Ikadalawampu't tatlong Kabanata

14.5K 424 80
                                    


~
Ang tagal bago niya nakita ang kusina. Lintik bakit ba ang laki laki ng bahay na ito!

Wala siyang nakitang gusto niyang kainin sa kusina kaya bumalik ulit siya sa kwarto nila ng asawa at kinuha ang wallet nito since wala naman siyang pera. Hindi naman siguro ito magagalit.

Lumabas siya ng bahay at napansing niyang tulog na tulog na ang mga tauhan ng asawa saka niya tinalunton ang labasan ng subdibisyon.

Siguro naman ay may malapit na 24 hrs na store dito.

Hindi nga siya nagkamali! Yay! May 7/11 malapit kaya naman agad siyang pumasok roon.

Mayroon ding mangilan ngilang tao na naroon.

Naghanap siya ng gustong nyang kainin. Kumuha siya ng Magnum Gold at agad na binuksan iyon at agad sinubo.

"Waahhh ang sarap!",nakangising utas niya.

"Miss bayad mo na",hirit ng nagbabantay.

Sinubo niya ang ice cream sa bibig at nilabas ang ubod kapal na wallet ng asawa.

Kinuha niya ulit ang ice cream saka nagsalita.

"Magkano po?"

"60.00 lang miss"

"Ano?! Ang mahal mahal naman! Sa Hypermarket 20 lang ito eh!"

"Eh di doon ka bumili miss wag dito kung hindi mo naman pala afford!",masungit sa sabi ng cashier kaya uminit ang kanyang bumbunan.

"Sinasabi ko lang na masyadong mahal! Grabe ka! Hindi ko naman sinabi na wala ako pambayad! Ano ba yan! Pasalamat ka dito lang ang bukas na store nunca naman akong pupunta dito kung may iba pa ano! May gad!",inis niyang binuksan ang wallet ng asawa at nakita niyang makapal na tig lilibo ang naroon.

"Tangnang wallet to wala bang barya to!",inis niyang sabi.

Nanlaki pa ang mga mata ng cashier ng masilip ang makapal na pera sa wallet ni Barbie.

"Sayo ba yang wallet na yan o baka naman ninakaw mo sa amo mo?",hirit nito

"Hoy ikaw pangit! Huwag mong pinapainit ang ulo ko gayong malapit na akong sumabog! Anong tingin mo sakin budol budol! Para sa kaalaman mo sa asawa ko to! Isa pang salita mo ay sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw!",inis na sigaw ko sa kanya.

Napalunok naman ang cashier at hindi na pa muling umimik.

"Oh eto isang libo. Jan na muna yan at kakanin pa ako",sabi niya sabay balik sa ice cream frigde.

Nakasampung Magnum na siya ng mapansing niyang nagkakagulo sa labas.

Napakaraming itim na sasakyan ang papasok at palabas ng subdibisyon.

Hanggang sa dumating narin ang ang mga pulis at militar. Hindi na napigilan ng mga kasama niyang customer sa loob na lumabas at maki usyoso. Maging ang nagbabantay sa cashier ay lumabas narin para tingnan ang kaganapan.

Ano kayang nangyayari? Siguro may I reraid na bahay ng drug lord. Uso kasi iyon ngayon dahil na war on drugs ni President Duterte.

Sorry nalang pero mas importante ang magnum ko. Ang sarap sarap talaga! Hihi.

Nang isa nalang ang natira at lumabas narin ako para maki usyoso.

"Hoy kuya anong meron?",tanong niya sa lalaking kasama sa loob kanina na kumakain ng siopao.

Kasalukuyan parin niyang inuubos ang huling Magnum na hawak.

"May hinahanap daw na asawa ng mayamang negosyante"

The Devil's Secret Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon