Pinanood ko si Jeric magpractice. Manghang mangha ako sa kanya. Dun ko nakita kung gaano niya kamahal ang basketball. Parang may sarili siyang mundo
sa oras na maglalaro na siya. Tapos na ako sa homeworks ko at siya naman tong, takbo ng takbo pa rin. Ma-asar nga to
"Wooooh!!!!!!!!! Go Papa Jeric!!!!!! I Love you Teng!!!!!!!!!!!!!!" Sumigaw ako kunware nagch-cheer
tinignan niya ako at umiling na lang nakangiti. Nag-shoot siya ng 3 points sabay bagsak sa floor. Hala!
takbo ako sa kanya na may dalang gatorade at towel.
"Huy Abs!!!!!!!!!! ok ka lang? grabe ka naman mag-practice sobrang hardcore" umupo ako sa floor at tinabihan siya.
"O upo ka muna at uminom o tsaka bawal humiga agad pag pagod" hinila ko siya pero ang bigat niya, ako pa tuloy nahila niya
Ano ba naman yan!!!!!!!! Nakahiga si Jeric at ako naman eh parang nakapatong sa kanya. Ang lapit ng mga mukha namin. Pati na labi namin.
Ang weirdo ko ba kung gusto ko siyang ikiss sa lips? Shizz ang manyak ko ata. Nagtitigan lang kami ni Jeric, walang lumalayo samen o nagsasalita.
Tapos nagsasalita siya "ano nga ulit yung sinabi mo kanina?"
"huh, anong sinabi ko?"
"Yung pagkatapos nung Go papa Jeric, ano sinabi mo?"
" go papa jeric..?? tapos.." Ay. Yun Lang. Nadulas ang lola niyo.
"tapos?" hinigpitan niya hawak sa kamay ko
"tapos .........we love you teng. huy kasi naman upo ka na" nahila ko na siya paupo tapos pinunasan yung pawis niya
Nakangiti siya saken habang pinupunasan ko yung pawis niya sa mukha at leeg "O, ba't ka ganyan makangiti?" tanong ko
"Wala ang sarap lang sa feeling pag ikaw nag-aalaga" sabi niya
"Hmm, lasapin mo na kasi ngayon lang to" sabi ko sa kanya
Hinawakan niya yung kamay ko " Alam mo, hindi naman yun yung sinabi mo kanina saken eh, alam ko nagsisimula yun sa...." tinignan niya ako
Nako pano to lagot na. Nag-iisip ako ng lusot nang bumukas yung pinto at pumasok yung teammates niya.
"O Jeric!!! Charlene! andito na pala kayo?" sabi ni Ferrer
mabilis pa sa alas-kwatro kami naghiwalay ni Jeric. "ah oo sinamahan ko siya mag-praktis" sabi ko
"sus,, kaya pala ginaganahan magpraktis tong si Jeric eh" sabi ni aljon
"dati pa ako ginaganahan, kaya dapat kayo rin, magbihis na kayo" sabi ni trng
"yes, sir" sabi nila
Naiwan kami ni Jeric, at nagtinginan ulit kami.
'ah sige, una na ako. Baka gabihin pa ako eh" sabi ko
"gusto mo hatid muna kita sa bahay mo?"
"ah hindi na, lapit lang naman eh. tsaka praktis ka lang pero pahinga muna, wag ka masyadong overpraktis sige ka"
"opo, ma'am" sabi niya
"oh sige na umm bye :)" ngiti ko sa kanya
"bye"

BINABASA MO ANG
Game Changer
RomanceA love story of a basketball player and a normal student at UST.