Kaycee's POV."Umagaaaaang kay ganda, Louisitto!!!!" sigaw ko sa kapit-bahay/bestfriend/childhoodfriend ko.
Nakabusangot siyang lumabas ng napakalaking gate nila habang inaayos ang naka 2 by 3 niyang buhok. Kaya nakabusangot 'yan kasi hate na hate niyang pinapagupitan buhok niya!
Agad ko naman siyang nilapitan at inakbayan.
"Naaaaks! Ampogiiii! Oi, Tito! Good morning po!!" kumaway-kaway agad ako kay Tito Leo na nakamasid sa kotse nila sa kanilang garahe.
Kumaway pabalik si Tito Leo sakin kaya ngumisi ako ng malaki. Ito namang si Lowi ay agad napatayo ng tuwid.
By the way, hindi alam ni Tito na beki si bespren kaya heto at mukha siyang ruler sa sobrang straight tumindig ngayon. Hahaha!
"Oi, baka ma-stiff neck ka niyan, Lowi!" hirit ko nang magsimula kaming maglakad papuntang school. "Don't cha worry mah bespren, malayo na tayo sa bahay 'nyo!" wika ko kaya napahinto siya sa paglalakad at napahinga ng malalim.
Agad din naman nagtransform sa pagiging baliko si Lowi. From straight na ruler into curve ruler. Hahaha! Saka Loisa nga pala ang palayaw niya tuwing umaga at kung wala kami sa bahay nila. Siya din kasi nagsabi na Loisa itawag sakanya dahil sabi niya, kamukha niya raw si Loisa Andalio.
Well, medyo lang naman. Kapareho kasi sila ni Loisa Andalio pagdating sa patangusan ng ilong! Nakakainggit nga eh.
Pero Lowi ang nakasanayan kong itawag sa kanya mula nang bata kami. Saka mas preferred ko ang Lowi kasi mas kyut sa pandinig. Parang ako lang, kyut.
"Whoo! Buti nalang talaga! Hindi ko na keri pagiging strict ni Papa sa loob ng bahay!" reklamo niya kaya tumango-tango ako.
Hindi na bago sakin 'yan kasi tuwing umaga, 'yan parati ang sinasabi niya. Actually, kabisado ko na nga ang script niya eh. Kita 'nyo 'to.
"Ang sakit sakit sa bangs kahit wala akong bangs! Parang gusto ko na tuloy manirahan sa Mars kesa mapagalitan palagi ni Papa." wika naming dalawa. Syempre, sinabayan ko na siya sa pagsasalita. Pano kasi kabisado ko na siya. Hahaha!
"Alam mo kasi, magtapat ka nalang kay Tito na hindi ka straight na ruler este baog ka este beki ka." wika ko kaya napairap naman siya.
"Kung edi sana ganyan lang kadali, bobita ka talaga!" sabay sabunot niya sa bangs ko.
"Araaay! Ano ka ba, nag-effort akong ayusin bangs ko tapos guguluhin mo lang?!!!"
Kinuha ko agad ang careline powder ko at nanalamin. Geezz! Ayan 'tuloy gumulo na ang cute kong bangs.
"JACOOOOOOBBBBB!!!" dinig kong tili ni Carmella, kaklase namin.
Nagtinginan kami ni Lowi isa't-isa habang nag-uusap gamit ang mga mata namin. Syempre gets din namin agad ang isa't-isa.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya inismiran ko rin siya. Alam nyo kasi guyses, crush namin pareho si Jacob!
"Oh, umagang-umaga nag-aaway na naman kayo sa isang lalaki?" bigla nalang sumingit si Antonette samin.
Inirapan ko si Lowi at agad na hinila si Toni. Lumayo kami ng kunti kay bakla at agad akong bumulong sa isa pa naming kaibigan.
"T-toni...ano kasi." medyo alanganin pa ako sa pagsabi. Nakakahiya kasi. Huhu!
"Ano 'yun? Gusto mo ba malaman paano kulamin si Louisitto?" mahinahon niyang sagot sakin.
"Oo este hindi! Ano ka ba! Wala akong plano mangkulam kay beks. Kahit ganun 'yun, mahal ko 'yun!" wika ko at napalingon kay Lowi na ngayon ay napatingin din sa gawi namin. Nag-bleh ako sakanya at lumingon ulit sa harapan.
"Oh e ano nga? Sinasayang mo oras ko. Marami pa akong kakausaping kaluluwa." wika niya kaya nagtaasan agad balahibo ko.
Medyo wierdo kasi itong si Antonette! Actually, napakaganda niyang babae kasi half-german siya kaso mahilig siya sa mga voodoo dolls at mga kulam2 chuchu. She finds it cool kasi raw! Isa pa, sabi niya samin may third eye siya at nakakakita siya ng mga kaluluwa. Minsan nga nakikita namin siyang may kinakausap sa gilid, pero wala namang tao! Kaya 'ayun, binansagan siyang 'creepy' ng mga classmates namin.
"K-kasiii....m-may alam ka ba kung pano gumawa ng gayuma?" naiilang kong tanong.
Huminto siya sa paglalakad at napatingin ng maigi sa mga mata ko. Kinakabahan ako sa mga titig niya mga beks! Pero para sa gayuma, titiisin ko ang kaba. Hahahahuhu!
"Umalis ka nga. Mamaya na kita kakausapin." agad naman akong napa-Huh? kay Toni. "Ahh...may kaluluwa kasi sa likod mo. Ang kulit kasi gusto akong kausapin!" biglang hirit niya kaya agad akong napatakbo ng wala sa oras.
Kumapit agad ako sa braso ni bakla at isinuksok ang mukha ko sa uniporme niya. Huhuhu! Tinawanan niya naman ako at marahan na sinabunutan ang buhok.
"Ayan! Gayuma pa kasi! Hahaha!"
"Tseee!!"
Nang makarating kami sa room floor namin, hindi namin inaasahan ang nagkukumpulang mga estudyante. Buti nalang at kasama ko itong si Lowi at pwersahang ibinaklas ang mga babaeng nakaharang.
"Tabi mga echuserang frogleeett!! Dadaan ang reyna!" hirit niya na kinataas naman ng kilay ng iba. Tumawa naman ako ng malakas habang si Toni ay may sariling mundo at may kinakausap na multo sa gilid.
"Hoy, Louisitto! Kami nauna rito!" rinig naming sigaw ng isa sa freshman.
"I don't care. Classroom niyo ba 'to?! Hah?! Classroom niyo?! Balik sa classroom niyo! Baliiiikkk!!!!!" sigaw niya kaya nagsibalikan nga sa kani-kanilang classroom ang lahat.
Nasabi ko na bang may pagka-commander talaga itong si Lowi? Siya lang naman kasi ang Student's Council President namin. