Author's Note:
Hi wattpaders! Sorry kung ngayon lang po ako nakapag-update. Ito na po yung Chapter 5. Sana magustuhan po ninyo. Sana malaman ko rin ang thoughts ninyo about the story. Thank you. :)
- Triangelle
Gail's P.O.V
"Gail, pahingi akong polbo ha?" sabi ni Hannah. Tumango na lang ako at siya na ang pinakuha ng polbo sa bag ko. Lunes na at naka-uniform na kami. Niloloko pa nga ako kanina ng kapatid ko. Hindi na daw kasi ako naka-uniform ng pang-elementary.
"Ui Gail, bakit may dala kang lambat? Para saan?" tanong ni Gail ng may pagtataka. Ilalabas pa sana niya yung lambat pero pinigilan ko. Surprise kaya yun para kay pating.
"Ssssh! Huwag kang maingay. Baka marinig ka ni pating." Suway ko pa sa kanya at tumingin sa paligid kung may nakarinig sa amin.
"Pating? Ano ka ba naman Gail. Ryle ang pangalan niya at hindi pating. Napaka-isip bata mo talaga." Iiling-iling pa siya.
"Bakit, bata pa naman talaga ako ah. Pati ikaw." Hindi ko ma-gets si Hannah. Bata pa naman talaga ako kaya normal lang na isip-bata ako.
"Hay naku! Gail, high school na kaya tayo. Tsaka ikaw, puro ka kalokohan at nagdala ka pa talaga ng lambat. Class president ka pa naman tapos ikaw pa ang mangunguna sa kalokohan. Lagot ka kay Ma'am Cel niyan, sige ka." Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Ang KJ naman ni Hannah. Hmp.
"O tamo! Nakanguso ka pa diyan. Haha! Isip-bata."
"Heh! Porke't mas matanda ka sa akin, ginaganyan mo na ako." Nakanguso pa din ako.
"Sus! O, ano bang gagawin mo diyan sa lambat na dala mo? Tsaka saan ka nakakuha niyan?" tatawa-tawa pa siya habang nagtatanong. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Eh di ipanghuhuli ko kay pating. Hahaha! Buti nga at meron si lolo ng lambat eh. Siyempre, ginamit ko ang charms ko kay lolo kaya ayun, pinahiram niya sa akin 'tong lambat niya." Napangiwi naman ako ng maalala ko yung pinag-gagawa ko para lang mapapayag si lolo.
"Sari-sari ka talaga. Ba't naman nakangiwi ka diyan? Siguro, pinahirapan ka ng lolo mo ano? Hahaha."
"Oo na! Grabe si lolo. Baka daw kasi may gawin akong kalokohan. Makakahiram lang daw ako ng lambat sa isang kondisyon." Sabi ko kay Hannah. Halata namang excited siya sa kwento ko.
"Anong kondisyon?" tanong niya agad.
"Paliguan ko daw yung inahing baboy nila ni lola." Napanguso ako ng maalala ko yun. Ang laki pa naman nung baboy. Tsaka nakakatakot baka kagatin ako.
"Hahaha! Eh ang laki nun ah!" tawa siya ng tawa sa nalaman niya. Nakita na kasi niya yung baboy nina lolo.
"Sinabi mo pa. Takot nga ako dun eh dahil baka kagatin ako."
"Baboy, mangangagat? Hahaha!" Hinampas pa niya yung bangko niya sa sobrang pagtawa.
"Eh malay ko ba! Nakakainis ka naman Hannah eh. Pinagtatawanan mo ako." Ngumuso na lang ako ulit.
"Hahaha! Nakakatawa ka kasi eh. Gagawin mo talaga lahat para lang diyan sa kalokohan mo."
"Talaga. Lalambatin ko naman talaga 'yang pating na yan eh."
"Haha! O sige na. Tara na sa canteen. Kanina pa recess baka maabutan tayo ng bell." Sabi naman ni Hannah at tumayo na. 20 minutes lang ang recess namin. Kapag tapos na yung recess, tutunog na yung bell.
"Sige. Gutom na din ako eh. Tsaka kanina pa ako natatakam sa egg sandwich." Sagot ko naman sa kanya. Palabas na kami sa pinto ng biglang pumasok si pating with his friends. Parang Barney and friends lang. Natawa na lang ako sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
Those Four Years
Teen FictionMasarap balikan ang mga alaala nung highschool. Andiyan yung matatawa ka dahil sa mga kalokohan mo, mabi-bwisit ka dahil sa mga kapalpakan mo, at manghihinayang ka dahil madami kang gustong gawin noon pero hindi mo nagawa. May mga alaalang magpapalu...