Gumising ako na may nakayakap sa akin.
sobrang sarap ng tulog ko kagabi. At sobra ring ganda ng gising ko ngayon.
"Morning babe" hinalikan ako sa cheeks ni Jeric. Ganto rin pala feeling ng nakikita mo yung taong mahal mo sa pagkagising mo. Hayyy this is the life.
Humarap ako kay Abs, "Morning" todo ngiti kaming dalawa.
Hinawakan niya yung cheeks ko, "Kung pwede lang araw araw ganito"
"hmmm kung papakasalan mo ako" inasar ko siya
Ngumiti siya at hinaplos lang mga pisngi ko. Pero parang bigla siyang tumahimik at sumimangot.
" Iniisip mo ba yung game?"
"oo"
"Don't worry, may game 2 pa, may next year pa"
" oo kaya lang naaawa ako kay Forts pag di namin napanalo to"
" worth it naman yung whole experience kahit manalo o matalo kasi he had you and the team. And UST. "
" galing mo talaga, pakiss nga" nakangiti na siya ngayon
"hep hep di pa ako nagtotoothbrush" pinigil ko siya
"sus, kung papakasalan kita eh lagi naman kitang hahalikan pagka-gising eh"
ngumiti ako nung sinabi niya yun. tapos nilagay yung kamay ko sa chest niya. " sige na nga, bahala ka baka maturn-off ka sakin"
" Kung alam mo lang kung gaano ka turn-on saken, hindi mo na kelangan maging insecure"
Kung alam lang niya, kung gaano katurn-on na makita siyang shirtless sa umaga....ay ano ulit? Hahahah
Hinalikan ko si Abs nang pa-smack pero hinawakan niya ako nang mahigpit at pinalalim yung kiss.
Shet. umagang umaga ganto. Kilig.
He broke from the kiss. "tama na, baka matulad nanaman to nang kagabi. Sa ibang daan tayo muntik madiretso"
Nag-blush ako sa sinabi niya. "hmm.. sige sige. Ikaw na una maligo, at magluluto ako ng breakfast natin :)"
Patayo na siya pero hinila ko ulit siya
"wait lang, last kiss na" ako ang nagsabi
late na kami nagbreakfast.

BINABASA MO ANG
Game Changer
RomanceA love story of a basketball player and a normal student at UST.