Pagtungtong ni Jaimie sa Elementarya, napagpasayahan ng mag-asawang Del Rosario na lumipat na sa bagong bahay nila. Ang bagong bahay nila ngayon ay konkreto at ang mga bintana ay gawa sa mamahaling glass. Pati ang TV set ay bago. Lahat ng mga muwebles ay bago.
Sa bagong bahay na ito, hindi alam ng pamilyang Del Rosario na may mga kababalaghan pa palang nakakapanindig balahibo sa bahay nila.
Unang linggo sa buwan ng Nobyembre pa lamang ang paninirahan ng pamilya sa kanilang bagong tahanan. Habang nanonood ng TV, may napansin si Lyn.
"Melton, tingnan mo nga ito..." tawag niya sa kanyang asawa...
"Bakit Lyn? Anong nangyari?" agad namang lumapit si Melton sa kinatatayuan ni Lyn malapit sa TV set nila.
"Tingnan mo . . .Ma-may b-bakas ng mga paa mula sa TV set patungong kusina. Ku-kulay dugo. . .Si-siguro, ang mga anak natin ang may kagagawan ng mga ito.." sabi ni Lyn.
"Tatawagin ko lang ang mga bata Lyn.." sabi ni Melton sa kanyang asawa.
Pagbalik ni Melton, kasama na niya ang dalawang bata. Agad namang nagtanong si Lyn kay Hasmine na siyang labingtatlong taong gulang nah.
"Hasmine anak. . .kayo ba ni Jaimie ang may gawa nito?"
"Mommy, hindi po. Tingnan mo ang bakas ng paa na yan. . .mas maliit kaysa sa paa ni Jaimie.." pangangatwiran ni Hasmine sa kanyang Mommy.
"Kung hindi ang mga anak natin, sino naman ang may gawa? Eh diba, apat lang naman tayo sa pamamahay na ito?" wika ni Melton sa pamilya niya.
"linisin na nga lang natin tong mga bakas na toh." sabi ni Lyn.
Sa silid ng kanilang mga anak, nag-usap ang magkapatid. "Ate, sino kaya sa tingin mo ang may gawa nun? Bakit tinatakot tayo?' tanong ni Jaimie sa kanyang Ate Hasmine.
"Ewan ko talaga Jaimie. Siguro dapat masanay nalang tayo kung ano man ang nakikita at kung ano man ang naririnig natin para hindi na tayo matakot." tugon ni Hasmine kay Jaimie.
"Ate, natatakot po ako. . ." sabi ni Jaimie.
"Huwag kang matakot Jaimie . . .Walang mananakit sa atin" sabi ni Hasmine.
Sa kusina ay nag-usap rin ang mag-asawang Del Rosario tungkol sa nangyari kanina. "Melton, siguro . . .dapat magpahouse blessing tayo sa bahay na ito ngayong darating na Linggo. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa bahay natin."
"Maski ako rin naman Lyn. Di kita masisisi kung natatakot kayo ng mga anak natin. Ang lupang kinatitirikan ng bahay natin ay dating kinatatayuan ng bahay ng mga ninuno ko sa panahon pa ng mga Hapon. Minana ko ang lupang ang ito kay Daddy bago siya pumanaw." sabi ni Melton kay Lyn.
BINABASA MO ANG
Kwento sa Dilim
TerrorMay third-eye ka ba? Kung meron, nakakakita ka ng mga pagala-galang mga kaluluwa. Paano kung sila'y nagpaparamdam sayo tuwing kakagat ang dilim? Tatakbo ka ba? Makakayanan kaya ng puso mo ang kilabot na mararamdaman mo? Basahin na ang iba't ibang kw...