rin ako tinantanan ni Nina-yung nanikmura sa akin. Pero nagpapasalamat ako sa kanya. Dahil kahit papaano, may napagtutuunan ng pansin yung aggressive side ko. Subtle na yung pang-aasar ko sa babae na 'yon. Ang gusto ko sa palihim na activity namin ay kahit kailan, hindi nagreklamo si Nina. Bagkus ay tinatapatan pa niya ng sarili niyang pranks ang mga binibigay ko sa kanya.
Over the course of that summer, natapos ko ang pre-beginners. Biruin niyo iyon, nakaya ng pagkalalaki ko ang ballet. My mother was proud of it. Kinumento pa nga niya na nakakita siya ng changes sa akin. Kung anong pagbabago man, hindi ko pinansin. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung pa'no ako makakapasok uli sa ballet. Sa Ballet 1, to be specific. Itutuloy daw kasi ni Nina ang pagsayaw. Narinig ko 'yon habang nagla-lunch, isang beses. Kung itutuloy niya ang lessons, dapat ako din. Common sense na kung bakit kailangan ko ding mag-ballet. Kung hindi ko itutuloy ang classes, sino nang gugulo ng buhay ni Nina. 'Di ba?
Kinumbinsi ko si Mama na kunin ko ang susunod na klase. And the class after that. And so on. Hindi naman sa pagyayabang pero ako ang nagbigay ng kulay sa buhay ni Nina sa mga panahong iyon. Naging routine na namin ang asaran at pagpa-prank sa isa't isa, hindi nakukumpleto ang araw kung walang nag-aabang na prank sa'yo.
Pero isang araw, everything changed.
I was sixteen then, on the way to taking up separate ballet classes sa men's ballet, nakakatanggap na ako ng mga offer sa ballet industry. Pero tinatanggihan ko yung mga role na ibinibigay nila sa akin kasi wala naman talaga akong balak na gawing career sa ballet. Kaya lang naman ako nag-ballet dahil kay Nina.
Ang realization na iyon ang ikinagulat ko. And then I wondered, why?
Buong linggo akong nag-contemplate doon. Hindi pa nga ako nakapag-concentrate sa school. Ang tanging nasa isip ko lang ay sana bumilis na ang weekdays para makapasok na ko sa ballet at makita uli si Nina. Again, nagulat na naman ako sa naisip ko. Lately kasi, panay si Nina na ang nasa loob nito at kahit ilang beses ko pa siyang burahin sa isip ko, she's stuck there like glue. Mighty Bond siguro sa sobrang dikit. 'Di na rin ako magtataka kung bakit sa lahat ng klase ng glue, Mighty Bond pa ang naisip kong ikumapara kay Nina. Gano'n siya kalakas mag-iwan ng impression sa iyo.
Pagdating ko sa klase that Saturday, masama ang mood ko. Bukod kasi kay Nina, pinarating samin ni Papa ang balita na pupunta siya sa Spain para asikasuhin yung family business. At magtatagal siya doon. Inaasikaso niya lang yung papeles tapos susunod na rin kaming pamilya. Noong tinanong ko kung paano na ang edukasyon ko sa Pilipinas, sinabi niya na ie-enroll na lang niya ako sa isang Philippine school doon. Noong tinanong ko naman kung paano na yung ballet, sabi niya, "Don't you think it's time for you to quit ballet? It's not a man's sport. I just let your mother indulge you."
Ngunit sa ilalim ng isip ko, hindi naman talaga ballet ang pinoproblema ko kundi si Nina. Kitams? Ang gulo talaga ng isip ko.
"Iñigo! High five!" salubong sa akin ni Nina pagpasok ko sa ballet studio. Yung high five niya, imbis na hintayin yung kamay ko na nakataas na sa ere para i-apir siya, ay napunta sa mukha ko. I instantly felt something cool.
"What the f-" Tinakluban niya yung bibig ko at doon naman mas tumindi yung cool na feeling.
"Tsk, tsk. No cussing. Magagalit sa'yo si Ma'am Lou."
Pinunasan ko yung mukha ko. Nararamdaman kong humahapdi na sa mata ko. "Vicks? Really?" galit kong tanong. Hindi ko sinasadya na maging harsh kay Nina pero gaya ng nakagawian, sa kanya ko nilalabas yung frustration ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Problema mo? Mas malala pa nga yung ginagawa mo kesa sa binibigay ko sa'yo ah! Isa pa maigi 'yan para sa mga gurang, para ma-relax yang frown lines sa mukha mo!" sigaw niya habang naglalakad palayo sa akin.
"Hoy! Kung nakakalimutan mo, isang taon lang tanda ko sa'yo!" sigaw ko pabalik.
"Gan'on ba? Hindi halata! Ang dami mo kasing wrinkles sa noo!"
Naririnig kong nagtatawanan din ang mga tao sa studio. Nasanay na rin kasi sila sa ganitong episode namin ni Nina kaya wala na silang ganang awatin kami. That's fine. Ako naman ang magbe-benefit kasi mas malaya akong mantukso.
Pumunta ako sa dressing room para magpalit at hugasan yung kemikal sa mukha ko. Paglabas ko ay napatigil ako sa kinatatayuan ko at napatitig sa babaeng nagi-stretch sa may gilid. Alam ko ang stretches niya, having done them myself, pero may something sa pagpi-plié niya that makes it look enchanting and pure. Maybe it's the way she moves, sobrang graceful dahil na rin sa years of dancing. O pwede ring dahil sa expression niya. Kung paano niya i-surrender ang sarili niya sa ginagawa niya.
Alam kong ito ang passion ni Nina. I can see it by the gleam in her eyes kapag nagpe-perform siya sa mga recital pati na rin kung paano niya i-exert ang sarili niya sa bawat practice. Seryoso talaga siya sa ballet. Hindi katulad ko na hanggang ngayon ay nagba-ballet lang dahil sa kanya.
Ayan na naman ang isip ko. Hindi dahil sa kanya. Dahil kay Mama. Tama.
"Bibig mo, baka pasukan ng langaw," bulong ni Jannah habang inaangat yung baba ko, gesture na tila nakabukas nga talaga yung bibig ko. Tumawa siya siguro dahil sa expression ko.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumawa lang. Kinakabahan kasi ako sa bigla kong naramdaman a few seconds ago. It was a foreign feeling. Especially dahil nakadirekta ito kay Nina.
Binalik ko ang tingin ko kay Nina na ngayon ay tumigil na sa pagii-stretch at nakatingin lang sa akin. Specifically, kay Jannah at sa akin. Kumunot ang noo niya, tumingin sa sahig bago tumingin uli sa amin. Pero this time, nagtama ang tingin namin. Napatalon pa nga siya sa gulat. And then the unbelievable happened. She blushed.
BINABASA MO ANG
Suffer in Silence
Short Story(Iñigo Perez's story) I haven't always been calm and rational. Sa totoo lang, kung kilala mo ako nung bata ako, siguro nakaaway kita. Masyadong mainitin ang ulo ko at sobrang iksi ng pasensya. Mas lalong na-test iyon nang pag-aralin ako ng ballet. ...