Habambuhay

629 10 7
                                    

            "Melton di pa ako inaantok. Kwentuhan mo naman ako." sabi ni Lyn sa kanyang asawang si Melton.

        "Anong bang gusto mong kwento Lyn?" tanong ni Melton.

        "Kahit ano. Pwede ring kwento ng pag-ibig." sagot ni Lyn.

        "Sige, kwento ng pag-ibig na may halong trahedya at kilabot . . . .Makinig ka ng mabuti ha.." sabi ni Melton.

        "Ano ba ang pamagat ng kwento honey?" tanong ni Lyn.

        "Kinuwento lang din ito ng Lolo ko na kinuwento din sa kanya ng Lolo niya.. HABAMBUHAY daw ang pamagat." sagot ni Melton.

          ISANG ARAW. . . .may isang magkasintahan na nag-aaway. Sila ay si AMANTE at si TRINIDAD. Si SOLEDAD ay pinsan ni TRINIDAD na umiibig rin kay AMANTE.

  "Mahal kita...maniwala ka. Mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo kanina.. Pakiusap naman Trinidad pakinggan mo ako," sabi ni Amante sa kanyang kasintahan na naglalakad ng mabilis papalayo sa kanya.

       Napatigil si Trinidad at nagsalita, "Amante, kung mahal mo ako hindi mo ako pagtataksilan!!!"

     Tumakbo si Trinidad patungo sa batis at sinundan siya ni Amante. Doon ay napaupo na lamang sa pag-iyak si Trinidad sa may bato malapit sa batis. "Pakiusap Amante, hindi mo ba napapansin ang mga araw na nagdaan? Palage na lamang tayo nag-aaway. Palage nalang natin sinasaktan ang isa't isa. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sa paliwanag mo ngayon Amante? Kitang kita ng mga mata ko na naghahalikan kayo ni Soledad."

       "Mahal kong Trinidad, hindi ko ginusto ang nangyari pero maniwala ka nagkakamali ka sa inaakala mo, pakinggan mo muna ako" pakiusap ni Amante at pinipigilan ang sarili na maluha sa harapan ng minamahal niyang si Trinidad.

       "Amante, huwag mo na akong linalangin pa pakiusap lang." ...lumapit si Amante kay Trinidad at pinahiran niya ang mga luha nito "Trinidad, hindi yun totoo. . .Sinadya ni Soledad na halikan ako kasi alam niyang parating ka na. . .Alam mo kung ano pinag-usapan namin? Sinabi ko sa kanya na ikaw ang mahal ko. Pinakiusapan ko siya na itigil na ang mga plano niya para sirain tayong dalawa. Bata pa lamang tayo Trinidad, alam mong ikaw na ang mahal ko. Ni minsan hindi ako nagkagusto sa ibang babae lalong lalo na sa pinsan mong si Soledad.." paliwanag ni Amante.

       "Bata pa lamang tayo alam mong may pagtingin na sayo si Soledad," sabi ni Trinidad habang nakatingin sa malayo.

       "Trinidad, tingnan mo ang mga mata ko. Pakiusap huwag mong iiwas ang iyong tingin sa akin.." tumingin ng marahan si Trinidad sa iniirog.

       "Ngayon Trinidad, naniniwala ka bang mahal kita? Na hindi ko kaya ang mabuhay nang wala ka? Na ayaw kong mawala ka sa buhay ko? Na ikaw lang ang una at huli kong mamahalin? Naniniwala ka pa ba sa akin mahal ko?" sabi ni Amante.

       At dahil sa nakumbinsi ni Amante si Trinidad, niyakap siya ng mahigpit ng dalaga, "Patawarin mo ako Amante kung nagalit ako. Patawarin mo ako kung hindi kita pinakinggan kanina".

     "Ayos lang yun mahal ko. Naiintindihan kita kasi mahal kita. Inaalay ko ang puso at buhay ko para sayo. . . Mahal na mahal kita TRINIDAD" sabi ng binata.

       "Mahal na mahal din kita AMANTE" sagot ng dalaga.

       Makalipas ang ilang linggo ay napagpasyahan ng magkasintahang AMANTE at TRINIDAD na magpakasal. Naging masaya sila sa kanilang pamumuhay sa kanilang munting nayon. Nagsumikap sa pagsasaka si Amante at naraos niya ang kabuhayan nila ni Trinidad.

Kwento sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon