Chapter Twelve

97 21 11
                                    


Bandang alas sais na rin natapos ang practice namin. Nagpahinga muna kami kami ni Freya saglit saka naisipang umuwi.

Isinukbit ko sa kaliwang braso ang gym bag ko tsaka kami lumabas sa gymnasium.


"Dito na 'ko, Kaycee. Andyan na sundo ko." wika ni Freya.


"Sige, bye-bye!"


"Gusto mo sumabay?" tanong ni Freya kaya umiling ako.


"Huwag na. Malapit lang bahay namin dito."


"Oo nga pala. Sige!"


Umalis agad si Freya. Kumaway siya sakin nang makasakay siya sa kanilang sasakyan. Naisipan kong tumungo na rin pauwi ngunit bigla nalang may pigurang sumulpot sa harapan ko.


"Hey!" nakangiting bati ni Jacob.


"J-jacob! Hindi ka pa umuuwi?" I asked awkwardly.


Ganito pala ang pakiramdam kapag kausap mo ang crush mo. Para kang hihimatayin sa kaba ngunit nakakakilig din naman. Sheyt na malagket!


Pag-ibig na kaya ~
Pareho ang nadarama ~
Ito ba ang simula ~

Wahaha! Napa-kanta pa tuloy ako.

"Kakatapos lang din namin. Uuwi ka na?" tanong niya.


Sasagutin ko sana siya ng 'obvious ba?', kaso crush ko nga pala ang kausap ko kaya dapat act like a shy girl. Hehehe!


"Ahh..oo. Ikaw?"

"Pauwi na rin. Hatid na kita? I have a car." he offered tsaka napa-WOW naman ako.

Galeeng! May sasakyan na agad siya. Buti pa siya pinayagan ng parents niya na magmaneho ng sariling sasakyan. Ako kaya, kailan? Huhu! Sana may vacant time si daddy at turuan niya akong mag-drive!

"N-nako, huwag na! Nakakahiya naman.." sagot ko.

Natuluyan tuloy ang pagiging shy girl ko. Nakakahiya naman kasi talaga 'no. Tsaka hindi pa naman kami close masyado para umangkas ako sa car niya.

"Sige, ihahatid kita buuut maglalakad na lang tayo." wika niya at ngumiti.

Sheyt sheyt sheyt! Huwag kang ngingiti ng ganyan, please! Sa ngiting niyang kita ngipin talaga ang rason kung bakit andaming nagkakagusto sa kanya. Mas lalo kasi nakikita ang dimple niya sa kanyang right cheek.

"S-sige. Pero b-baka maabala pa kita." ano ba! Bakit ba ako nauutal?

"No, it's okay. I insist, kung okay lang din sayo?" tanong niya pa.

"O-oo naman..Hehe."

Gaya nang sinabi niya, sinamahan niya ako sa paglalakad pauwi. Actually, hindi naman nakakatakot maglakad papunta sa subdivision namin kasi may mga poste ng ilaw naman.

But I feel safe tonight knowing that my long time crush is here with me. Napa-english pa ko amputs!

"So, you and Telma are friends?" panimula niya.

Lucky I'm Inlove With BEKS (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon