Chapter 3

10 1 0
                                    

Gail's P.O.V

Ang tagal naman nung adviser namin. Naikwento ko na nga ata lahat kay Hannah yung mga pinag-gagawa ko nitong bakasyon. Pinuntahan kami kanina nina Myka at Carlo dito sa pwesto namin. Konting kwentuhan lang ang ginawa namin. Siyempre, baka biglang dumating yung adviser namin eh.

"Francis?" Napatingin naman ako kay Hannah. Tinawag niya kasi yung lalaking nasa unahan lang namin. Naka-cap ito.

"Ui Hannah! Ikaw pala yan. Magkaklase na naman tayo. Haha!" Magkaklase? Pero may napansin lang ako sa pananalita niya. Medyo malambot kasi.

"Haha! Oo nga. Talagang natuluyan ka na ano?" pagbibiro naman dito ni Hannah. Sabi na nga ba eh. Akala ko talaga nung una, straight siya. Bakla pala. Sayang, may itsura pa naman siya.

"Oo nga eh. Ganun talaga. Alam mo namang pusong babae talaga ako." Sagot naman nito. Nakakatawa naman siya.

"Parang nung nasa Kinder pa tayo, lalaking-lalaki ka pa nun. May sinuntok ka pa nga nun eh. Hahaha!" Papalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. Iniisip ko din kung kelan ako ipapakilala ni Hannah kay Francis. Nakalimutan na yata eh.

"Waaah! Huwag mo nang ipaalala sa akin yan. Hindi pa ako nauuntog niyang mga panahong yan!" Tila nadidiri pang sabi ni Francis. Hahaha.

"Hahaha! Grabe, baklang-bakla ka na talaga! Ay! Si Gail nga pala, classmate ko nung elementary. Simula Grade 1 hanggang Grade 6 yun ha." Pagpapakilala sa akin ni Hannah. Buti naman. Akala ko'y nakalimutan na niya eh.

"Hi Gail! Type ko 'yang headband mo. Hahaha!" sabi niya at iniabot niya sa akin ang kanang kamay niya. Inabot ko naman ito at nagshake hands kaming dalawa.

"Bigay 'to sa akin ni mama. Akala ko talaga nung una, lalaking-lalaki ka. Naka-cap ka pa kasi. Tsaka gwapo ka ha." Sabi ko naman sa kanya at nangalumbaba pa ako.

"Eew! Napagkamalan mo akong lalaking-lalaki? Tsaka hindi ako gwapo. Maganda ako!" Nanlalaki pa ang mga mata ni Francis habang nagsasalita. Hahaha.

"Nakakatawa ka! Haha! Friends na ba tayo niyan?"

"Oo naman. Haha! Magkakasundo tayo nyan. Basta ba, huwag na huwag mong sasabihing gwapo ako. Nakakadiri!" sabi niya at halata mo sa mukha niyang nandidiri siya. Nagtawanan na lang kaming tatlo. Ang ingay nga namin eh.

Ipinakilala din sa amin ni Francis yung katabi niya. Clyde ang pangalan. Classmate niya daw nung elementary. At ayun, nagkwentuhan na lang kaming apat. Magiging masaya naman siguro ang first year ko sa High school. Tawa pa rin ako ng tawa dahil ang lakas ng trip ni Francis. Ang dami niyang alam na jokes. Bigla naman akong napatigil sa pagtawa dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Totoo ba yun? Sinabi sa akin yun dati ni mama. Mararamdaman mo daw kapag may nakatingin sa'yo. Nagpalinga-linga ako sa buong room. Pagtingin ko sa unahan, may nakatingin nga! Agad namang nag-iwas ng tingin yung lalaki. Bakit kaya? Pero isa lang ang napatunayan ko, totoo nga yung sinabi ni mama! Ang galing ni mama. Ang dami niyang alam. Napansin kong biglang tumahimik itong sina Hannah. Ah, kaya pala. Nandito na pala yung adviser namin.

"Good morning I-Sapphire!" Masayang bati ni Ma'am Cel. Oo. Siya ang adviser namin. Haaay! Buti naman. Gusto ko talagang maging adviser si Ma'am. Idol ko kaya yan. Magaling kasi siyang kumanta at ang galing niya sa Music. Nung nasa elementary pa lang ako, sabi ko sa sarili ko na magiging teacher ko din siya. At ito nga, natupad na.

"Good morning ma'am!" sabay-sabay naming sagot sa kanya.

"O, kilala ninyo na naman ako. Pero sige, magpapakilala ulit ako. I'm Ms. Maricel Lopez. Gaya nga ng sabi ko kanina, Ma'am Cel na lang. I will be your adviser for the whole year. Huwag kayong mahihiya sa akin ha? Simula ngayon, para ninyo na rin akong nanay. Kapag may problema, sabihin ninyo agad sa akin ha? Huwag ninyong sarilinin. Huwag mahiyang magsabi ha?" Mahabang sabi ni Ma'am Cel. Ang bait talaga ni ma'am.

Those Four YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon