Chapter Eleven

108 21 7
                                    


Kaycee's POV.

"Grabee! Nakakapagod!" impit na sigaw ni Freya tsaka na-upo sa tabi ko.

"Oi, baka marinig ka ni Ma'am Reva." sambit ko saka tinungga ang tubig sa tumbler.

"Alam niya naman siguro 'yun. Isa pa, napaka-strikta niyang maagturo!" reklamo niya pa kaya napatakip ako sa bibig niya.

Wala talagang filter ang bunganga ni Freya. Baka nakakalimutan niyang tinuro niya ako noon during audition namin? Pasalamat siya mabait ako at pinalampas ko nalang ang pangyayaring 'yun. Hehehe!

Isa pa, kaklase ko siya kaya siya lang close ko rito sa Cheerleading squad. Siya na rin ang palagi kong nakakasama since iniiwasan ko nga si Lowi, diba?

Tsaka sa loob ng apat na araw na iniiwasan ko si Lowi, namimiss ko na tuloy siya. Hays!

"Malapit na kasi ang intramurals kaya malamang napi-pressure na 'yan si Ma'am Reva." sambit ko.

"Ahh..bahala siya. Wala akong pake." sagot niya.

Parang si Telma rin itong si Freya eh. Napaka-close minded saka walang filter ang bibig. Pero mas okay pa itong si Freya keysa sa plastik na 'yun. Dzuuh!

Tumayo ako kaso biglang may matigas na bagay na tumama sa likod ng ulo ko. Napa-upo ako pabalik habang sapo-sapo ang ulo ko.

"Oi okay ka lang, Kaycee?" nag-aalalang tanong ni Freya sakin.

Tumango ako sa kanya tsaka sinubukang tumayo ngunit natumba ulit ako dahil sa biglaang pagkahilo. May kamay na humawak sa braso ko ngunit amoy pa lang niya ay alam ko na.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba, Keysi?" rinig kong tanong ni Lowi.

Pumikit ako ng ilang sandali dala ng pagkahilo. Ramdam kong marami na rin ang nakiusisa sa amin. Dumilat ako at tumambad sa harapan ko si Lowi na ngayon ay galit na ang mukha.

"Sinong gumawa 'nun?" tanong niya sa mga nakiusisa.

"Sorry, pres! Hindi ko sinasadya!" biglang singit ng isang lalaki na naka-jersey.

"Hey, are you okay?" nagulat ako sa presensya ni Jacob.

Tumabi siya kay Lowi at humingi ng pasensya dahil sa katangahang nagawa ng ka-team niya. Tumayo ako habang inaalalayan ni Lowi. Lumapit naman si Ma'am Reva sa amin.

"Anong nangyari?" tanong ni Ma'am Reva, instructor namin.

"May tumama po na bola sa ulo ni Kaycee at siya po ang may sala. Si Agoncillo." sabay turo ni Freya sa lalaking may Jersey number 04.

"S-sorry na nga e." wika pa nito.

"Okay lang. Maayos naman ako eh." sagot ko dahil baka magkagulo pa rito.

"You're not. Dadalhin kita sa infirmary." Lowi stated kaya tumango ako.

"Oo, pakidala siya sa infirmary. Kayo naman, balik sa practice!" sigaw niya sa mga kasama ko. "And ikaw Mr. Agoncillo, we'll talk." huling rinig ko at tuluyan nang nakaalis sa gymnasium.

"Okay ka pa ba?" tanong ni Lowi.

Tumango ako at tumawa, "Humihinga pa naman!"

Huminto siya sa paglalakad at sumimangot. Nag-half squat siya at tinapik ang kanyang likuran. Recess time ngayong hapon siguro kaya maraming mga estudyanteng nakakalat.

"Piggy back ride.." sambit niya at ngumiti.

Umirap ako at ngumiti pabalik, "Sige na nga."

Inayos ko muna ang suot kong cycling shorts saka sumampa sa likod niya. Andami tuloy nakatingin sa amin pero wala naman akong pake sa kanila. I'm sure inggit na inggit 'yung fans ni Lowi.

Lucky I'm Inlove With BEKS (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon