Nagising ako. Teka bakit nakahiga ako. Bumalikwas akong bigla pero nasa kwarto ko ako?! Sino nagdala sakin dito?
“pangs? Pangs?” wala pa rin sumasagot. Lumabas ako ng kwarto ng may nadinig akong nagtatawanan
“tol gising ka na pala alam mo ba kung anong oras na? mukang puyat ka ah!”
“kuya asan si Adam baka mabinat un?”
“maghilamos ka kaya muna! Masyado kang nag aalala sa kumag na un!”
Lumapit ako sa kanila “good afternoon sissy” bati ni mons
“good afternoon?” tinignan ko ung wall clock naming “grabe ala una na?! bakit di nyo ko ginising”
“puyat ka kasi eh sa pagbabantay mo sakin! Sabi ko kila kuya mo hayaan ka munang matulog” tapos may naramdaman akong umakbay sakin
“pangs ano magaling ka na ba? bakit bumangon ka na? kumain ka nab a? uminom ka na ng gamut?” sinalat salat ko pa ung noo nya at leeg nya
“tol chill lang!”
“che”
“dami naming tanong napaghahalata ka tuloy hahaha!” hinambas ko sya sa braso “ang sakit nman panget. Ayos na ko wala na kong lagnat. Kumain na din ako saka uminom ng gamut. Ikaw kumain ka na rin baka pati ikaw magkasakit” tinalikuran ko lang sya saka dumeretso sa kusina
Kumain na ko sa kusina medyo masakit ang ulo ko sa puyat to malamang. Pagkatapos kumain. Nagtooth brush at naghilamos lang ako maya na lang ako maliligo. Bumalik na ko ng sala nag kwekwentuha sila. Umupo ako sa tabi ni kuya sumingit ako hahaha
“panget nasabi mo na ba kay kuya mo?”
“no sasabihin mo sakin? Mukang kinakabahan ako ah! Wag mo sabihing buntis ka at si Adam ang ama?” hinapas sya ng unan ni Adam
“grabe pare napakaadvance ng utak mo. Eh di nga kami ni panget tapos ganyan kang mag isip!”
“hahaha di ba kala ko kasi un eh hahaha! Ano nga ba un tol?” humarap sakin si kuya sensya na wala pa ko sa mood mambugbog ng kapatid eh
“teka lang sila nanay nga pala dapat ko din sabihin sa kanila”
“eh ano nga un pabitin pa to eh noh!” asar na sabi ni kuya
“Love atat lang hahahah! Tsismoso ka din eh noh!” pang aasar ni Mons
“nasa kwarto sila oh ayan na pala eh! Nay may sasabihin daw si Mizzy buntis daw sya kay Adam hahahaa” ayon binatukan ko na si kuya dun si nanay at tatay naman gulat tapos binato ulit sya ni Adam ng unan asar lang eh noh! “ aray naman kayong 2 sumubra na anoh!”
“totoo ba anak? Kelan ang kasal! Hoy Adam pakasalan mo anak ko!”
“sige po?!” un lang nasabi ni Adam
“good afternoon po!” gulat kaming lahat si Laurence pala lumapit samin gulat silang lahat! Nagmano sya kay nanay at tatay tapos umapir lang kay kuya at adam then kumiss samin ni Mons “sino pong ikakasal” naku naman ano ba to si kuya kasi eh!
“ah wala un!” sagot ko with maching iling
“akala ko ba buntis ka” sabi ni tatay
“sweety buntis ka?” nanlaki mata ni Laurence ano ba to si kuya kasi pasaway
“teka lang po ah wait explain ko po si kuya kasi eh pasaway” pinakakalma ko si Laurence hawak ko ung kamay nya. “ganito po un. May sasabihin po kasi ko sa inyo tapos itong si kuya pinangunahan ako eh mali naman di nman iyon ang sasabihin ko noh! Di po ako buntis kay adam…”