Gail's P.O.V
Nasa school ako ngayon. Dito sa minipark ng school, favorite tambayan namin ng mga kabarkada ko. Katatapos lang ng klase ko. Hinihintay ko yung mga kabarkada ko. Sabay-sabay kasi kami magla-lunch. Sa aming lima, ako yung pinaka-maaga ang tapos ng morning class. 11 am pa lang. Haaaay! Nakakainip. Di bale. 30 minutes na lang naman eh makakasama ko na yung isa kong kabarkada. Makapag-soundtrip nga muna.
After 30 minutes...
"Gail!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Napatingin naman ako sa phone ko. 11:30 am na pala.
"11:30 na pala. Hindi ko napansin. Napasarap ang pagsa-soundtrip ko. Haha. O ano, kamusta ang Physics?" tanong ko kay Marian. Sa apat kong kabarkada, siya ang pinakang-bestfriend ko.
"As usual, nakakatuyo ng utak. Haaaaay! Nakakalito ang lesson namin kanina friend! Turuan mo ako mamaya ha?"
"Ok friend. Mamaya pa namang 3 ang next class natin eh." Classmates kasi kami sa Logic.
"Thanks friend! Ililibre na lang kita mamaya."
"Ng lunch? Sige ba!" biro ko sa kanya.
"Hoy! Hindi ah. KKB kaya tayo. Sa meryenda lang po." sagot naman niya.
"Hahaha. Ok. Pa'no ba yan? 12:30 pa ang labas ng mga yun. Isang oras pa tayong tutunganga dito." Sabi ko kay Marian.
"Sus! Nagpaparinig ka lang diyan. Gusto mo lang magmeryenda. O siya, tara sa canteen."
"Hindi ah. Mamaya mo na lang ako ilibre. Dito muna tayo. Ang sarap kayang tumambay dito." Sagot ko naman sa kanya.
"Ok. Eh anong gagawin natin? Tutunganga na lang dito?" tanong niya naman sa akin. Napaisip naman ako dun. Oo nga naman.
"Hindi ko alam."
"Alam ko na!" Biglang sabi ni Marian. Ano naman kayang naisip nito?
"Ano?"
"Ikwento mo na sa akin." Nakangiting sabi niya sa akin.
"Huh? Ang alin?" Wala akong idea sa sinasabi nitong babaeng 'to eh.
"Ay, maang-maangan lang friend? Dali na! Kwento na!" pamimilit niya sa akin.
"Ng alin nga?" Di ko talaga alam ang sinasabi nito.
"Seriously friend?! Kahapon mo lang sinabi yun eh. Konti pa nga lang ang nake-kwento mo." Napaisip naman ako. Ano ba yung sinabi ko sa kanya kahapon? Ah! Naalala ko na!
"Ah! I know na!"
"Mabuti naman friend. Ayokong mabitin 'no. Mukhang maganda yung kwento eh."
"Saan na ba tayo? Ah. Yun nga. Ganun pa rin si Allen kay Vanessa. Pero wag ka, nagkasakit si Vanessa. At alam mo ang ginawa ni Allen? Inalagaan niya si Vanessa. Syempre, kahit galit pa rin siya kay Vanessa, nag-aalala pa rin siya dito. Asawa niya eh." Tiningnan ko naman si Marian. Bakit ang samang makatingin nito?
"Hoy, ba't ang sama ng tingin mo sa akin? Ikinekwento ko na nga sa'yo yung nangyari tapos ganyan pa ang itsu-" Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil sumabat na agad siya.
"Hay naku friend! Hindi yang A Wife's Cry ang pinapa-kwento ko." Naiinis na sabi ni Marian.
"Eh ano pala?" Ang gulo ng babaeng 'to. Yun naman ang ikine-kwento ko sa kanya kahapon ah.
"Yung naudlot mo pong love story." Sagot naman niya sa tanong ko. Yun pala.
"Ah. Yun ba? Ano namang exciting dun aber?"
BINABASA MO ANG
Those Four Years
Teen FictionMasarap balikan ang mga alaala nung highschool. Andiyan yung matatawa ka dahil sa mga kalokohan mo, mabi-bwisit ka dahil sa mga kapalpakan mo, at manghihinayang ka dahil madami kang gustong gawin noon pero hindi mo nagawa. May mga alaalang magpapalu...