Chapter 2

17 2 2
                                        


Gail's P.O.V

"Hahaha! Grabe ka friend! Ayaw na ayaw mo palang mag-high school? At ano pang sinabi mo? Sana nagpabagsak ka nung Grade 6 ka? Haha! Ngayon lang ako nakakilala ng student na pinanghinayangan pa ang pagiging honor student. Hahaha!" sabi ni Marian. May patawa-tawa pang nalalaman ang babaitang 'to.

"Eh sa gusto ko ang pagiging Elementary pupil eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Haha. Ok friend! Mukhang mas interesting pa ang mga susunod na pangyayari. So, anong section mo nun?" tanong niya sa akin. Itinuloy ko na ulit ang pagke-kwento.

Flashback...

Nakapila na ako ngayon sa tapat ng faculty room ng High school Department. Alangan namang sa faculty room ng Elementary Department? Na-bitter na naman tuloy ako.

"O, agang-aga nakabusangot ka." Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Hannah?" tanong ko sa kanya.

"Ako nga Gail." Sabi niya habang lumalapit sa akin.

"Waaaaah! Hannah! I miss you!" sabi ko sa kanya sabay yakap. Close na close kami nyan.

"I miss you too Gail. Sana mag-kaklase tayo."

"Oo nga. Ang astig ng mga sections 'no?" Mga birthstone kasi ang name ng sections.

"Oo nga eh."

"Good morning!" masayang bati sa amin ng babae na lumabas sa faculty room. Ay! Kilala ko yan.

"Good morning ma'am!" sagot naman naming lahat sa kanya.

"Welcome sa High School Department! First year high school students na kayo ngayon. Freshmen na kayo. Alam kong kinakabahan kayo ngayon. Normal lang yan. Pero, I assure you guys, mag-e-enjoy kayo sa high school life. By the way, I'm Ms. Maricel Lopez. You can call me, Ma'am Cel." Halatang masiyahin at mabait si Ma'am Cel. Pinahaba pa niya ang sinabi niya. Ang gusto niya lang naman palang iparating sa amin ay high school na kami. Na hindi na kami elementary. Ka-badtrip na naman. Pero ano nga yung sinabi niya kanina? Freshmen? Ganun pala ang tawag kapag first year ka.

"So guys, I hope that you're disciplined. Hindi na kayo mga bata. Mga binatilyo't dalaginding na kayo. Uuuuy! Mga dalaga't binata na sila." Biro sa amin ni Ma'am Cel. Pero ang tumatak sa akin eh ang sinabi niyang hindi na kami mga bata. Na mga dalaga't binata na kami. Sinabi din yun nina mama at papa sa akin kanina ah. Ano ba ang ibig nilang ipahiwatig dun?

"Alright! Alam ninyo na naman na ang bawat year level ay may tatlong sections di'ba?" tanong sa amin ni Ma'am Cel.

"Opo!" sabay-sabay naming sagot.

"So, let's start. First year sections are Sapphire, Garnet and Peridot. Unahin muna natin ang Garnet. As I call your name, proceed to this side. Dito ang pila ng Garnet." Turo ni Ma'am Cel sa left side.

"Andante, Marice...blah blah blah..." Tawag ni Ma'am Cel sa mga students na mapupunta sa I-Garnet. Ano kaya ang section ko?

"Okay. I-Garnet, proceed to your room now. Wait for your adviser." Sabi ni Ma'am Cel pagkatapos niyang banggitin lahat ng students ng I-Garnet. Ibig sabihin, Peridot at Sapphire na lang ang natitira. Sana sa Sapphire ako.

"Hannah, saang section mo gustong mapapunta?" tanong ko kay Hannah.

"Sa Sapphire. Ikaw ba?" tanong niya din sa akin.

"Sa Sapphire din." Sagot ko naman sa kanya.

"So let's continue. I-Peridot naman ngayon. Doon kayo pipila sa left side ha?" pagpapatuloy ni Ma'am Cel.

"Agustin, Harold..Alajar, Zach Marvin..blah blah blah..." Tuloy-tuloy lang si Ma'am Cel sa pagtatawag. Hinihintay kong mabanggit ang pangalan ko at ni Hannah pero hindi pa rin kami natatawag. Paunti ng paunti ang mga nasa side namin.

