"Doon tayo sa coffee booth Barbie Doll! May design sila na unique! Pwede daw nilang gayahin ang mukha natin. Di ba ang cool!", excited na sabi ni Jameenah sabay hila sa kamay ni Barbie.
"Talaga! Ang galing naman!", excited ding wika ni Barbie.
Ngayon na ang foundation day at napakarami ng tao na nagkalat sa university.
Napakaraming booth ang nakatayo kaya naman inagahan talaga ng magkaibigan para mapasyalan ang lahat ng booth.
"Tig-isa kami pero iyong akin kuyah ay mukha ni Aaron Steeve!", nakangiting sabi ni Barbie sa nagdedesign ng kape.
Hindi nagtagal ay nakangiting inabot na ng lalaki ang dalawang kape para sa mga dalaga.
"Waaahhh!Ang pogi ng baby ko!!", tuwang tuwa sabi ni Barbie.
Kinuha niya ang kanyang camera at kinunan ng larawan ang dalawang kape.
"Awww parang ayaw ko ng inumin kasi ang cute!", natatawang sabi ni Barbie.
"Sira! Inumin mo na dali! Ang sarap kamo!"
Tumitingin sila ng mga keychain ng biglang may humablot kay Barbie. Hindi man lang naramdaman ni Jameenah ang pagkawala ng kaibigan.
"Galingan mo mamayang gabi ha Barbie Doll! Nagpagawa na ako ng mga tarpaulin mo. Naku excited na ako!!", tuwang tuwa na saad ni Jameenah.
Natatawa naman ang mga ibang tao na nasa loob ng booth ng makitang nagsasalitang mag-isa si Jameenah.
Nagtaka naman ang dalaga nga walang sagot ang kaibigan.
"Alam mo Barbie Doll naturalmente lang ang kabahan pero sa ganda mong iyan?! Naku- eeehhh?"
Gulat na gulat naman si Jameenah ng pagtalikod ay wala naman ang kaibigan.
"Barbie Doll?!"
~
"Ahhhhh!!!! Sino kayo!", sigaw ni Barbie.
"Sa wedding booth kami! Wanted ka manika kaya hinuhuli ka namin! Hahaha"
"Ehhhh? Sinong manika? Nagkakamali po kayo! Si Barbie po ako hindi si Manika"
"Hahahaha. Ikaw nga si Manika!"
"Si Barbie nga ako!"
"Si Manika ka nga!"
"Alam mo ang tanga mo!",inis na sagot ni Barbie
'Edi wow!"
"Bakit ang layo na ata ng nilakad natin akala ko ba wedding booth?"
"Ha? Change venue eh!"
"Hala iyong kaibigan ko si Jameenah!"
"Naiwan eh! Hahaha!"
"Baka madapa ako ah! Bakit ba kailangang piringan pa ako?"
"Hindi yan! Kung madapa ka eh di lagot kami kay King"
"Sinong King?"
"Iyong Groom mo"
"Hala ayoko kay King! Kay Aaron lang ako!"
"Hahaha! Alam namin!"
"Andito na kami King! Nandito na ang bride mo!", nakangising sabi ni Deo ng makarating sila sa hideout ng grupo.
Tinanggal naman ni Barbie ang kanyang piring. Kinusot kusot pa niya ang mata dahil nasisilaw siya sa kanyang paligid.
Pero napanganga siya ng makita niya si Aaron sa kanyang harapan.
"Hi",nakangiting bati nito.
"Ohmy",hindi makapaniwalang usal ni Barbie.
"Uy kasalan nah! May lakad pa si Judge!", sabi ni Zeke sa dalawa.
"Ha?",nagtatakang tanong ni Barbie.
"Let's go", nakangiting sabi ni Aaron at kinuha na ang kamay ni Barbie.
Pumasok sila sa isang silid kung saan naroon ang isang may edad na lalaki at ang mga kaibigan ni Aaron.
"Bakit dito ang wedding booth niyo? Hindi ba dapat sa labas?", nagtatakang tanong ni Barbie.
"Nah. Puno na kasi doon sa labas kaya dito nalang samin",nakangising sagot ni Aaron.
"Ganun ba? Wow ha! Parang totoong judge si manong oh. Hi manong!", nakangiting bati ni Barbie sa matandang lalaki.
"Hahahhaaah! Hello hija ikaw pala ang maswerteng babae. Ikinagagalak kitang makilala"
"Ako rin po"
"Simulan na natin ang kasal!", hiyaw ni John.
May mga sinasabi ang judge sa amin pero hindi ko naman maintindihan.
Tapos binigyan nila kami ng singsing.
Sinuot ko ang singsing sa kamay ni Aaron pero ng ako naman ay kwintas na at ginawang pendant ang singsing na para sa akin.
"Bakit kwintas sakin?", nagtatakang tanong niya kay Aaron.
"Hindi pa panahon para suotin mo ito. But make sure not to loss it or else you are so dead.", sabi ni Aaron.
"Oh sige remembrance ko sa kasal kasalan natin", bungisngis na saad ni Barbie.
"You have no idea wifey",natatawang sabi ni Aaron.
"Wifey?", takang tanong ni Barbie
"Hummmm since kasal na tayo, I shall call you wifey and you will call me hubby"
"Talaga?"
"Oo."
"King pirmahan niyo na ito ng maipasa ko na mamaya sa NSO",sabi ng matandang lalaki at pumirma naman kami.
"Mayroon talagang ganito? Grabe parang totoo noh!", natatawang saad ni Barbie matapos magpirma.
"Sige congrats sa inyong dalawa at mauna na ako",paalam ng matanda.
"Sige Judge at salamat kayo na ang bahala jan. Make sure to register it", sagot ni Aaron.
"Mabuhay ang bagong kasal!!!!", naghiwayan pa ang mga kaibigan ni Aaron.
"Hubby wala tayong you may now kiss the bride?", tanong ni Barbie kay Aaron.
Napangisi naman si Aaron sabay hapit sa bewang ng dalaga at mabilis na sinakop ang labi nito.
Nagtagal ang kanilang halikan. Hindi pa sana sila titigil kung hindi pa naghiyawan ang kanyang barkada.
"Ok na ba iyon wifey?"
"Okay na okay hubby! Naku kailangan ko ng umalis kasi baka hinahanap na ako ni Jameenah! Sige ah? Maghanap pa kayo ng ikakasal niyo! Ayos yan! Hehe! Sige ha? Thanks for the wonderful experience! Bye!"
Nang nakaalis na ito ay humagalpak sila sa tawa.
"See you later Mrs. Kristoffer Aaron Steeve", natatawang sabi ni Aaron.
~
BINABASA MO ANG
The Devil's Secret Love Affair
RomanceNabuhay siyang uhaw sa pagmamahal ng mga magulang at selos naman sa kapatid. Sabi nila isa siyang living human doll pero kung gaano siya kaganda doon naman kaliit ang kanyang utak. Kasalanan ba niya kung pinanganak siyang bobo! Sabi nga nila you can...