11~ BACKSTAGE

213 8 11
                                    

*ding dong ding dong*

"Ako na!" Napatigil sa pagc-cellphone si Kath at tumakbo palabas.

"Frieeeennd! I'm super excited na later, like omg!" Maarteng sabi ni Sarah. Nag n-nail polish siya ngayon, nagpapaganda yan, may face mask pa nga oh.

"Psh. Tigilan mo nga yan, asa ka namang papansinin ka nung mga yun." Naiiritang sabi ko sabay subo sa manggang hawak ko. "Aching!" Simula nung umuwi ako kanina, maya't maya na ako umaaching. Wrong timing tong sipon na 'to, eh .

"Mapapansin nila ako! Tiwala lang." Kilig na kilig na sabi niya. Ewan ko sayo sarah, ewan ko sayo.

"Mille. Dumating na nga pala yung mga bagong stock mo na damit from Pink Corner." Inilapag ni Kath sa couch yung mga paper bag

"Ah sige, salamat."

Tinext ko muna yung may ari ng pink corner. Isa siya sa mga sikat na clothing line dito, and endorser ako kaya bawat pag e-endorse ko, may nadating palaging damit dito. Ganon naman palagi eh, kung anong endorsment mo, lahat ng yun sayo na.

To: Mrs. Buenaventura

Hello ate Sasha, thank you po sa mga damit.

Sent. You read it right? Sasha Buenaventura, asawa ng CEO ng Buenaventura Enterprises. Si Mr. CA. Meron pa nga silang restaurant. Yung Royal Restaurant (a/n: remember those two? Waaahh iyak :'(, I miss them!)

"Kyaaaaa! Andito na pala yung mga damit mo, wait wait! Ako mamimili ng susuotin mo!" Tapos na pala ang bruha mag nail polish, ngayon hinahalughog na niya yung mga paper bags, tch.

"Kath. Anong oras tayo aalis?" Tanong ko kay Kath.

"3:00!" Na eexcite na sabi niya

"Ano oras con?"

"6:00!"

"Ah. Sige." Napatingin ako sa orasan ko. 2:30 na pala.

"Ang dami na kayang tao ngayon sa arena." Naka pout na sabi niya. "Madami kasing naghahanap ng tix ngayon sa mga scalpers, mga desperada na sila kahit mahal." Dagdag niya pa at patuloy sa pag c-cellphone.

A....

A.....

"Aching!" Nilabas ko agad yung panyo ko dahil baka may sipon na tumulo.

"May nahanap na ko frieeeennd!" Itinaas ni Sarah yung mga nakuha niya. Para siyang white long sleeves na may denim sa may balikat with matching maong shorts tsaka mahabang medyas

"Sarah? Hindi ako mag c-cosplay." Iritableng sabi ko. "Ang gara niyan! Bakit kailangan long socks!?"

"Yiiie! Dali na! Para feel na feel mo ang pagiging koreana mo! Magbihis ka na!" Hinila niya ako patayo at tinulak tulak papasok ng banyo.

No choice, sinuot ko na yung mga binigay niya.

Paglabas ko....

"Kyaaaa! Perfect!" Masayang sabi niya. "Halika, tatalian kita!" Hinila niya naman ako paupo, psh, brutal talaga.

Si April? Di sasama yun, nandun siya sa parents niya ngayon.

"Sarah, fishtail lang ah." Paalala ko, nasanay kasi ako sa puro fishtail.

"No problem!"

---

"We are all ready!" Masayang sabi ni Kath.

"Uy wait, tawagan ko muna si Chan." Baka naman di na busy yun?

"Sa kotse mo na tawagan, lika na!" Nagsitakbuhan na sila papasok ng kotse. Kinuha ko na yung string bag ko at inilagay sa bulsa ko yung panyo at mask ko.

We Meet Again {2nd half}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon