Chapter 20: I Hurted Her !!!

8 0 1
                                    


3rd Person Pov

Sumakay na si Zylfire sa taxi at hindi pinansin si Austin na tinatawag ang pangalan niya. Hindi niya mapigilan ang umiyak dahil sa sakit at inis na naramdaman niya.

"Miss okay lang po ba kayo?" Tanong ng manong driver kay Fire at napatingin naman si Fire sa kanya.

"Okay lang po" ngiti niyang sabi pero umiiyak niyang pa rin siya.

"Tanong lang miss huh nag break ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong ulit ng driver na tinitingnan siya salamin.

"Po? Hindi po" gulat na sabi ni Fire

"Wag mo na miss e-deny, alam nyo kung may ginawa siyang masama at nasaktan ka, alam mo ba ang dahilan bakit niya ginawa yun?" Sabi ni manong driver na hindi man lang pinapasalita si Fire

"Po?" Yan lang ang sabi ni Fire

"Dapat kasi Miss alamin mo muna ang dahilan bago ka umiyak ng ganyan" sabi ni manong driver at huminto sa tapat ng bahay nina Fire.

Bumaba si Fire at binayaran si manong driver pero pumasok sa isip niya ang sinabi ni manong driver.

Dapat kasi alamin mo muna ang dahilan bago ka umiyak ng ganyan.

Kaya napaisip siya kung bakit hindi niya pa pinakinggan ang paliwanang ni Austin.

Chase Pov

Nakaupo kami ngayun ni Khian at Adam sa may sofa habang hinihintay namin si Keff na dumating. Pinatawag siya kasi ng adviser niya. Ng biglang dumating si Austin na parang wala sa mood at parang galit ang buhok niya gulong gulo tapus ang mga kamay niya may dugo.

"Tin are you okay? Oh kamusta si Zylfire?" Tanong ni Adam

"Wala eh! Alam nyo mga pare parang ang sama kung tao" sabi ni Tin habang ginugulo ang buhok.

"Wala? Ano ang ibig mung sabihin?" Tanong ko sa kanya

" umiiyak lang siya sa harap ko, sabi niya sinira ko ang buhay niya. Alam nyo ng makita ko siyang umiyak ang sakit din mga pre" sabi ni Tin at sonabunotan ang sarili niya.

"Pre lasing kaba? Hindi ka pa nga nakainum sinasabi mo na ang lahat" biro ni Khian kay Tin

"Would you shut up? I'm f*cking serious here." Galit na sabi ni Tin sa kanya

"Oh chill men, pinapatawa ka lang naman" sabi ni Khian

"Khian stop it.. kung ayaw mung masuntok ka ni Tin sa mukha" sabi ni Adam kay Khian

"Kasalanan mo naman kasi Tin eh. Alam mo naman na bago lang dito ung mga babae tapus mabait rin si Zylfire ni hindi nga marunong magalit o maging maldita kaya sana you think before you do" sabi ko sa kanya

"I know I'm so stupid. Alam ko na ako ang dahilan bakit siya nagalit sakin." Sabi ni Tin.

Hinayaan ko lang muna siya. Parang nagsisisi rin naman siya sa ginawa niya. Pero sana mapatawad siya ni Zylfire.

Max Pov

Hindi ako mapalagay kung okay lang ba talaga si Fire. I know Fire magaling siya sa pagtago ng emotion niya pero kanina ng makita ko siyang umiiyak, nasaktan ako ng subra kasi ngayun ko lang nakita ng umiyak siya ng ganun.

"Okay lang kaya siya?" Tanong ni Blue sakin

"I hope so, alam naman natin na mabigat ang nadarama niya diba? Pero we know that Fire is a strong girl she can handle her self" sabi ko

"We hope so! Pero kung malaman ko kung sino ang maykasalan bakit umiyak ng ganun si Fire, i don't know kung mabubuhay pa siya" inis na sabi Krish

"Stop that krish, hindi masosolve ang problema sa dahas. At alam natin she don't want that idea" sabi ko sa kanya

"Bigyan lang muna natin siya ng kunting space o oras, paguwi natin kausapin na lang natin siya" sabi ni Blue

"Yeah your right, she really need space and time" sabi ko

Austin Pov

F*ck i don't know kung bakit ako nagkakaganito. Na parang naiinis ako sa sarili ko nung nakita kung umiyak si Zylfire. Hindi na bago sakin ang may umiiyak sa harap ko na babae pero si Zylfire iba eh. Parang Kinukurot ung puso ko na parang ayaw kung makita siyang umiiyak. Grrrr.

I'm here right now sa office umalis na ung apat may pupuntahan daw. Niyaya nila ako pero I'm not in the mood right now. Kaya nagpa-iwan na lang ako dito sa office. Ng biglang may pumasok.

"Excuse me Austin" sabi ni Max na kakapasok lang.

"Yes Aghata, may i help you?" Sabi ko at tumayo ako.

"Galing kasi dito si Zylfire may bibigay daw sayo, ahmm nakita mo ba siya na may kausap na iba?" Tanong niya sakin

"Yes, galing siya dito. Bakit ano ang nangyari sa kanya?" Tanong ko pero nagkukunwari lang ako na hindi ko alam.

"Actually hindi ko dapat sasabihin sayo, pero i need your help" sabi niya. She need my help for Zylfire? Ano naman yun?

" okay? What is that?" Sabi ko

" Actually ngayun lang kasi umiyak ng ganun si Zylfire she's not the kind of a girl na pinapalabas o sinasabi ang naramdaman niya. I'm so worried about her i know she have a big problem ayaw niya lang sabihin" sabi ni Aghata. Nabigla ako kasi ngayon lang daw umiyak ng ganun si Zylfire. How stupid i am.

"And what kind of help do you want?" Tanong ko kahit parang gusto ko ng manuntok ng tao sa nalaman ko.

"Help me to find the reason why Fire cried " seryoso niyang sabi

Huh? Ani ang sasabihin ko na nasa harapan mo lang ang gag*ng nag paiyak sa kaibigan mo. But no i know what kind of a friends na meron si Zylfire.

"Okay, but i don't need to promise, kasi hindi ako sure na malalaman ko kung sino. And medyo busy ako" nakaya ko parin sabihin kahit na parang ayaw na sanihin ng maga bibig ko.

"Okay Austin, thank you" sabi niya sabay alis.

Panu na? I really need to apologize to Zylfire kasi parang hindi ako makakapag-isip ng maayos kung hindi pa ako pinapatawad ni Zylfire. Kasi siya na lang ang laging naiisip ko kung pumikit ako siya ung nakikita ko ung umiiyak siya. Parang baliw na nga ako eh.

****

Hi Guys: * sorry medyo natagalan at hindi masyado maganda huh! Hehehe. Babawi na lang ako sa Chapter 21.. sana!! Hehehe.. btw thank you sa support and We Love You :-*

Mapapatawad kaya si Austin ni Fire??

Abangan!!!

The 4 Girls Biggest SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon