In Your Eyes

310 2 0
                                    

May nagbago sa buhay ko nung nakilala ko si Abs. Mas naging masaya, mas laging exciting, at aaminin kko mas nakakakilig. Hello, noh. Babae po ako,

gwapo siya, mabait, makulit, funny. Sinong di kikiligin pag kasama yun. Pero sana hanngang kilig lang ako kasi pag na-fall ako... malala na yan.

Isang araw, naging maaga yung uwian namin kasi may seminar pala yung prof.

"oh Charlene, san tambay naten ngayon?" sabi nitong si Erica

"hmm.. pano kaya kung sa Bon Chon?" alok ko 

"Asus, gusto mo lang matsempuhan si Papa Jeric mo na kumakain dun eh" asar niya

Binatukan ko siya "Anong papa Jeric? eww yerk, ang pangit pakinggan Bes" sabi ko

"Masarap naman tignan" sabay kindat sakin

"Bahala ka nga diyan sa mga iniisip mo, bahala ka diyan di kita ilalakad  kay Papa Forts mo" nagkunwari akong seryoso

"Huyyy naman!!! May usapan tayo diba na 1 day date with Papa Forts!" kulit niya saken. Hahaha nakakatawa tong si Bes, nung kumakain kami at dumaan sila Jeric kasama sila Forts, Ferrer and Mariano, pati si Tata, eh kala mo kung

sinong anghel ang dumaan at parang natulala si Erica. Hahahahaha ang cute niya.

Nagpunta kaming Bon Chon at saktong yun nga, hindi siya mahirap hanapin. Para siyang magnet na hinihila ako papunta sa kanya. Pareho kaming nagkatinginan at parang kami lang dalawa ang nasa resto . Hayyy.. ang hirap naman tong nararamdaman ko parang timang lang. Ngumiti siya at inalok kami na maki-upo sa kanila. Eh ito namang si Erica , eh hinila na lang ako bigla-bigla papunta sa kanila.

"Hi guys, hi papa forts"  bati ni Erica

Lahat naman sila ay bumati at ako ay nakatingin lang kay Jeric. di ko maalis tingin ko sa kanya, siya rin kasi nakatitig eh. Nakakatunaw lang. Tapos siniko ako ni Erica at nabalik ako sa normal kong pag-iisip.

"ah, hi guys pwede maki-upo?" ningitian ko sila na parang walang nangyari

"Patapos na rin na kami eh, sige na upo na kayo" sabi ni Forts

"Ay huh? aalis na kayo eh kararating pa lang namin." pout ni Bes

"May pasok pa kami ng 1 eh"  sabi ni Forts

"Ah oo nga pala!! Sama na ako sa inyo, may dadaanan pala ako malapit sa building nyo!" palusot ni bes

Itong si Bes, gagawa't gagawa ng paraan para makasama nag team. Di ko na siya pinigilan, ginusto niya yan eh

"ah sige Bye, Charlene!, see ya later" sumama siya sa kanila. Hala, iniwan pa ako. true friend. 

"nakakatawa talaga tong si Erica" sabi ni Jeric sa likod ko. Tinignan ko siya. Whew act normal charlene. kaya mo toh. normal kang tao

"Ah, di ko na pinigilan, minsan lang mangyari eh hahaha " umupo ako katapat siya

"O?? wala ka rin bang klase? Ba't di ka sumama sa kanila?" sabi ko 

"Iiwan lang ba kita nang mag-isa dito? Anong klaseng kaibigan naman ako nun." sabi niya

"yan, sabihin mo yan kay Erica , nang matauhan yung babaitang yun" natatawa kong sinabi

Sumubo ako ng pagkain at nung tinignan ko siya , nakatingin siya saken ng seryoso. 

"Abs naman eh, nakaka-conscious ka naman tumingin eh" sabi ko "Gutom ka pa noh? O eto" Inalok ko yung isusubo ko dapat. 

"Eh sino kaya yung malagkit tumingin diyan kanina, tsaka di ako gutom noh, gusto lang kitang tignan" sabi niya

Nag-blush ako at lumakas kabog ng dibdib ko. Oh what is he doing to me? "kapal mo naman, nakikipag staring- contest lang ako sayo kanina, at tsaka kung ayaw mong kumain edi wag,

binibigyan na nga eh......" Ibabalik ko yung isusubo sa kanya pero hinawakan niya yung kamay ko 

"Teka lang, di ko naman sinabing ayaw kong kainin eh, sabi ko di lang ako gutom"  hinawakan niya yung kamay ko tapos dahan-dahang sinubo yung pagkain. 

ang sarap niya subuan, ang cute. :'''> O_O ano ba yan Charlene. Stahp na please.  "Teka, kukunan kita ng bagong spoon" sabi niya

"Bakit may sakit ka bang nahahawa sa laway?" tanong ko

"uhmm.. wala" sabi niya

"yun naman pala eh" sabay subo ko nung kutsara. 

Napalunok si Abs 

"Hahahahah nandidiri ka pa Abs, ok lang yan di naman ako mamatay dito eh" sabi ko sa kanya

"Hindi, kasi, ano, wala" nagkamot siya ng ulo, "anong gagawin mo ngayon?"

"Hmmm.. maaga uwian namin eh? so may mga 5 hours akong free, Ikaw anong gagawin mo?" tanong ko

"Magpa-practice ako nang maaga, tsaka para mas may space ako" sagot niya

"wehh??? naka naman si future captain oh " inasar ko siya

" teka, pwede ka bang sumama saken?" tanong niya

" ano gagawin ko dun? baka distraction lang ako sayo nun" asar ko 

"ano ka ba kelangan ko lang ng kasama, tsaka ipapakita ko pa sayo killer moves ko diba" sabi niya

"asus, siguraduhing mo ipapanalo niyang killer moves mo yung UAAP , ha, sige na sama na ako sayo"

"Yes! Thanks Charlene" sabay killer smile

patay na patay na ata ako sa kanya. lagot na. 

Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon