Imaginary Friend

1.4K 10 5
                                    

Limang taong gulang na si Jaimie nang magsimula na siyang mag-aral sa kindergarten.

Mabait at mapagmahal na bata si Jaimie ngunit may isang bagay na nakapagtataka sa batang ito.

Nagsasalita siyang mag-isa na tila bang may kausap siyang kapwa bata sa loob ng silid nila.

"Alam mo ba? Bukas ay kaarawan na ng classmate kong si Kimma. Magagabihan yata kami ng uwi. Samahan mo ako ha? Ayokong maglakad ng mag-isa..."

"Jaimie iha, sino ba kasama mo dyan? Sino kausap mo?" tanong ng Tita Mansueta niya sa kanya.

"Wala Tita, kausap ko lang si Teddy..." pagkukunwari ni Jaimie.

"Ah ganun ba? Sige iha, maglalaba muna ako. Maiwan na muna kita.. Pag nagutom ka, sabihin mo lang sakin, ok?" sabi ni Mansueta sa pamangkin.

"Ok Tita.." sagot naman ni Jaimie.

Bukod sa Teddy bear na kinakausap ni Jaimie, ay hindi alam ng karamihan na may isa pa siyang kaibigan na hindi nakikita ng iba.

Iyon ang kanyang imaginary friend..

Kinabukasan ay nagsimula na ang birthday party ng kanyang kaklaseng si Kimma sa school nila. 

Tulad ng sinabe ni Jaimie sa kanyang imaginary friend, magagabihan talaga sila sa pag-uwi..

"Gusto ko na umuwi. Ala-sais na ng gabi at nagsisimula ng dumilim ang daan.. Umuwi na tayo, gusto mo?" sabi ni Jaimie sa kanyang imaginary friend.

Umalis ang bata nang hindi nagpapaalam sa kanyang guro..

Limang minuto ang nakalipas ay dumating ang mag-asawang Del Rosario sa paaralan para sunduin ang anak na si Jaimie..

Lumapit si Lyn sa guro ni Jaimie at tinatanong kung nasaan ang anak nila..

"Ma'am, nasaan po si Jaimie? Susunduin na namin siya.." Tanong ni Lyn kay Teacher Pauline.

"Narito lang iyon kanina Mrs. Del Rosario . . Teka lang, tingnan natin sa CR, baka nadoon lang siya.." sabi ng guro sa mag-asawa.

Tiningnan nila ang mga CR ng paaralan ngunit walang Jaimie ang nakita..

Tiningnan rin nila sa classroom at walang Jaimie ang nakita..

Nagtanong tanong sila sa mga kaklase ng anak  .  . . Ang ibang bata ay hindi alam kung nasaan si Jaimie . .

"Excuse me teacher nakita ko po si Jaimie kanina.." sabi ng batang si Nathan na kaklase ni Jaimie.

Kwento sa DilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon