Chapter 5
Belle's POV
Pagkagaling namin sa mall, hindi pa muna kami umuwi.. nag-aaya pa mag bar si Maki kaya sasamahan ko na muna. mukhang broken ngayon tong si bessy eh, o ewan lang.. hindi pa sya nagkukwento kung anong buong nangyari kanina dun sa mall eh.
Nag-taxi na kami papuntang bar.. nakakahiya naman kung sa jeep kami, nagkalat na kasi make up ni bessy dahil sa pag iyak nya kanina
If you ever leave me, baby,
Leave some morphine at my door
'Cause it would take a whole
lot of medication
To realized what we used to have,
We don't have it anymore
Nag ring bigla yun cellphone ko,
Habagat calling..
"Haha, tangina Belle, ganda ng ring tone mo ah! Pa'bluetooth nga nyan!" sabi ni Maki sakin, tapos nakita kong naluluha na naman sya
Sinagot ko na agad yung tawag "Hello, Jake bakit?"
"Asan ka na, nakauwi ka na ba?" sagot sakin ng nasa kabilang linya
"Hindi pa, papunta kaming bar ngayon.. sasamahan ko pa si Maki eh."
"Oh, bakit? saang bar kayo? Pupunta din akong bar ngayon, tinawagan ako ni Aaron eh, mukhang problemado."
"Basta. Sa Rain's kami."
"Sige dyan na lang din ako pupunta, sasabihan ko na lang din si Aaron, magkita na lang tayo hintayin nyo ko."
"Sige sige, ingat ka. malapit na kami"
"Okay bye, kayo din."
--
Rain's Bar
Kumuha na kami ng private room at hanggang ngayon tahimik pa din si Maki.
Nag aalala na nga ko eh, mura lang sya ng mura habang nag iinom. Lights lang yung sakin kasi kailangan ko pa tong alalayan sa pag-uwi. Mukhang plano yata nyang magpakalasing eh.
Maya maya pa, dumating na si Jake.
"Sorry, natagalan ako."
"Ayos lang, di pa naman kami masyadong nagtatagal dito. Nasan na si Aaron?" sagot ko
"Sabi nya, malapit na din sya eh, naunahan ko pa pala."
Nagulat ako nung tumayo bigla si bessy.
"Bessy, bakit? saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya. Medyo gumewang pa sya paglakad nya, mukhang may tama na.
"Oops! Hihi. eto naman, OA ka bessy, kakanta lang ako. Ayan oh, may videoke! para marinig naman ni fafa Jake mo yung beautiful voice ko." sagot ni Maki
nagkatinginan na lang kami ni Jake "Ano ba nangyare?" bulong sakin ni Jake
"ewan ko, basta sinapak nya yung boyfriend nya kanina sa mall eh." pabulong ko ding sagot. Para kaming mga tanga nu? haha
"Sinapak?! O__O" di makapaniwalng tanong ni Jake sakin
tumango lang ako.
Now playing: Thinking of You
By: Katy Perry
Comparisons are easily done once you
Had a taste of perfection
BINABASA MO ANG
Rain.. Bow! (Super Slow Update)
Teen FictionSimple lang ang buhay ko pero gumulo lang simula nung magka lovelife ako. Alamin niyo na lang kung bakit sa istoryang ito.. cliche? Find out. ;) I'm Belle Alexi T. Solien at Ayoko sa french fries o kahit anong pagkain that's made of PATATAS! weird b...