FIVE (1)

5.3K 167 19
                                    

"Bakit ka ba naiinis kay Quintin?" natatawang tanong ni Sir Kiel. "Mukhang nag-e-effort naman 'yong tao. Araw-araw nasa office at nagpapaulan ng papuri sa'yo."



Kasalukuyan kaming nag-lalakad papunta sa planta para sa inspection. Hindi naman tsismosong tao si Sir Kiel, pero mukhang naiinis na din s'ya dahil nakakagulo si Quintin sa trabaho namin. Nakakaramdam na nga ako ng hiya sa buong team dahil ako ang rason kung bakit palaging nakaaligid si Quintin.



"Manloloko at manggagamit kasi s'ya." Mariing sabi ko.



Mukhang natigilan naman si Sir Kiel. Huminto pa s'ya sa paglalakad.



Kumunot ang noo ko. Nakita ko ang lungkot sa mukha n'ya.



"Sir, okay lang po kayo?" tanong ko



Tumikhim s'ya. "Okay lang. May naalala lang ako bigla" malamig na sabi n'ya.



Tumawa ako. "Mukhang may issue ka sa manloloko at manggagamit" biro ko



Ngumiti nalang s'ya.



"Sir, pwede n'yo naman po s'ya paalisin kung nakakaperwisyo na talaga s'ya. Hindi ko naman po s'ya boyfriend o ano. Kapag ako kasi ang nag-papaalis sa kanya, hindi naman s'ya nakikinig. Baka po kapag kayo na ang nag-sabi, baka tumigil na nga sa pangungulit" sabi ko nang magpatuloy na kami sa paglalakad.



"Hindi ko pwedeng gawin 'yon" he chuckled. "Ikaw lang naman ang may lakas ng loob na sabihan ng maaanghang na salita ang anak ng may-ari nitong kompanya"



Natigilan naman ako. "Seryoso?"



Muling tumawa si Sir Kiel. Ang gwapo-gwapo lang talaga n'ya.



"Well, partly" kibit-balikat n'ya. "Kalahati nito sa pamilya Piñon. Kalahati sa biyenan ko"



Mas tumaas ang kilay ko. "'Di ba ang tatay ni Quintin ay si Engr. Ricardo Piñon. Kung s'ya ang may-ari bakit plant manager lang ang posisyon n'ya?"



"Kuya ni Quin si Boss Ric" nakangising sabi n'ya.



Hindi ako makapaniwala. Halos sing-edad ng Papa ko si Engr. Ric



"Anak sa pangalawang asawa si Quin. And unfortunately, he's the black sheep" sabi ni Sir at tumuloy na sa loob ng planta.



Inalis ko na sa isip ko si Quintin Landon Piñon. Hindi naman s'ya mahalaga.



S'ya lang naman ang dating naisip ko na pwede kong mahalin tapos ni Nylon. Pero niloko n'ya lang naman ako. Ginamit n'ya lang ako para inisin ang Kuya n'ya, na dati ay akala kong Papa n'ya.



Ang sama-sama ng ugali n'yang hayop s'ya.



Multuhin sana s'ya ni Nylon!





________________

July 3, 2016 (Sunday) - 13:43

Made for YouWhere stories live. Discover now