"Hoy Barbie doll! Hindi ka na naman pumasok sa first subject natin! Anyare ha?", agad na tanong ni Jameenah pagpasok ko sa classroom para sa second subject namin.
"Hinalikan niya ako", wala sa sariling wika ni Barbie tapos ngiting ngiti na parang nangangarap.
"Sino?"
"Si Aaron"
"Weh?!"
"Oo nga!"
"Oh sige mangarap kalang libre naman! Umayos ka anjan na si ma'am!"
"Ayaw mo maniwala di wag! Basta first kiss ko si Aaron baby!"
"Malala ka na!"
"Okay class go back to your proper seats! I have a very important announcement. Palapit na ang ating foundation day at magkakaroon ng Miss Steeve University aside from preparing booths"
"Si Cindy po ang muse ma'am siya nalang ang isali natin!', sabi ni Jolina.
"What? Ayoko ngang sumali! Malamang sasali si Claire Mendoza panalo na sya! Beauty and Brain!"
"Eh sino ang ilalaban natin?"
Habang nag-uusap sila sy napatingin si Jack sa kaklase nilang si Barbie na wala sa sarili habang ngingisi ngisi.
"So, kung ayaw ni Cindy any volunteer class?", tanong ng guro.
"Hoy Barbie!", tawag ni Jack kay Barbie.
"Baket?", inis na bumaling si Barbie dito.
"Kanina ka pa tinatawag ni ma'am ah! Para kang tanga jan!"
"Ha?"
"Oo nga! Tayo na dali!"
"Ma'am andito po ako!', malakas na sigaw ni Barbie sabay taas nga kamay at tumayo kaya naman napatingin silang lahat dito.
"Pfffftttttt", nagpipigil naman ng tawa si Jack.
"Ikaw?!", sabi ng mga kaklase niya.
"Oo bakit! Problema niyo?!", masungit na sagot ni Barbie.
"Sigurado ka ba Barbie?", nagdadalawang isip na tanong ng guro.
"Po? Oo naman po! Ako naman talaga si Barbie eh!", nagtatakang sagot ni Barbie.
Iiling iling nalang si Jameenah ng makitang tawang tawa si Jack.
Malamang pinagtripan na naman nila ang kaibigan.
"Sige si Barbie na ang representative natin sa pageant",sabi ng guro.
"Wala na talo na agad yan!"
"Ho?! Ano pong pageant?", nagtatakang tanong ni Barbie.
"Iyon yung sasalihan mo hija. Tinanong ko kung sino ang magvovolunteer na maging representative ng class ninyo sa pageant. Tumayo ka at nagtaas ng kamay kaya ikaw na ang kinatawan ng klase niyo"
"Ho?!!!!!", gulat na gulat na sigaw ni Barbie kaya naman tawanan ang lahat ng kanyang kaklase.
"Ay tanga!"
"Oh sige class magplano na kayo kung anong booth ang ipreprepare ninyo. You have a week to prepare before the foundation day. At ikaw Barbie dapat umattend ka sa mga partices ha? Goodluck!", sabi guro sabay alis.
"Walanghiya ka Jack!!!!!!!", hiyaw ni Barbie at hinabol si Jack na nagtatakbo na palayo.
"Meenah!!!! Huhuhuhu ayoko!!! Pagtatawanan lang nila ako doon eh! Please ikaw nalang ang pumalit sa akin!"
"Wala ka ng magagawa dahil tapos na yun! Ikaw kasi eh hindi ka nakikinig!"
"Uwaaaaaahhhh!"
"Hahahah! Kaya mo yan Barbie Doll! Bilang kaibigan mo ay susupurtahan kita! Aja!"
"Jack! Huwag kang papahuli sakin kundi puputulin ko yan kaligayahan mo!!!!"
"Ewww kadiri ka Barbie! Tara na nga sa canteen."
Nakanguso lang si Barbie habang hindi mawala wala sa isip ang tungkol sa pageant.
Ano naman ang alam niya sa contest na yun! Waaaahh!!! Ngayon palang talo na siya!!! Bwiisitttt!!!!
Nauna na siyang umupo sa mesa habang inaantay si Jameenah na bumili ng pagkain.
Dahil sa malalim na iniisip ay hindi niya napansin na tumabi sa kanya si Aaron.
Natahimik tuloy ang lahat ng tao sa canteen at nakatingin lang sa dalawa.
"Ano na ang gagawin ko? Huhuhuhuhu! Gagong Jack iyon! Sabi niya tinatawag ako ni ma'am ako naman si tanga tumayo at nagtaas ng kamay iyon pala nagtatanong ng volunteer kung sino ang sasali sa pageant Nasaan ang hustisya doon?", naiiyak na kwento niya sa sarili.
Habang nagsasalita siya ay tahimik lang na kumakain sa tabi niya si Aaron.
"Ano naman laban ko doon di ba? Oo andun na ako na maganda ako! Maganda naman talaga ako eh! Sexy pa! Pero ang brain eh sadyang hindi ako pinagpala doon! Juice colored! Ano po ang gagawin ko! Baka mapahiya lang ako doon!"
"Paano pag hindi ako nakasagot! Nanginginig pa naman ako kapag nasa harap ng madaming tao! Worst baka manuod pa si Aaron baby! Makita niya na palpak ako! Baka maturn off sakin! Huhuhu!"
"Nakakahiya!!!"
Nang matapos ang pagkain ay umalis na rin si Aaron at hindi alam kung paano supilin ang tawa.
"Barbie doll!!!!! Kyaahhhh!!! Ang swerte mo!!!", nagtitili na sigaw ni Jameenah.
"Hah? Bakit? Ang malas malas ko na nga paano ako naging maswerte?!", naguguluhang tanong ni Barbie.
"Ano ba yan Barbie! Hindi mo ba napansin si Aaron! Kumain siya dito mismo sa tabi mo!"
"Ha? Asan?! Asan?! Wala naman eh!"
"Ay tanga! Kaka alis lang bruha!"
"Ano?!!!! bat di mo sinabi!"
"Aba malay ko ba na hindi mo pala alam!"
'Ang tanga mo! Bat dimo sinabi sakin!"
"Wow Barbie ha?! Kung makatanga ka wagas!"
~
BINABASA MO ANG
The Devil's Secret Love Affair
RomanceNabuhay siyang uhaw sa pagmamahal ng mga magulang at selos naman sa kapatid. Sabi nila isa siyang living human doll pero kung gaano siya kaganda doon naman kaliit ang kanyang utak. Kasalanan ba niya kung pinanganak siyang bobo! Sabi nga nila you can...