Private Practice

283 3 1
                                    

Sinama nga ako ni Jeric sa QPav para panoorin siyang magpractice.  First time ko makapunta dito, dito pala sila nagpapractice.

"So.... araw- araw kayong nagpa-practice?" tanong ko

"Oo naman siyempre, kelangan para manalo" sabi niya

"Pero, siyempre ginusto rin naming magpraktis palagi, parte na ng buhay namin to eh" dugtong niya

"Kaya pala super galing niyo noh? " sabi ko

" Gusto mo turuan kita?" sabi niya

"hahahahahahahahahah Abs naman eh, wag kang mang-asar" hinampas ko siya

"huh? di ako nang-aasar?" sabi niya

"di mo pwedeng ipagsama ang basketball at charlene sa isang sentence, di kami bagay?" tanong ko

"Kaya nga tuturuan kita eh, o saluhin mo yung bola" tinapon niya saken yung bola

Tinapat niya ako sa may basket , andun ako sa may freethrow line nasa likod ko si Jeric. Ginuide niya yung arms ko kung pano itataas at kung pano ishoot. Ako naman e di makapag-concentrate kasi 

feeling ko talaga di ko mashoshoot at isa pa.... sobrang distraction kaya ni Abs. hawak pa naman kamay ko. 

"O yan talon, tapos shoot" sabi niya

Ako naman eh gawa, umasa pa ako eh. Di man lang nangalahating distansya. 

"Hahahah lakasan mo kasi, at mabilis" sabi niya

So gawa ako ulet. Hindi nanaman. Shoot ko. Onti na lang. Last na toh. Humingi ako ng sign. Eto pag nashoot ko toh,  ibig sabihin, gusto niya ako. Pag hindi, edi hindi. 

Pinikit ko mata ko at huminga nang malalim.  Tinaas ko yung bola katulad nung pagturo nya saken. Tumalon ako. Nilakasan ko. Binilisan ko. Inigihan ko. 

Shinoot ko yung bola...

Gusto niya ako. 

Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon