Chapter 2: Placing the game

298 8 0
                                    

4:30 pm na. Mahigit 8 hours na rin pala akong wala sa mundong ibabaw. Last period na: Phsics Class. Ilang oras nalang makakauwi na ako. Umayos na ako ng upo pero sumalumbaba rin, nang may tumabi sa'kin.

"So ano? Ready ka na?" tanong niya sa'kin.

"Ha?"

"Anong 'ha'? Ang kako, ready ka na ba sa date natin?" napatayo ako sa gulat.

"Ano?! Xander, hindi tayo talo!" pasigaw kong sabi. Lumingon sa'min ang buong klase, pati na ang teacher naming si Sir Paul.

"Sssh! Quiet! Ano ba Mikee? May problema ba kayo ni Xander? Baka gusto niyong i-share sa'min?" tanong sa'min ni Sir Paul. Umiling nalang kami. Sinenyasan akong umupo na. I was about to seat and guess what?

"Ouch" bulong ko sa sarili ko. Binatukan ako ng malakas ni Xander. Hinimas ko na ang batok ko at tsaka ko lang naalala.

Ah. Oo nga pala. Yung double date.

Nag-ring na yung bell at tumayo na ako. Nagpaalam ako kay Xander na uuwimuna ako at maliligo. Alam ko namang naiintindihan niya ang kondisyon ko. Yung kondisyon na maging 'center of attraction' dahil sa baho. Umuwi na ako at naligo. Nagpalit na ako ng damit at sumakay na ng kotse.

Habang nasa kotse, naisipan kong mag-facebook muna. Online si Xander kaya naisipan kong i-chat siya.

Mikee: Saan ka na, pre?

Xander: Labas ng mall

Mikee: Usual?

Xander: Oo. On the way ka na ba? Drive faster. The ladies are on their way.

Mikee: Are you sure na LADIES?    (OO caps-lock talaga 'to. Wag niyo nang balaking itanog kung bakit)

Xander:(after a few minutes) Oo nga.

Mikee: Siguraduhin mong maganda ha. Pag 'yan chaka, iiwanan kita. Sige, bye na. Magke-candy crush muna 'ko.

After ilang minutes, nakadating na ako sa mall. Bumaba na ako ng kotse at tinext na si Xander. Nag-reply siya. Inutusan niya akong magkita nalang kami sa harap ng Music Land. Nagkita naman kami dun kaso wala pa yung mga LADIES. Mukha na nga kaming timang eh. Quarter to 6 na pero wala paring mga bebot (sorry sa term) na dumadating.

"Xander?" narinig kong tanong ng isang babaeng naka-SAA uniform kay Xander na halos mangiyak-ngiyak na ang hitsura sa sama ng loob sa paghihintay.

"Ayie?" tanong niya. Tumango yung babae.Tumayo na kami sa pagkakasalampak namin sa floor.Yung 'Ayie' may kasamang isang babaeng morena, matangkad (actually mas matangkad pa sa'kin). Pusta ko yun ang ka-date ko.

"So, ano pre? Okay ba?" tanong niya sa'kin. I scanned her face, thoroughly. She looks pure filipino. Hindi siya isang 'cross-breed' pero maganda siya. Tumango nalang ako

"Hindi kaya kami mag-mukhang mag-ina nito?" tanong ko sa sarili ko kasi lumapit pa siya sa'kin at doble-doble ang tangkad niya sa'kin.

"Ahm, excuse me? Tanong lang? Ano'ng height mo?" Lumingon siya sa'kin sabay ngiti.

"6'5. Ikaw?" Naku Jusko po! 6'0 footer lang ako. Sabi ko sa kanya.

"Pwede na ata siyang pumasok ng WNBA, sa tangkad." sabi ko kay Xander. Ang imbalance kasi ng height namin. Tinawanan nalang ako ni Xander. Nag-aya na si Xander para mamasyal pero pinigilan kami ni Kapre, este, ng ka-date ko.

"Wait!Padating na daw si Sophie." sabi niya sa kaibigan niya. Nagtataka ang hitsura ni Xander na nagtanong kay Ayie.

"Who's Sophie?" tanong ni Xander kay Ayie. May dumaang isang babae sa tabi ko.

Campus Bully [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon