6~ DRUNK MILLE

182 12 0
                                    

Unedited...




"Sarah, san tayo pupunta? May gusto ka bang puntahan? Kasi kung wala na, uuwi na ko kila mama." Tanong ko kay sarah, nasa van parin kami hanggang ngayon.



"Sa apartment tayo friend! Di mo ba na m-miss dun?" Tuwang tuwang sabi ni sarah. Dun na talaga sila nakatira, silang tatlo, sa kanila na yun, nabili talaga nila.



"Na miss syempre." Simula din talaga nung pagkauwi ko sa korea 3 years ago, di na ako umuuwi dun.


"Wala ngang pinagbago kwarto mo dun. Atsaka dun ka na kasi ulit tumira!" Inalog alog niya pa ako.


"Di pwede, may condo ako diba?"


"Eh! Friend dali na? Uhmm bigay mo nalang kay lea yun!" Suggest niya. Napabuntong hininga naman ako, namiss ko rin naman na talaga silang tatlo at yung apartment, hindi rin naman yun masyadong malayo sa DVE.



"Fine fine."


"Nuks! Yehey! Kompleto na tayo~" tuwang tuwang sabi niya na para bang bata. Natawa nalang ako sa kanya.

~•~•

Bumaba na kami ng Van, ito na, nandito na ulit ako sa apartment. Apartment namin.


"Dito ka na talaga titira ha?" Tuwang tuwang tanong niya. Tumango tango naman ako.



"Wag kang mag alala, di ako titira ng libre dito, babayaran ko yung hati ko."


"Sakana mo na isipin yun, tara na, maghahapunan na tayo." Maggagabi narin kasi pala.

Pumasok na kami sa apartment at nandun na sila april at kath. Para naman silang nakakita ng multo nung makita ako.



"Why?" Takang tanong ko.



"Totoo ba to?! Andito ka?!" Gulat na gulat na tanong ni Kath.



"Muka ba kong nasa labas?" Inirapan ko naman siya. "Yah, I'm staying here for good. Pero uuwi parin talaga ako sa bahay namin." Ngumiti ako sa kanila, muka naman siyang tuwang tuwa.



"And how about your condo?" Tanong ni April.


"Ayaw mo bang nandito ako? Kay Lea na yun. So, anong ulam?" Nagugutom na kasi ako, bawal akong magpalipas ng gutom.


---

Natapos na kaming kumain, bukas ng umaga pupunta ako ng condo at bahay para kumuha ng mga gamit ko, magpapasama ako kay lea at ibibigay ko na sa kanya yung susi, maganda naman yung idea ni Sarah kasi si Lea malayo ang bahay samin.


Nandito kami ngayon sa sala, nanunuod.



"Wait lang ha?" Tumango sila kaya tumayo na ko, binuksan ko yung pinto ng kwarto ko, titignan ko lang kung kamusta na.



Halos lumuwa na ang mata ko pagkabukas ko ng pinto. Oo nga pala, solid ARMY pa ko nun. Malamang sa malamang, puro bangtan ang kwarto ko.


"Sarah! Kath!" Pagtawag ko sa kanila, agad agad naman silang dumating.


"May problema ba?" Tanong ni Kath.



Hinawakan ko yung mga posters at isa isa yung tinanggal, pero hindi naman yung papunit style  yung maayos naman.


"Tulungan niyo ko alisin tong mga to, yang mga albums na yan, mga headbands tsaka yung army bomb diyan, paki alis narin, tsaka yung mga stuff toy diyan, pati narin yung mga unan na muka ni jungkook paki alis. Kath, kuha ka ng karton, dun ko ilalagay. Tapos nga pala, sarah, may mga damit pa ko diyan na bts sa drawer kong black, paki alis narin ha." Sabi ko habang abala magtanggal ng mga posters, maingat kong tinatanggal kasi sayang, kung gusto to nila sarah edi bibigay ko nalang sa kanila.


We Meet Again {2nd half}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon