Nicole's POV
Andito kami ngayun sa mall, syempre kasama ko na naman tong si Mr. TSS na to. Ang kj-kj e. Gusto ko sanang tumingin sa Kpop Store ( gawa-gawa lang po yan ), asan yung sinasabi kung KALAYAAN?! Asan?!
Pasalamat sya na master ko sya, kundi nakuu~~ nakuu~~ Ipapatapon ko talaga tong lalaking to sa Bermuda Triangle eh.
Gusto ko din sanang bumili ng sundae sa Jollibee ( *ehem* Endorsement lang po ) di din ako pinayagan kasi daw makakataba, e ang taba-taba ko na raw. Mataba ba ako readers? Di naman di ba? Sexy ko nga eh. Diba?! Diba?! Wag na palag!
Andito kami ngayon sa escalator patungo sa 5th floor, may bibilhin lang daw siya. E di sana sya nalang, hindi yung pati ako damay. Hay nakuu!~~
"Aray" untag ko. May nag insert kasi tas sa lakas ng impact nya sakin, naslide yung paa ko, pero slight lang naman.
"Oh, anung nangyari? May sakit ba sayo?."
"Ang p-paa ko. A-ang sakit." Mangiyak-ngiyak na ko dito sa escalator sa sakit ng paa ko.
"Ano bang nangyari sayo? Di ka kasi nag-iingat eh. Tss."
"Kung magrereklamo ka lang naman, e di sana, di mo na ako tinanong. Nagtanong ka pa eh magagalit ka lang naman. Kasalanan ko bang may bumangga sakin." Sigaw ko sa kanya. Umiwas lang sya ng tingin sakin pagkatapos ko syang sigawan.
Dun ko lang din napansin na marami na palang nakatingin samin. Andami ng tsismosa at tsismoso ngayon.
Ng narating na namin ang 5th floor ay lumiko sya pa-left kaya sinundan ko nalang sya. Ayaw ko pa syang kausapin, galit pa ako
Pumasok kami sa isang cellphone shop, di ko nakita yung pangalan e, basta puro sya gadgets.
Si Lance? Ayun, nakikipaglandian sa mga saleslady, nakakainis. ARGGG!!!
E? Bat ako naiinis? Ay wala lang to. Dahil lang siguro to kanina, baka di pa ko naka move on.
Tumingin tingin mo na ako hanggang sa may nakita akong violet na phone. Samsung S Duos yun yung nakalagay.
"Miss, pakitingin naman nito." Sabi ko sa saleslady na naka assign dito
"Here ma'am." Ng inabot nya sakin, parang nagning ning yung mata ko, grabe ang ganda talaga nito, kung may pera lang ako bibilhin ko talaga to eh.
"Magkano po ba ito.?"
"21,000.00 pesos ma'am and sale po yan ng 50%."
"So ten thousand and five hundred nalang?" Tanong ko.
"No ma'am, yung twenty one thousand po ay sale na yan."
O____________O E?
"Ang mahal naman yata miss?"
"Orihinal po kasi yan ma'am, good quality that you will surely love." If I know. Gusto nya lang bilhin ko.
Pero ang ganda talaga eh. Hinawakan ko yung cellphone at hinimas-himas.
"Babalikan kita celphy ah? Wag kang magpapabili sa iba. Promise pag natanggap ko na sweldo ko. Bibilhin kita." Tas hinalikan ko yung cellphone with matching sound pa yan ah. *chuuuup~~*
Tas inabot ko na sa saleslady. "Miss babalikan ko yan. Promise!" tas ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din naman sya.
"Andyan ka lang pala. San ka ba galing?" Hinghal ko sa demonyitong lalaking to. Andaming binili na gadget eh, sayang di ko nakita. Paper bag lang. Ayaw naman nya akong tignan yun. Hmp!
"TSS.Kungmakaastananay." bulong na sagot nya. Pero mahina lang tyaka di ko narinig.
"Anong sabi mo?" Pagalit kong sabi. Baka kasu=i minumura na ako ng lalaking ito eh.
"Wala."
Pero meron naman talaga di ba?!
