"Anak, matulog na kayo ng Ate mo . . .pakisabi na din na patayin na yung TV . . " tugon ng Mommy ni Jaimie na siyang apat na taong gulang pa lamang.
"Opo Mommy, asan ba ikaw punta? Huwag mo kaming iwan. Takot po ako." tanong ng inosenteng bata.
"Maliligo lang naman ako baby. Susunod narin ako sa pagtulog pagkatapos ko.." sabi ng Mommy Lyn nila.
Pinuntahan ni Jaimie ang kanyang Ate Hasmine sa kanilang sala at niyaya na niya itong matulog.
"Ate Hasmine, tulog na daw tayo sabi ni Mommy.." sabi ng bata sa kanyang Ate na siyang sampung taong gulang na.
"Sige Jaimie, boring na din kasi ang palabas sa TV. Tara na sa ating silid..." agad namang pinatay ni Hasmine ang TV nila at tumungo na sa kanilang silid.
Tinabihan na niya ang kanyang bunsong kapatid at sabay silang nagdasal na nakaluhod.
Matapos magdasal ng dalawang bata ay humiga na sila sa kanilang kama.
Hindi pa nakakaramdam ng antok si Jaimie kaya nakipagkwentuhan muna siya sa Ate niya.
"Ate, may tanong ako sayo..." napatingin naman ang Ate Hasmine sa kanyang bunsong kapatid.
"Ano yun Jaimie?" sabi niya.
"Totoo ba yung nakita mo kagabi na may matandang babae sa kabilang kwarto na dumaan sa dingding? Ano itsura niya?" sa tanong ni Jaimie, nakaramdam ng pagtaas ng balahibo si Hasmine.
"Oo Jaimie, totoo yun. Sobrang nakakatakot siya. Erica Babor daw ang kanyang pangalan. Mahaba at puti lahat ng hibla ng kanyang mga buhok. Kunot narin ang kanyang mga balat at duguan ang kanyang suot na puting damit. Napasigaw na lamang ako kagabi sa takot. Kaya ikaw, huwag na huwag kang pumasok mag-isa sa kwartong yun. Maliwanag ba?"
"Oo ate Hasmine.." tumango na lamang si Jaimie sa bilin ng kanyang Ate.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na si Hasmine. Ang bunsong kapatid na si Jaimie ay gising na gising pa.
Hindi pa siya nakaramdam ng antok dahil sa kanyang takot sa kwento ng kanyang Ate.
"Erica Babor ang pangalan ng nakakatakot na multo ng matanda? Bakit siya nandirito sa pamamahay namin? Ano kailangan niya sa pamilya namin?" sabi ni Jaimie sa sarili niya.
Luma na ang bahay ng pamilyang Del Rosario.
Tinayo ito sa panahon ng Hapon ng mga ninuno nila.
Gawa ito sa kawayan at puno ng niyog.
Pati ang mga muwebles ng bahay ay luma na rin.
Di maipagkakailang hindi lang ang Pamilyang Rosario ang naninirahan sa kanilang munting bahay.
Sa kilabot na nararamdam ni Jaimie, hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan.
Naninigas ito. Gustuhin man niyang sumigaw para humingi ng tulong sa Ate Hasmine niya ay hindi niya ito magawa.
Limampung minuto narin ang nakalipas, hindi parin bumabalik ang Mommy nila sa silid.
Takot na takot na siya dahil sobrang pinagpapawisan si Jaimie kahit na umaandar ang kanilang electric fan.
Mata lang ang kanyang naigagalaw.
Sa paanan niya, nakaramdam ang batang si Jaimie na tila bang may humahaplos sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kwento sa Dilim
HorrorMay third-eye ka ba? Kung meron, nakakakita ka ng mga pagala-galang mga kaluluwa. Paano kung sila'y nagpaparamdam sayo tuwing kakagat ang dilim? Tatakbo ka ba? Makakayanan kaya ng puso mo ang kilabot na mararamdaman mo? Basahin na ang iba't ibang kw...