Kurt Calling. . .
Answer? or Reject?
Press "ANSWER"
"Hello Kurt? Good evening, bakit ka napatawag?" tanong ni Jaimie sa binata.
"Ah, hehe wala lang Jaimie, unli call kasi ako.. Bakit, inaantok ka na ba? Maaga pa naman eh. 9:45pm pa lang oh.." sagot ni Kurt.
"Asus, hindi pa naman ako inaantok...May iniisip lang kasi ako ngayon." sabi ni Jaimie.
"At ano na naman ang iniisip mo dyan Jaimie? Parang may idea na naman yata ako sa iniisip mo ah.. Hahahaha may nagpaparamdam na naman ba sayo? AWOOOOOOOOO!!!!! Huwag kang lumingon ha, Ha-ha-ha!" pang-aasar ni Kurt kay Jaimie.
"Sira ulo ka talaga. Hayy nag-aalala lang naman ako kay Sheryll. Yung kaklase natin na katabi ko sa harap. May napag-usapan kasi kami na labis kong pinagtataka." ani ni Jaimie.
"Ayan oh. Girl-talk? Hindi ko ba pwede malaman?" tanong ni Kurt.
"Sasabihin ko naman sayo eh. Yun ay kung makikinig ka ng mabuti at kung interesado ka noh. At tsaka pigilan mo nga yang pang-aasar mo saken." tugon ng dalaga kay Kurt.
"Makikinig naman ako eh. At tsaka, I'm interested of course, kaya nga tinatanong ko kung ano yun diba? At tsaka, nagpapapansin lang naman ako sayo eh. HUHUHU" sabi ni Kurt.
"Maka HUHU para kang bakla. Ha-ha-ha!!!" pang-aasar ni Jaimie.
"Bakla? Sige bukas kiss kita para masubukan mong hindi ako bakla. Ha-ha-ha!!!" ganti ni Kurt.
"Ayoko nga.! At Joke lang yun noh! Ano ba, magkukwento na ba ako?" ani ni Jaimie.
"Oo na Lola Basyang, makikinig na ang Lolo Basyong mo..." sagot ni Kurt.
"Si Sheryll kasi, sabi niya sa akin sa tuwing sasapit ang Alas tres ng umaga, nagigising raw siya. Binabangungut raw siya araw-araw kaya siya nagigising ng ganyang oras. Eh, diba alam natin na pag 3am, Demon's Time yan?"
"Oo, at tsaka . . .ano naman ginagawa niya tuwing Alas tres?" tanong ni Kurt.
"Bumabangon siya mula sa kanyang higaan para uminom ng tubig. At paulit ulit niyang naririnig ang ungol ng mga aso.. At tsaka Kurt, may nararamdaman siyang kakaiba na nakabalot sa kanyang katawan na siyang nagpalamig at nagpanginig ng kanyang buong sistema.." sabi ni Jaimie.
"Wew, bakit? Ano ba ang nararamdaman niya?" tanong ni Kurt.
BINABASA MO ANG
Kwento sa Dilim
HorrorMay third-eye ka ba? Kung meron, nakakakita ka ng mga pagala-galang mga kaluluwa. Paano kung sila'y nagpaparamdam sayo tuwing kakagat ang dilim? Tatakbo ka ba? Makakayanan kaya ng puso mo ang kilabot na mararamdaman mo? Basahin na ang iba't ibang kw...