"Okay. Kompleto na ang I-Peridot. Proceed to your room now. Wait for your adviser." Sabi ni Ma'am Cel sa mga students ng I-Peridot. Ibig sabihin, sa Sapphire nga ako! Yes! Si Hannah din.

"So, you're I-Sapphire. I'll call your names pa rin for me to know if there are any absentees. Let's start. Sa girls muna." Pagpapatuloy ni Ma'am Cel.

"Adame, Krista Claire..Agena, Shaira Mae..blah blah blah..." Tuloy-tuloy lang sa pagtatawag si Ma'am. Pansin ko lang, mas marami kaming mga babae kesa sa mga lalaki. Marami kaya akong magiging kaibigan dito?

"Montales, Gail Scarlet..." Oops. Ako na pala yung tinatawag. Kinabahan tuloy ako. Ganun kasi ako. Kapag tinawag ako sa apelyido ko, biglang bumibilis yung tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit.

"Olivar, Hannah Mae..Orense, Bernadette..blah blah blah..." Hindi ko na masyadong pinakinggan yung pagtatawag ni Ma'am Cel. Hinintay ko lang matawag yung pangalan ni Hannah. Sigurado naman akong magpapakilala kami mamaya. Ganun naman talaga eh. Hanggang sa mga boys na yung tawagin ni Ma'am. Hindi ko na pinakinggan. Gusto ko nang makapasok sa room. Medyo umiinit na dito sa labas eh.

"Wala namang absent sa inyo. Mabuti naman. So, you're 45 in total. You may now proceed to your classroom. Fall in line ha? Wait for your adviser." Pumasok na si Ma'am Cel sa faculty room. Pansin ko lang, sa section namin siya maraming sinabi. Bakit kaya?

Naglalakad na kami ngayon papunta sa room namin. Sa room ng I-Sapphire na magiging room namin sa loob ng isang taon. Once na pumasok ako sa room na yan, hindi na talaga ako Grade 6. Hindi na ako Elementary pupil. Pero isa lang ang alam kong mananatili, bata pa rin ako.

"Ui, kanina pa ako daldal ng daldal dito. Hindi mo naman pala ako pinapakinggan." Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Hannah. Kanina pa pala ako kinakausap nito.

"Ay! Sorry. May iniisip lang ako. Ano nga ulit yung sinabi mo?" Malapit na kami sa room. Ito na. Ito na talaga!

"Ang sabi ko, sabay tayong magrecess mamaya." Sobrang lapit na talaga namin.

"Gail naman! Hindi ka naman nakikinig." Pagrereklamo ni Hannah.

"Sorry ulit." Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Ano ba kasi iniisip mo diyan?" tanong niya sa akin.

"Naisip ko lang na once na pumasok na tayo sa room natin, First year na talaga tayo."

"Haha! Ayaw mo nga palang mag-High school 'no? Ok lang yan. Sabi sa akin ni nanay, mag-e-enjoy daw tayo sa High school. Ang High school daw ang pinakamasaya." Napaisip naman ako sa sinabi niya. High school ang pinakamasaya? Para kasi sa akin, Elementary ang pinakamasaya. Sa Elementary kasi, parang napakalaya mo. Yung magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Makakapaglaro ka ng kahit ano. Yun bang wala kang masyadong problema.

"Tara na nga! Tama na yang pagmumuni-muni mo. Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano." Sabi sa akin ni Hannah. Nauna siyang pumasok. Tiningnan naman niya ako. Napabuntong-hininga na lang ako.

Wala na. First year na ako. Nandito na ako sa loob ng room namin eh. Sakto namang may dalawang bakanteng upuan sa may likuran. Doon na lang kami umupo ni Hannah. Inilibot ko ang tingin ko sa classroom. Sakto namang napalingon sa side namin yung nasa medyo unahan. Eh? Kaklase din pala namin ni Hannah sina Myka at Carlo. Nakakatuwa naman. Habang hindi pa dumarating yung adviser namin, nagkwentuhan na lang kami ni Hannah. Sana lang talaga eh marami akong maging friends dito.


Author's Note:

Thank you for reading. Tuloy ninyo lang 'yan. Haha. :)

- Triangelle

Those Four YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon