Ikapitong Kabanata

15.2K 461 53
                                    

"Jameenah!!!", nakangiting sigaw ni Barbie ng makita ang kaibigan

"Barbie Doll! Saan ka galing ha! Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sayo! Kung saan saan kita hinanap!", naiiyak na sabi ni Jameenah.

"Naku kinidnap kasi ako sa wedding booth kamo!"

"Ano?!!!!"

"Oo!"

"Sino naman ang groom mo?"

"Si Aaron!"

"Huwattt?! Grabe ang swerte mo! Barbie Doll! Sana sinama din ako para isa ako sa mga saksi", nakasimangot na sabi ni Jameenah.

"Hihi oo kamo! Nakalibre pa ako ng kiss.Nyahahahha!",napabungisngis na saad ni Barbie

"Nasan singsing mo?", excited na tanong ni Jameenah

"Ehhhh? Wala eh kwintas ang binigay!"

"Hano! Meron ba namang wedding necklace! Dapat wedding ring kahit peke basta lagyan sa finger para mukhang katotohanan!",dismayadong tugon ni Jameenah.

"Baka hindi sila marunong puro kasi sila mga lalaki eh", kumakamot na wika ni Barbie

"Sabagay first year ang nagpatayo ng wedding booth eh",nakakaintinding sabi ni Jameenah.

"Ehhhh? First year? Hindi kaya fourth year kamo iyong mga kaibigan ni Aaron"

"Haaa?! Ano ka ba eh Horror ang sa fourth year eh!",hindi naniniwalang sagot ni Jameenah.

"Ehh? Wedding iyong ginawa namin eh"

"Ahh alam ko na baka ginaya iyong I Love You to death! Iyon bang si Kiray at Enchong Dee! Hahahaha! Ang cool naman!", natutuwang sabi ni Jameenah.

"Oo kamo mukhang totoo nga eh kasi matanda ang nagkasal samin tas may pinermahan pa na papel. Siguro Janitor iyong matanda kanina kinuha nalang kung saan. Hihihih"

"Hay naku sige tama na ang tungkol jan! Tara pasyal pa tayo Barbie Doll! Puntah tayo sa may streetfood!"

"Oh sige!"

Pagsapit nila sa isang kainan ay umorder sila ng mga kakaibang pagkain. Nag-eenjoy sila sa kanilang foodtrip ng biglang may lumapit sa kanila.

"Miss Barbie, may nagpapabigay po",sabi ng isang lalaki sabay abot ng bouquet na red roses kay Barbie.

"Waaahhh! Ang ganda! Kanino galing?", excited na tanong ni Jameenah.

"Salamat", nakangiting inabot naman ni Barbie ang bulaklak at tinangnan ang card pero mabilis na inagaw ni Jameenah at malakas na binasa.

"To the very beautiful girl I've ever met"

"Kyaaahhhhh!", malakas na tili ng magkaibigan.

"Kanino kaya galing? Bakit walang pangalan?",kinikilig na sabi ni Barbie

"Baka pangit kaya hindi nilagay kung sino! Hahahah!", natatawang wika ni Jameenah.

"He!",napasimangot naman si Barbie

~

"Hmmmm interesting. Salamat sa impormasyon bata", nakangising saad ni Kyle at binaba na ang kanyang cellphone.

"Ano yun tol?", curious na tanong ni DeeJay.

"Hahahahha! Nangangamoy away tol!",natatawang sagot ni Kyle sabay lakad papunta kay Aaron na busy na naglalaro ng dart.

"Naku King may masamang balita ako sayo", nakangising wika ni Kyle kay Aaron na napatigil sa paghagis ng kanyang dart at seryosong tumingin kay Kyle.

The Devil's Secret Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon