Chapter 6

14 1 0
                                        

Gail's P.O.V

Flashback...

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng mag-highschool ako. Masaya naman pala. Nami-miss ko pa rin ang elementary pero hindi na ako gaanong nagda-drama. Nag-e-enjoy naman na kasi ako sa highschool life ko. Yun nga lang, nakakabwisit dahil kay pating. Lagi niya na lang akong inaasar kaya inaasar ko rin siya pabalik para quits kami. Pero ngayon, stop muna ako sa pang-aasar dahil malapit na ang First Periodical Exam namin. Kapag malapit na kasi ang exam, talagang aral lang ako. Nakikipaglaro din naman pero mas lamang ang pagre-review ko. Ganun din sina Hannah kaya naman magkakasama kaming magka-kaibigan sa pagre-review. Nandito nga kami ngayon sa may garden. Meron kasing maliit na kubo dito katulad nung sa Elementary Department. Dito kami nagre-review dahil masyadong maingay sa loob ng classroom.

"Gail, paturo naman ako." sabi ni Francis sabay upo sa tabi ko.

"Ng alin?" tanong ko naman sa kanya.

"Dito sa integers. Nalilito kasi talaga ako. Di ko alam kung negative o positive ang isasagot." tumango-tango naman ako kay Francis. Kumuha ako ng intermediate paper at nagsulat ng examples.

"Oo nga Gail. Nakakalito. Paturo din ako." sabi naman ni Myka.

"Paturo din ako Gail. Haha!" sabi ni Hannah at umupo din sa tabi ko.

"Ako rin." sabi ni Lara at lumapit din sa akin. Silang lahat ay tumabi na sa akin at tinitingnan yung examples na sinusulat ko.

"Sige. Ganito kasi yan. Kapag nag-add kayo ng positive at negative numbers, kung ano yung may mas malaking value, doon ninyo ibabase yung sagot ninyo." pagpapaliwanag ko sa kanila.

"Ah. Ganun pala yun. Pero hindi ko pa rin maintindihan." sabi ni Francis kaya nagtawanan kaming lahat.

"Gaya nitong number 1." sabi ko sa kanila. Tiningnan naman nilang lahat yung unang example.

"-10+5. Anong tingin ninyong magiging sagot diyan?" tanong ko sa kanila.

"Ahm, 5?" sagot ni Francis.

"Ah, -5?" sagot naman ni Hannah.

"Hala, di ko sure. Pero sige 5 na rin. Hahaha." sagot ni Myka kaya nagtawanan ulit kami.

"-5 din sa akin." sagot ni Lara. Tiningnan ko muna silang lahat tapos ngumiti.

"Ang tamang sagot ay -5." sabi ko sa kanila kaya nagtatalon sa tuwa sina Hannah at Lara.

"Hahaha! Lara, makakapasa na tayo." sabi ni Hannah kay Lara.

"Oo nga. Ang galing! Nakuha natin yung sagot." sagot naman ni Lara at nag-apir pa silang dalawa.

"Nakatsamba lang kayo 'no?" pang-aasar ni Francis sa kanila.

"Tsaka hindi naman yan makakasama sa exam natin. Example lang yan ni Gail." sabi naman ni Myka sa kanila.

"Ay! Oo nga 'no?" pangsang-ayon ni Hannah. Napatungo na lang silang lahat.

"Ano ba kayo? Ok lang yan 'no? Tuturuan ko naman kayo eh. Tsaka Lunes pa lang ngayon. Sa Thursday at Friday pa naman ang exam natin." sabi ko sa kanila. Dapat hindi sila mag-isip ng negative para naman hindi sila kabahan. Kinakabahan din naman ako pero nagre-review naman ako kaya nababawasan yung kaba ko.

"Salamat Gail ha? Bestfriend na talaga kita!" sabi ni Francis sabay yakap sa akin.

"Hoy! Hindi pwede 'no! Ako lang ang bestfriend ni Gail." sabi naman ni Hannah sabay higit sa akin.

"Ay! Ang damot mo naman Hannah! Ah basta! Bestfriend ko si Gail. Bleeeh!" sabi pa ni Francis at binelatan pa si Hannah. Natatawa na lang kaming tatlo nina Myka at Lara sa kanilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Those Four YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon