(Unedited chap)
"Good Morning every one!" Masaya at masiglang bati ni tita carmy, ang host ng show. "So....sino nga ba ang guests ngayon?" Itinapat niya yung mic sa madla.
"KYAAAAAA! CHAMILLE! CHAMILLE!" Sigaw ng mga tao at nag si taasan sila ng mga banners at tarpaulins.
May mga taga Precious Mille, pangalan ng fandom ko. Mille angels, mille warriors, mille forevs at kung ano ano pang pauso nilang fandom. Mas kilala talaga ako bilang Mille.
May mga fandom din chan. Chanstar, Christian DV at kung ano ano pang pangalan ng fandom niya.
At syempre meron kaming fandom as mag ka love team. Yung chamille. Nagsisitaasan sila ng mga banners na sweet yung picture namin ni Chan.
"Pasok na kayo." Bulong ni lea. "Tandaan niyo, no blockings, sagutin niyo yung tanong ng maayos, kung kailangan mag imbeto edi go. Kung honest answers mas okay din naman." Tumango nalang kami, ganyan naman palagi. Si chan ang naunang naglakad at nasa likod niya ko, magkahawak kami ng kamay.
"Helllooooo~" tuwang tuwang sabi ko habang naglalakad sa likod ni chan at kumakaway kaway sa kanila.
"KYAAAAAAA! MILLE! MILLE!" Sigawan nilang lahat, nakakabingi yung sigawan na yan. At yang mga sigawan na yan ay nag mistulang musiko sakin kasi dahil diyan, nawawala ang pagod ko, nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko sila.
"What's up!?" Cool na cool na tanong ni chan sa lahat.
"WAAAAHH! CHANNY!"
"I LOVE YOU CHAN!"
"WAAAHHH! CHAMILLE! LOVE YOU BOTH!"
"Hahaha! We love you too guys." Nakangiting sabi ko.
"Okay Mille, Chan have a sit first." Nakangiting sabi ni tita carmy. Umupo naman na kami and nag start narin siya mag tanong tanong.
---
"May itatanong ako sa inyo, kung sa tingin niyo sino sa inyong dalawa yun, itaas niyo lang kung bigote o lips okay? Si chan bigote, si mille lips." Sabi ni tita. May hawak kami ngayon ni chan, baliktaran siya. Bigote at lips.
"Yes tita." Sabay naming sabi. Naka upo kami ngayon sa sofa since ang set ay mukang sala. Nakasandal at naka patong ang paa ni chan sa lamesa. Ganyan yan, like a boss, at palagi siyang cool sa mga gestures niya.
"Okay sinong mas pikon?" Natawa ako. Tinaas ko yung card ko na lips, lips din si chan, aminado ako, ako ang pikon. Natawa si tita carmy. "Sino namang mas matakaw?"
Itinaas ko yung bigote. Napatingin ako kay chan, lips yung nakataas sa kanya.
"Wee! Si chan yung matakaw. Ang laki kaki ng tiyan niyan oh." Pag dipensa ko.
"Anong ako? Ikaw kaya, pag may pagkaing binibigay para SATING DALAWA, ikaw yung nakaaubos." Natatawang sabi ni chan habang prenteng naka upo parin.
"Hindi hindi hindi! Ikaw yun, pakita mo tiyan mo!" Tatawa tawangs sabi ko. Nag sihiyawan naman yung mga fan girls niya.
"Hinahamon mo ba ko?" Tumango ako habang tawa ng tawa. Chini-cheer din siya ng mga fans. Swabeng swabeng tumayo si chan at inalis yung leather jacket niya.
Jusmiyo marimar, naka sleeveless shirt pala tong unggoy na to. Kitang kita yung biceps niya.
Kulang nalang ay mabingi ako sa mga sigawan ng mga fans. Ay...halos lumindol na pala.
BINABASA MO ANG
We Meet Again {2nd half}
FanfictionSo nice to meet you all.....again, Bangtan Sonyeondan. PS: please read LIFE WITH THE BTS first before this :* xoxo