Chapter 4

6 1 1
                                    

Gail's P.O.V

Ang bilis ng araw. Friday na ngayon. Naka-civilian pa rin kami. Sa first week kasi ng pasukan, naka-civilian kami. Next week eh naka-uniform na kami. Haaaay. High school uniform na ang isusuot ko at hindi yung nakasanayan kong elementary uniform. Nakakapanibago. Nandito na ako sa room at hinihintay ko sina Hannah. Siguro, nagbibihis pa lang yung babaeng yun. Ang lapit kasi ng bahay nila dito sa school kaya kampante siyang hindi siya male-late. Sina Myka at Carlo siguro eh nasa byahe na. Wala naman kasi kaming klase ngayong umaga dahil may Welcome Party para sa aming mga First years. Bale mamayang 8 am ang start. Eh 7:15 pa lang ngayon. Nakakainip.

"Nagmumuni-muni na naman ang isa diyan." Nandiyan na naman ang epal. As in sobrang nakakaasar na epal! Ang papansin talaga niyang lalaking yan. Hmp. Ang tinutukoy kong lalaki ay yung nakatingin sa akin nung Monday. Yung nginisihan ako. Ang yabang talaga! Nung Lunes pa yan ganyan eh. Lagi niya akong inaasar. Nakakainis na nga! Siguro kung marunong akong magmura, namura ko na siya. Pero hindi naman ako ganun kaya puro irap na lang ang ginagawa ko. Inirapan ko muna siya bago ako magsalita.

"Nagpapa-papansin na naman ang isa diyan." Nilaksan ko ang boses ko para naman madinig niya. Akala niya ha. Palaban kaya 'to.

"Uy, naaasar ka na agad 'no?" sabi niya at tumayo pa sa harapan ko. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Hindi 'no! Talagang nakakainit lang ng ulo yang itsura mo." Ganti ko naman sa kanya.

"Sus! Ayaw pang aminin. Naasar ka lang talaga. Tsaka, itong itsura ko, nakakainit ng ulo? Aba, matindi na yan. Siguro hindi mo kinaya ang kagwapuhan ko kaya nag-iinit yang ulo mo. Hahaha!" Aba't! Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to! Gwapo daw?! Saang banda kaya? Sa turik niyang buhok na parang sa pating? Hahaha! Natatawa tuloy ako.

"Anong nakakatawa?" Takang tanong niya.

"Anong nakakatawa? Lahat ng sinabi mo. Hahaha! Saang banda ang kagwapuhan na tinutukoy mo? Diyan ba sa turik mong buhok na parang sa pating? Hahaha!" Nawala naman bigla ang pagtataka sa kanyang mukha. Nakita ko siyang ngumiti ng konti. Para saan naman kaya yung ngiting yun?

"Hindi ka talaga papatalo ano?" sabi niya habang nakangiti at ginulo pa niya ang buhok ko.

"Ano ba?! Huwag mo ngang guluhin 'yang buhok ko. Inggit ka lang kasi bagsak yung buhok ko. Hmp!" Inirapan ko ulit siya at inayos ko yung buhok ko. Tawa naman siya ng tawa. Ano ba yan? Para naman siyang sira.

"Hindi ah. Gusto ko lang talagang hawakan 'yang buhok mo." Nakangiti pa rin siya sa akin. Sa totoo lang, para siyang timang. Napaka-unpredictable niya. Minsan, iiyamutin ako ng todo tapos tatawa. Minsan naman, ngingisi tapos kapag ginantihan yung mga pang-aasar niya, ngingiti naman siya. O diba, para siyag timang.

"Uuuuuy! Kayo ha? Nag-aasaran na naman kayo. Diyan kaya nagsimula sina nanay at tatay." Napatingin naman ako sa may pinto. Nandiyan na pala si Hannah. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil agang-aga eh nang-uulit siya. Simula din nung Monday, ganyan na siya. Lagi niya kaming inuulit kesyo bagay daw kami. Yuck! Ayoko kay Ryle pating. Tsaka bata pa ako para sa mga ganyang bagay.

"Tumigil ka nga diyan Hannah. Buti naman at nandito ka na." Umupo na si Hannah sa tabi ko at patuloy niya pa rin kaming inaasar. Pero ako lang ata ang naaasar dahil yung asungot, parang natutuwa pa.

"Hannah, isa! Tumigil ka na diyan. At ikaw pating, shupi! Alis!" Tinulak-tulak ko si Ryle at tinaboy na parang pusa.

"Grabe ka naman. Para naman akong pusa niyan." Malungkot na sabi niya. Para talagang sira.

"Ok lang 'yan Ryle. Paborito kaya ni Gail ang pusa." Kilig na kilig na sabi ni Hannah.

"Ganun ba? Sige lang Gail, itaboy mo pa ako. Huwag ka nang mahiya." Sabi ni Ryle at kinuha pa ang kamay ko para itulak ko siya. Grrr! Tumayo ako bigla at sinipa ko siya ng malakas sa binti. Nagulat naman si Hannah sa ginawa ko.

Those Four YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon