"Andito ba ang lahat ng mag-a-audition para bukas?" rinig kong sigaw ng intructor.Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagtakbo papunta sa harapan. Geez. Nakakahiya tuloy!
"Okay, I'm just going to tell you that you only need to dance in front tomorrow. Provide your own music, okay?" she announced to us.
Nag-agree naman ang lahat saka nag-alisan na rin. Bumalik ako sa may benches at nakitang kanina pa pala naghihintay si Lowi sakin.
"Oh? Nakabusangot ka na naman?" tanong niya saka ako umupo sa tabi niya.
"Huhuhu! Eh kailangan daw sumayaw bukas! Wala akong alam na mga steppings 'no!" giit ko at napanguso.
"Ayan! Sasali-sali ka ng cheerdance tapos hindi mo naman pala kayang sumayaw!" bulyaw niya sakin.
"Ano ka ba! This is my only chance para mapalapit kay Jacob! Alam mo namang deads na deads ako sa crush ko na 'yun. Gagraduate na tayo next year kaya totodo ko na 'to." wika ko at ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Lowi.
"Uy uy uy! Huwag ka ngang gumayan-ganyan sa Lousitto Ko, Kaycee-panget! Hmm!!" bungad ni Telma at inalis ang ulo ko sa balikat ni Lowi.
"Inggit ka lang, eh!" saka ko siya bineh-latan.
"Ano ba! Ang ingay niyo talagang dalawa! Para kayong aso't pusa!" wika ni Lowi at tumayo na.
"Ito kasing si Telma e! Uwi na nga tayo." saka ako kumapit sa braso ni beks.
Ito naman si Telma halatang nainggit kaya kumapit din siya sa kabila na parang linta. Matangkad si Lowi kaya para tuloy kaming mga bata na nakakapit sa kanya.
"Pres! Penge naman ng chix!" sigaw ni Alberto kay Lowi.
"Sampal, gusto mo?!" bulyaw naman ni Lowi.
Umatras naman agad si Alberto na parang tuta. Ayun, umuwi na nga kami. May sundo si Telma pero ewan ko ba sa isang 'to at nakabuntot pa rin sa amin.
Nag makarating ako sa bahay, nagbihis muna ako saka dumiretso na kina Lowi. Kailangan ko atang magpa-turo kay beks ng chereography para sa sasayawin ko sa audition bukas.
Pagpasok ko sa bahay nila halatang wala pa sina Tito. Hays, sana andito rin si Kuya Lexus nang mainspired naman ako sa pag-giling. Haha!
"Beeeeeekkssss!!! Turuan mo naman ako oh!" sigaw ko nang makapasok ako sa kwarto niya.
Mukhang kakatapos niya lang din magbihis dahil gusot-gusot pa ang buhok niya.
"Ano? Mukha ba akong dancer sa paningin mo?" saad niya at umupo sa swivel chair niya.
"Hindi. Mas matigas pa nga katawan mo kesa sakin eh." natatawang sagot ko sa kanya. "Pero malay mo diba, baka may maituro ka parin. Matalino ka naman eh!" dagdag ko pa saka umupo sa malambot niyang kama.
"Ewan ko sayo, Keysi. Dami ko nang problema, dadagdagan mo pa." wika niya saka niya binuksan ang kanyang laptop at tuluyan na nga akong hindi pinansin.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng katok. Bumaba ako sa kama niya at binuksan ito. Tumambad sa harapan ko si Telma na naka-krus ang mga braso.
Inirapan niya ako agad nang mag-abot ang tingin namin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I heard you want to join the audition tomorrow." maarteng sagot niya.
"Oh? Tapos?" taas-kilay kong tanong.
"You see, I can teach you some steps."
"Weeeehh???"
She scuffed saka niya ako inirapan ulit, "Oo nga! Kung ayaw mo, edi don't. I won't force you anyway." saka siya tumalikod.
Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Kaso ano naman kaya ang kapalit nito? I know her, hindi siya gumagawa ng bagay na walang kapalit. Hmm..
"W-wait, Telma!" sigaw ko sa kanya nang hahakbang na sana siya sa may hagdan.
"What?"
"Oo na. Kaso, ano namang kapalit?" tanong ko.
Lumingon siya at ngumisi ng malaki. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Help me. I want to get closer to Louisitto." she whispered.
Sabi ko na eh....Toso talaga itong uhugin na 'to. Pero wala naman ako choice, gusto ko rin kasi makapasa sa audition bukas!
"O-oo na! Kaso kung ayaw talaga ni Lowi sayo, huwag mong ipipilit. Okay?" wika ko sa kanya.
"Oh c'mon, Kaycee. Things will have its progress if you only work harder. Mahuhulog din si Louisitto sa akin." she smirked and flip her hair.
"Asa ka naman." bulong ko, buti nalang di niya narinig.
"So ano na? Hindi mo ba ako papapasukin sa kwarto niya?" mataray niya pang tanong.
"Tss. Atat ka rin eh! Hihingi muna ako ng pahintulot kay Lowi. Hindi naman ako may-ari ng kwarto na 'to at basta-basta nalang magpapasok ng mga BWISITA!" sambit ko at sinadya talagang lakasan ang huling sinabi ko.
"ABA'TTT——"
Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at agad na pumasok sa loob. Naka-headset pala si Lowi kaya pala hindi niya kami naririnig sa labas. Psh.
Sinundot ko siya sa tagiliran niya kaya agad siyang napatingin sa direksyon ko. Ba't ba gumagwapo itong si bakla sa paningin ko? Gawin ko nalang kaya itong straight? De joke! Haha!
"Ano?!" iritadong tanong niya.
"Ano kasi...nasa labas si Telma. Papaturo ako sa kanya. Pwede ba siyang pumasok rito?" tanong ko sa kanya.
"Eh ikaw, okay lang ba sayo?" tanong niya naman pabalik.
Timang din itong si Lowi minsan, eh. Siya may-ari ng kwarto niya tapos ako ang tatanungin?
"Hindi ko naman kwarto to."
"Hindi nga. Pero para kayong aso't-pusa. Baka magpatayan kayo rito at madumihan pa 'tong kwarto ko." tugon niya at binalik ang tingin sa kanyang laptop.
"H-hindi! Nag-pramis naman si Telma na magpapakabait siya. Hehehe!"
Dapat lang! Kasi sasakalin ko talaga si Telma kapag hindi siya nag-behave rito. Mukha pa namang linta 'yun kapag malapit si Lowi sa kanya.
"Okay." tipid niyang tugon.
Dumiretso agad ako sa pintuan at pinagbuksan si Telma. Kunot na kunot na ang noo niya at mukhang kanina pa nag-hihintay.
"Ang tagal ha! Hmm!" saka siya pumasok agad sa loob. "Hello, Lousitttoooo Koooo!" sigaw niya kaso naka-headset nga si Lowi at hindi siya pinansin nito.
Wahaha! Pahiya siya tuloy.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With BEKS (ON-GOING)
JugendliteraturBasahin mo nalang nang hindi ka ma-kyuryos kung bakit nga ba ako nainlove sa beki kong bestfriend! Started: 01/28/22 Date Finished: (STILL ON-GOING)