Kinabukasan syempre late na kong nagising. May tumawag sa cp ko un ang nakagising sakin pasaway hahaha.
"hello"
(goodmorning get up sleep head)
"sino nman to ang aga pa no antok pa ko"
(hey remember may usapan tayo masasayang ang 1 araw ko dali na dito na ko sa labas ng bahay nyo)
"what di pa ko nakakaayos. Kagigising ko lang wait pasok ka muna"
"nay si Laurence nasa labas paki papasok nga maliligo lang ako"-sigaw ko sa baba kay nanay
(hey ang ingay lang ha hanggan dito sa labas dinig boses mo)
"arte ha sige pumasok ka na gagayak lang ako"
(ok pasok na ko bye eto na nanay mo)
Call ended
Kinuha ko na gamit ko naligo na ko after that nagbihis na ko naka skinny jeans at tshirt lang ako saka converse eto nman lagi kong getup hahaha. Suklay lang ng konti ayos na un kasi di ko nman kailangan pang mag arte sa buhok ko kasi nga maiksi diba so keri na un hahaha. Tapos na kong mag gayak kinuha ko lang ung cp ko wallet na maliit na kasya sa pocket ko ayaw ko kasing magbitbit ng pouch di ako sanay then bumaba na ko.
"nak kain muna kayo san ba lakad nyo ang bakit maaga"-nanay ko
"gagala lang po kami sama ko po muna si mizzy"-Laurence
"sige kumain muna kayo bago kayo gumala"-nanay
"sige kain muna tayo Lau then alis na din tayo. Nay pumasok na si tatay?"-ako
"pumasok na nga pala kanina pa tawag ng tawag ang kuya mo sayo di mo raw sinasagot phone ko kaya sakin tumawag sabi ko tulog ka pa tawagan mo na lang after mo jan"-nanay
"hmmm bakit kaya din a lang sya nagtext. Sige po tawagan ko na lang mamaya"-ako
Tapos na kaming kumain. Nagpaalam na kami kay nanay. Lumabas na kami motor pala dala nyang sasakyan. Mas ok to mas masaya hehehe.
"eto helmet"-sya
"ok thanks san nga pala tayo pupunta?"-ako
"wag ka ng magtanong sino ba driver?"-sya
"ok wag mo lang akong kikidnapin ha hehehe"-ako
"hehehe di na nga kita iuuwi eh isasama na lang kita sa canada"-sya
"hahaha wala akong passport saka visa mahihirapang kang dalin ako dun hehehe"-ako
"oo nga noh! Wag kang mag alala akong bahala sayo ngaun! basta pasyal lang tayo wag kang matakot saka papakainin kita di kita gugutumin promise"-sya
"chooo tara na nga."-ako
Sumakay na kami sa motor pinaandar na nya ang saya bilis nyang magpaandar kung san san lang kami nagpunta nakarating kami hanggang sa Pampanga eto ngaun SM din pala pupuntahan gusto nya malayong SM hahaha!so laro lang ang ginawa nmin kanta dito laro dun tapos kain kwento sandali tapos laro ulit. Ang saya di ko na namalayan ang oras 5 na pala ng hapon ng biglang tumunog ang cp ko si kuya ayun nakalimutan kong tawagan yari ako hahahaha!!!