"Mommy, yang bahay po ba ni Mrs.Lasola, sobrang luma na? Gustung gusto ko siya maging piano teacher. Ang galing po niya kasi tumugtog. Gusto ko rin po kasi makilala ang mga batang tinuturuan niya.." Sabi ni Hasmine sa kanyang Mommy.
"Oo anak,sasabihin ko kay Mrs.Lasola na gusto mong mag-enroll para sa piano class niya. Tama ka anak, sobrang luma na ang Mansion nila sapagkat panahon pa ng mga Kastila iyan tinayo." sagot ni Lyn sa kanyang panganay na anak.
"Nakakatakot ba ang bahay nila Daddy?" Tanong ni Jaimie.
"Para sa akin anak hindi. Nagsimula lamang ang kababalaghan simula noong namatay ang Donya na siyang ina ni Mrs.Lasola." paliwanag ni Melton sa kanyang anak.
"Magkwento ka po Daddy.. Bilis ^___^" pang-aapura ng dalawang bata.
"Bata pa lamang ako noon anak nang maging kapitbahay namin ang mga dugong bughaw na iyan. Kastila ang ina ni Mrs.Lasola at isang mayamang Pilipino ang kanilang Ama. Ang Donya ang naging unang guro ni Mrs.Lasola. At dahil sa mahilig sa musika ang Donya, tinuruan niya magpiano ang mga anak... Ngunit sa tatlong anak niya, si Mrs. Lasola lamang ang may hilig magpiano. Ang mga nakakatandang lalake at babae na kapatid nito ay mahilig magbasa kaya naging doctor ang dalawang ito. Samantalang si Mrs.Lasola ay naging Elementary teacher. Sideline rin niya ang pagiging Piano teacher tuwing summer." napatigil si Melton at tiningnan ang Mansion ni Mrs.Lasola na siyang kapitbahay lang din nila.
"Tapos Daddy, anong nangyari?" tanong ni Jaimie.
"May nangyaring masama. Pumanaw ang Donya matapos tumugtog ng Piano.. Huling tinugtog nito ay ang Moonlight Sonata ni Beethoven... Hindi ito pangkaraniwang tugtog kundi ito ay ang senyales nang pamamalaam ng Donya sa kanyang mga anak. Pagsapit ng Alas dose, nalagutan na ng hininga ang Donya. Nagluksa ang kanyang mga anak. Simula nung pumanaw ang Donya, naging malungkot na ang kanilang Mansion na dati ay masaya . . tapos . . " Napabuntong hininga ulit si Melton.
"Bakit Daddy, ano ang kasunod?" pangungulit ni Hasmine kay Melton.
"Dumalaw kami sa Mansion ng mga Tita at Tito ninyo para makiramay sa nangyari sa pamilya ni Mrs.Lasola.. Lumapit kami ng mga kapatid ko sa kabaong at tiningnan ang mukha ng namayapang Donya.. Hindi ko alam kung namamalik mata kami ngunit nakangiti ito samin at dumilat ang mata ng ilang segundo.. Natakot kami sa aming nasaksihan ngunit hindi kami nagtakbuhan.. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagkakaroon na ako ng bangungot na halos gabi gabi ay nangyayari sa akin..Sa tuwing sasapit ang Alas tres, nagigising ako dahil sa bad dream ko. At ito na ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat.."
"Ano ba ang napanaginipan mo Daddy?" pangungulit ng dalawang anak..
"Napapanaginipan ko na nasa labas ako ng bahay namin habang tinititigan si Ma'am Lasola na nagwawalis sa labas ng kanilang Mansion.. Hating-gabi na daw iyon. At dahil sa curiosidad ng isang binatang katulad ko, lumabas ako sa compound at lumapit kay Mrs.Lasola. Papalapit na sana ako kay Mrs.Lasola nang bigla naman siyang pumasok sa Mansion nila ngunit nakalimutan niyang isara ang pinto kaya pumasok na rin ako. Pagpasok ko sa bahay nila ay nakita ko ang mga yapak ng mga paa. Kulay dugo ang mga ito mula sa pintuan patungo sa Piano ng Donya... Natakot ako kasi hindi ko nakita si Mrs. Lasola.. Nakita ko na may bakas ng kamay ang keyboard ng piano nila at ito'y kulay dugo rin. Tumugtog ang piano na mag-isa. At Moonlight Sonata ang narinig ko. Napag-alaman ko agad na ang Donya ay nagmumulto. Hindi ako makagalaw sa panaginip ko,, Gustuhin ko mang tumakbo ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko.." napatigil muli si Melton at ibinaling ang kanyang tingin sa kanilang garden.
"Anong ending ng panaginip mo Daddy?" tanong ni Jaimie.
"Hindi pa doon nagtapos anak.. Nung hindi ako makagalaw, nag-iba ang kulay ng Mansion. Nababahiran ito ng dugo.. May narinig ako sigaw sa isang silid at dahil sa nakakagalaw ako, agad akong tumungo na kung saan ko naririnig ang tinig ng sumisigaw. Nakita ko ang Donya sa kanyang silid at hinihingi niya ang tulong ko. Nakita ko na sinasakal siya ng isang maitim na usok.. TULONG MELTON... TULUNGAN MO AKOOO.. sabi ng Donya sa akin.. lalapitan ko na sana ang Donya para tulungan ngunit binalikwas ako ng maitim na usok,, Sabi ng maitim na usok sa akin, AKIN LANG SIYA! AKIN SIYA..! Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang sinabi ng usok sa akin. Hangga't sa namatay ang Donya at hindi ko natulungan... Lumabas ako ng Mansion para humingi ng tulong.. ngunit.. nagising na ako.." paliwanag ni Melton,
"Mukhang may misteryo talagang pinapahiwatig ang pagkamatay ng Donya.." sabi ni Lyn sa asawa.
"Yan din ang hinala ko honey.. Malapit kasi ang pamilya namin sa pamilya nina Mrs.Lasola..Ang hindi ko maintindihan kung bakit kaming lahat ng kapatid ko ay pare-pareho ang panaginip.." sabi ni Melton.
"Ang weird Daddy ha. Nakakatakot pero gusto ko parin matutong magpiano." sabi ni Hasmine.
"Ok lang yan anak, sana kayo ni Jaimie, pareho kayong maging magaling sa pagpipiano." tugon ng Ama sa mga anak..
"Takot ako Daddy.. natatakot ako sa kwento mo.." sabi ni Jaimie na nanginginig..
"Huwag ka matakot anak, panaginip lang naman yun ng Daddy.." niyapos ni Lyn ang Bunsong anak.
Tulad ng pamilya ni Mrs.Lasola, may piano rin sa loob ng bahay ang pamilyang Del Rosario.
Simula nung kinuwento ni Melton sa mga anak ang kanyang panaginip, tinotohanan na ang pananakot ng mga multo sa bahay nila.
Tulog na ang mga anak ng mag-asawa at nanonood parin ng TV ang mga ito.
Pagsapit ng Alas dose, nagtinginan ang mag asawa.
Alam niyo kung bakit?
Kasi ang piano sa loob ng bahay nila ay tumutugtog ng mag-isa. Duguan ang piano. Moonlight Sonata rin ang kanilang naririnig.
Gusto nilang tumakbo pero hindi sila makagalaw.
Sa upuan ng piano, nagpakita ang Multo ng Donya.
"Salamat at pinakilala mo ako sa mga anak mo. Paalam." sabi ng multo ng Donya na nakangiti sa mag-asawa.
Natakot ang mag-asawa sa kanilang nakita. At hindi sila makapaniwala sa multo ng Donya na nakangiti sa kanila.
Nawala narin ang bakas ng mga dugo sa kanilang piano.
Kinaumagahan nun, binenta nila ang kanilang piano at bumili ng bago.
Anong misteryo at lagim pa ba ang bibisita sa pamilyang Del Rosario?
ABANGAN sa susunod na UPDATE.
:)
BINABASA MO ANG
Kwento sa Dilim
HorrorMay third-eye ka ba? Kung meron, nakakakita ka ng mga pagala-galang mga kaluluwa. Paano kung sila'y nagpaparamdam sayo tuwing kakagat ang dilim? Tatakbo ka ba? Makakayanan kaya ng puso mo ang kilabot na mararamdaman mo? Basahin na ang iba't ibang kw...