~"Aaron!",inis na asik ni Kristan sa anak na nakapikit.
Naiiling na natatawa naman si Xander.
Gulat na napamulagat naman si Aaron.
"Shit. Sorry Dad",hinging paumanhin nito.
"What is happening to you? Lagi nalang kitang nahuhuling inaantok",inis na sabi ng ama.
"Puyat lang Dad"
"Tss"
"Focus Aaron!",pagalit na turan ng ama.
"Yes Dad"
Kasalukuyan silang nasa conference room kung saan kompleto ang mga Board of Directors kasama ang kanyang mga kapatid na sina Alexander Miguel Steeve, Si Hans Esteban na asawa ng kanyang kapatid na si Abigail, maging si Monique kasama ang gagong si Deo Madrigal! Tang ina niya hindi niya alam kung paanong naging asawa pala ito ng kapatid! Akala niya nagkakamabutihan sila ng Senador na iyon. Ang tanging wala ay ang kanyang kambal na si Angelo. Bigla nalang susulpot kung gusto. Hindi pa kasi nagtitino. Wala ang kanyang asawa dahil kasama ito ni Jameenah. Nagpa alam na mamasyal sa mall.
Wala din ang kanilang inang si Megan dahil inaalagaan niya ang mga anak nina Hans at Abby.
"Kumusta ang underground Aaron?"
"Okay naman Dad, wala namang problema"
"Good"
Marami pa silang mga pinag-usapan. At sinubukan niyang wag maidlip kahit pikit na pikit na ang kanyang mga mata.
Nang matapos ay nagpalabas ang kanilang ama ng meryenda.
Agad siyang kumuha ng malamig na ice tea para pamukaw antok.
"May gyera ba kagabi tol at puyat na puyat ka?",natatawang bulong sa kanya ni Deo.
"Gago!"
"Hahaha!"
Natigilan siya ng bigla niyang makita ang kinakain ng kapatid na si Monique.
"Hoy Nik- nik ano yan?"
"Hindi alam to? Mangga shunga!"
"Tss! Alam ko! Penge ako!"
"Bakit naglilihi ka rin ba?"
Natigilan siya ng marinig ang sinabi ng kapatid.
"What do you mean?"
"Luh hindi mo alam ang ibig sabihin ng naglilihi? Malamang juntis! My gad!"
"Tss! Akin na nga yan! Dami mo pang satsat!",sabi niya sabay kuha sa kinakain nito.
Shit ang sarap!
Sunod sunod ang ginawa niyang pagsubo habang natutulala ang lahat sa kanya hanggang sa pumalahaw ng iyak si nik nik.
"Waahhhhh!!!! Deo ang mangga ko!!! Kunin mo!!!"
"King ina tol wala naman ganyanan! Naglilihi ang asawa ko eh!"
"Tsk! Kumuha ka nalang ng iba"
"Deo pag iyan di binalik akin lumayas ka na sa bahay natin!!!!!"
Naranta namang hinablot ni Deo ang manggang kinakain ko. Nang makuha iyon ni Nik nik ay naluluha siyang lumayo sakin at sumiksik kay Dad.
"Tatay! Huhu!"
"Guyz I have an announcement to make",pukaw ni Xander sa amin.
Napabaling ang lahat ng aming atensyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Devil's Secret Love Affair
RomantikNabuhay siyang uhaw sa pagmamahal ng mga magulang at selos naman sa kapatid. Sabi nila isa siyang living human doll pero kung gaano siya kaganda doon naman kaliit ang kanyang utak. Kasalanan ba niya kung pinanganak siyang bobo! Sabi nga nila you can...