Ikalawang Kabanata

16.1K 414 13
                                    

"Barbie! Look at yourself! You are a mess!", dumadagundong ang boses ng kanyang ama sa loob ng kanilang bahay.

Kararating niya lang sa kanilang bahay pero kung minamalas ka nga naman. Iyong pinakaayaw mong makita ay siya pa talaga ang sumalubong sa iyo.

"Nakakahiya ka talaga!"

Napayuko nalang siya pero nginangatngat siya ng sama ng loob para sa ama. Ganyan naman siya eh puro naman mali lahat ng ginagawa niya.

"Wala ka na ba talagang ibibigay sa pamilyang ito kundi kahihiyan!"

"Bakit hindi mo tularan ang kapatid mo!"

"Are you done Papa? Gusto ko na pong magpahinga", mahinang sagot niya rito.

"Wala ka talagang modo! Nagsasalita pa ako pero pinapatigil mo na ako! Hindi ko alam kung kanino ka nagmana sa kabatusan mo! Wala ka talagang silbi!"

"Danny ano ba! Tama na! Huwag ka namang masyado mahigpit sa anak mo!", hindi na napigilan ng kanyang Mama ang magsalita.

"Isa ka pa! Kinukunsinti mo ang anak mong boba! Jan na nga kayo!"

Agad na lumapit sa kanya ang kanyang ina na may naaawang tingin para sa bunsong anak.

"Sige po Mama aakyat na po ako"

"S-sige anak"

Alam niyo iyong feeling na lagi ka nalang mainit sa mata ng magulang mo at wala ka ng ginawang mabuti sa kanila dahil lahat ng gawin mo ay palpak para sa kanila.

Hinayaan niyang mahulog ang tinitimping luha ng makapasok siya sa kanyang silid.

Ganyan naman kasi ang kanyang Papa noong maliit pa siya hindi na niya naramdaman ang pagmamahal ng kanyang ama.

Nakatulugan na niya ang pag-iyak at nagising lang siya ng katukin siya ng kanilang katulong para kumain na daw ng dinner.

Mabilis siyang nag-ayos at nagkukumahog na bumaba na dahil baka pagalitan na naman siya ng kanyang Papa.

Hindi nga siya nagkamali dahil ng makababa siya ay kumpleto na silang tatlo at ako nalang ang wala.

Tahimik siyang umupo.

"Tsk"

"As usual nagpapaimportante na naman kaya ang tagal bumaba. Papansin talaga", bulong ng kanyang ate.

Binelatan nalang niya ang kapatid.

"Papa look oh"

"Tigil! Wala ka talagang respeto Barbie! Alam mo naman ang oras ng dinner at ngayon ka lang bumaba! Bobo ka talaga!", pagalit ng kanyang ama.

Nagsimula ng naghain ang kanilang katulong. Isa sa nakagawian na ng pamilya ay ang sabay sabay kapag kakain.

"Claire anak kumusta ang iyong pag-aaral?", tanong ni Papa kay Ate Claire.

"Ok naman po Papa. Consistent po na top 2 ako at top 1 parin po si Aaron"

"Iyong sinabi ko sayo. Do everything para mapansin ka ni Aaron. Gusto ko siya para sayo anak. Bagay kayong dalawa. Alam kong magugustuhan ka niya dahil maganda ka at matalino pa", nakangising sabi ni Papa.

"Papa gusto ko rin po si Aaron", nakangiting sabi ko.

"Tumigil ka sa kahibangan mo Barbie! Hinding hindi magkakagusto sa isang bobo ang isang Steeve! Ang mga kagaya ng kapatid mo ang nababagay sa kanya iyong may utak para magkaroon ng silbi!"

"Danny! Pwede ba! Hayaan mo nalang ang bunso natin na magkagusto sa kanya wala namang mawawala ah", sabat ng kanyang Mama.

"Jan ka magaling ang konsintihin ang kalukuhan ng anak mo!"

"Anak natin!"

"Tsk! Nawalan na ako ng gana!", sabi ni Papa sabay padabog na umalis at sinundan naman ni Mama.

"Kasalanan mo! Ambisyosa ka kasi! Akin si Aaron! Malapit na siyang mapasa akin kaya kung ako sayo ay itigil mo na ang mangarap!", sabi ni Ate sabay padabog na umalis.

Naiwan tuloy akong nag-iisa. Bakit ba ang hilig nilang mag walk out! Bahala nga silang magutom basta ako kakain!

~

Kinabukasan ay tumambay ulit siya sa may parking lot habang hinihintay ang pagdating nina Aaron. Nakasanayan na niya kasing mag abang sa kanila mula ng unang beses niyang makita ito ng pumasok siya sa Steeve University. Napansin niyang madami din ang gaya niyang nag-aabang.

Sa mahigilit isang taon na niyang ini stalk si Aaron ay ngayon lang siya naglakas.loob na magpapansin kasi nga 4th year na siya malapit na siyang grumadwayt kaya itutudo na niya para wala siyang pagsisihan sa huli. Noon kasi ay hanggang tingin lang siya dito. 8a.m na pero wala parin sila. Late narin siya sa kanyang klase. There are times kasi na hindi pumapasok ang grupo ni Aaron gaya ngayon hindi lang niya alam kung bakit.

Malungkot siyang nagtungo sa library. Dito nalang niya gugugulin ang natitirang minuto bago magsimula ang kanyang susunod na klase. Kung papasok kasi siya na late na naman eh baka pag initan na naman siya ng prof. Nila.

Mangilan ngilan lang ang nasa library ngayon kasi nga may klase ang oras na yun. Nagpunta siya sa pinakadulo para walang istorbo. Kinuha niya ang bagong biling wattpad book niya at nagsimula ng magbasa.

Hindi pa siya nagtatagal magbasa ng biglang may umupo sa kanyang tabi.

Muntik pa siyang mapatili dahil sa gulat.

Pero napanganga siya ng makita niyang si Aaron iyon!

Kyaaaaahhhh!!!

Biglang naghugis puso na naman ang kanyang paningin habang nakatitig dito na pikit na pikit ang mga mata.

Mukhang pagod ang aking Aaron baby! Wawa naman siya!

Excited niyang kinuha ang kanyang phone at kumuha ng selfie kasama si Aaron!

Nagwaky pose pa siya, nakalabas ang dila na pose, nagduling dulingan na pose at kung anu ano pang pose.

Hanggang sa makaisip ng isang kalukuhan. Tutal tulog ka baby ay sulitin ko na.Hihi

Nilapit niya ang kanyang mukha dito at ngumuso na parang kikiss niya si Aaron saka pumikit at sabay click ng camera.

Pero nagulat siya ng biglang may lumapat na malambot sa labi niya kaya mabilis siyang napamulagat at hindi sinasadyang napindot ang camera na hawak.

"Hmmm tamis ah", nakangising sabi ni Aaron sabay tayo at umalis na at iniwan ang tulalang si Barbie.

~

Book cover by ayuma_02...thankie my dear...:) sa mga nagpadala ng cover pa gagamitin ko po lahat till makapili ako ng final book cover.. :)

The Devil's Secret Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon