Chapter Ten

119 24 16
                                    


Telma's POV.

What a great day to start with!! Tinotoo kasi ni Kaycee-panget ang deal namin. Bwahaha! *evil laugh*

Maaga akong nagising today and I'm really excited to walk with my Baby Boo Louisitto Ko. Wala si Kaycee kasi nauna na raw sabi ni Tita Hazel.

I saw a glimpse of sadness on Lowi's eyes kaya maybe its my time to cheer him up.

Iniangkla ko ang kamay ko sa kanyang braso, he was shocked at first pero hinayaan din ako.

"I think, Kaycee really likes that Jacob guy." I stated.

Nakatuon lang ang kanyang tingin sa daan at hindi ako sinagot. Sungit talaga nito minsan ni Louisitto, buti nalang love ko 'tong si Baby Boo Ko.

"Do you really hate me, Lowi? Hmm?" I asked him.

Lumingon siya ngunit nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nakita kong medyo gumalaw ang bibig niya, it means gusto niyang sumagot ngunit pinipigilan niya ang sarili niya.

"I don't hate Kaycee, okay? And I'm sorry sa mga nagawa ko sa kanya noon." wika ko kaya this time napatigil siya sa paglalakad.

"Past na 'yun and I'm sure, Keysi didn't mind about that anymore." sagot niya at bumalik sa paglalakad.

"I know, i know. Ang cold kasi ng treatment mo sakin."

"I'm not. I just don't like you being this clingy to me. Alam mo namang bakla ako." sagot niya ulit so I pouted my lips.

"So what? I like you for being you and I will not stop hanggang sa mapansin mo 'ko."

Hindi na niya ako sinagot dahil nakapasok na kami sa loob ng campus. Medyo nauna si Lowi sa paglalakad dahil grabeee! Ang lalaki talaga ng hakbang niya! Perks of being tall nga naman! Aish!

"Hey!"

Napalingon ako sa gilid at nakita ang annoying na basketbolista na si Jacob. I wonder why Kaycee like this guy? I mean, yeah, he has this good appearance but I can sense na puro hangin lang naman utak ng lalaki 'to.

I just threw him a glance at agad na hinanap sa paningin si Louisitto but he's nowhere to be found now. I'm sure nauna na 'yun sa classroom!

Tatakbo na sana ako but someone grabbed my arm. Napatigil ako sa paglalakad at masungit na tinignan si Jacob. Errr! Talk about annoying!

Mas nakakainis pa itong kaharap kesa kay Kaycee e. De bale nang panget 'yun, atleast may sense naman kausap. Unlike this....errr unggoy.

"Papasok ka na?" he asked me, i rolled my eyes.

"Obvious ba? Malamang!" mataray na sagot ko.

Andami namang mga girls na nakatingin sa gawi namin habang napapadaan sila. Obviously, just like Kaycee, deads na deads din ata sa lalaking 'to. I respect their standards and choices thou.

"Ang sungit mo talaga." tumawa siya ng bahagya. Mas lalo namang kumunot ang noo ko. "Sabayan na kita." he offered.

"No need. Kompleto pa naman mga paa ko. Hmm!" sabay turo sa paa ko.

Nakita ko si Kaycee-panget sa may registrar kaya agad ko siyang tinawag nang makitang magsasalita na sana si Jacob. I don't like talking to him so might as well, huwag nang makipag-usap sa kanya.

"Kaycee!" tawag ko.

Napalingon siya sa gawi ko at mabilis pa sa alas singko na napatingin sa crush niya. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang kumaway si Jacob sa kanya.

"I'm going with my friend so, babusshh!" I sarcastically waved goodbye to Jacob.

Nilapitan ko agad si Kaycee at hinila siya palayo roon. Nagulat siya sa ginawa ko at hindi kaagad nakaangal. Nang medyo malayo na kami agad siyang dumistansya sakin.

Lucky I'm Inlove With BEKS (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon