"Kiriririiing!" Ano ba 'yan! Istorbo!!! Kinapa ko yung alarm clock at ini-snooze ko pero wala pa atang 5 minutes...
"Kiriririiiiiing!!!!:" Ayan na naman. Tinakpan ko yung tenga ko ng unan para 'di na marinig ang nakaka-buisit na ingay na yun. Hayy!
"Ano ba?! Anong problema mo Miko? Parang may sunog ah! Akala ko pa naman yung alarm ko yun! Nakalunok ka ba ng megaphone?!" sunod-sunod kong tanong sa kapatid ko. Umayos na siya at umalis sa kama ko.
"Kuya!!! Gising na daw sabi ni mom at may pasok ka!!!!" sigaw niya. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang kamay ko sa sobrang lakas ng boses niya.
"Oo na! Get out, Miko. Out!" tinulak ko siya palabas. Kulang nalang atang tadyakan ko siya para umalis.
"Hayy! Ano ba 'tong umagang 'to!" nakakainis naman. Una, ang lakas ng ring ng alarm ko. Pangalawa, may megaphone-minion na pumasok sa kwarto ko at pangatlo... Shete! Naalala ko yung mukhang -ewang babaeng 'yun!
Bumalik na ako sa kama at nahiga na sandali.
"Why was she in my dreams?" tanong ko sa sarili ko.
"Hmft. Kuya panget, bumaba ka na daw!"sigaw nung kapatid ko. Tumayo na ako at binuksan yung pinto.
"Huwag kang mag-alala, kahit panget ako, pagdating sa babae hindi ako TORPEng kagaya mo!" sigaw ko sa kanya.
Bumaba na ako sa dining room. Nandun na silang lahat except for mom.
"Oh, anak. Bakit ngayon ka lang gumising?" pag-gaya ni Miko sa boses ni dad.
"Ulol. Tumahimik ka nga megaphone. Wala pang rally." Umupo na ako sa tabi ng upuan ni mom ng may naamoy ako.
"Ayy, kuya ano ba 'yan? May C.R. naman tayo ah. Ba't dito ka pa magkakalat?!" sabi ng kapatid ko. Walang H*ya! Nilagyan ba naman ng bugok na itlog yung cushion ko? Tinanggal ko yun sa upuan ko at initsa sa kanya na nasa kabilang side ng table. Pagka-itsa ko sakto sa mukha niya!
"Ahahahaha! Buti nga sa'yo. Quits na tayo." mas lalong bumaho sa dining room pero wala kaming pakialam. Habang si dad...
"HOYY, Miko. Mikee, tumigil kaong dalawa kung hindi..." naputol yung sasabihin ni dad dahil may bumagsak na baga sa table.
"Uh-oh." sabi ni Miko. Si dad naman tinakpan yung mukha niya with the newspaper. Tapos may gamit nanamang bumagsak...
thud.
"Ehem. H-hi Okaasan." sabi ko. Pero tuloy pa rin si mom sa pag-lagay o pag-bagsak ng breakfast sa table. Tapos...
"Kumain na kayo." sabi ni mom na may ngiti. Yung ngiti na pang KILLER. Killer smile pala. xD (pero seriously nakakatakot yung hitsura ng ngiti ni mom)
Pagkasabing-pagkasabi ni mom, parang robot naman si dad at Miko. Tuloy-tuloy ang subo. Lumingon ko kay mom at naku! Parang murder ang aabutin ko kay mom kaya sinimulan ko na ang pagkain.
"Anak..." sabi ni mom. Napabilis ako sa pag-nguya. At sh*t! 'Di ko malunok.
"Y-yes mom?" tanong ko habang unti-unting ngumunguya. Tapos naramdaman kong hindi ako makahinga. Nabubulunan na pala ako. Buti nalang at ma nakita akong coke. Kaya tinungga ko. Pero..
"Pwe! Pwe! What the F*ck! Miko! Miko! Walang h*ya ka talaga! Mabubulunan na nga ako, may trip ka pang palitan ng TOYO yung inumin ko?! Humanda ka talaga sa'kin!"
Pero bago pa man ako makabawi, pinalabas na kami ng bahaydiretso sa school kahit amoy bugok na itlog kaming dalawa. (---____---)
Sa school...
"Mr. Fajardo, you are late! Yet, again! At hoo! What's that unpleasant smell? Phew, pumunta ka nga sa likod! You smell! Umupo ka na sa likod! Naka-aircon tayo, mangangamoy bugok na itlog tayong lahat."
" *smirk* Okay ma'am. Basta malayo sa'yo." pang-aasar ko sa Prof. namin.
Hayy! Nakaka-pikon! Tss. Ako nga pala si Michael Fajardo. Mikee for short. Fourth-year high-school na ako pero ang pag-iisip ko ay parang sa alien. Isa akong mapagbigay, tahimik at matinong tao. Pero sa kasamaang palad, hindi yun ang totoo. Kabaligtaran ako ng sinabi ko. 'Campus Bully' ang tawag nila sa'kin. Marami daw kasi akong napipikong mga estudyante sa Campus. Hindi naman talaga ako ganun eh. Mukha lang.
"Aray!" sabi ko nung may naramdaman akong tumama sa batok ko. Papel? Exam ba ngayon? Tiningnan ko kung saan nanggaling yung papel. Putik, si Xander lang pala. Sinenyasan niya akong buksan yung papel.
"Pre, mamaya may lakad tayo." nakasulat yun sa papel. Nag-sulat din ako.
"Walang H*ya, pre. Ayoko na. Pinahamak mo ako nun. Mukhang bakla naman yung ka-date ko."
"Pre, buti alam mong date 'to." sabi niya.
"Eh ano ba namang maaasahan ko sa'yo? Eh hindi ka naman matino." sulat ko.
"Aray naman! Basta mamaya. Mga taga SAA ang ka-date natin."
Hay naku! Wala talagang matinong gawain si Xander. Hayy. Sabagay, wala na akong magagawa sa ngayon. Busy ang mga kumpare ko sa mga girlfriend nila, kaya tiis-tiis nalang kay Xander. Tutal kaibigan a.k.a ka-DOTA ko naman. Tsaka, ano daw? SAA? Teka..weh? Imposible. Saint Angelo's Academy is one of our rival schools: Saint Francis' Academy's rival school. Imposibleng magkakasundo ang mga estudyante. Ah basta! Bahala na. Makatulog na nga muna.
BINABASA MO ANG
Campus Bully [DISCONTINUED]
RomanceMichael Fajardo, a15 old student sa isang prestigious school. "Campus Bully" ang tawag sa kanya, pero deep inside, 'di siya ganun. Hanggang sa nakabungguan niya ang isang babae from the rival school and calls him "Campus Cry Baby" na ikapipikon nit...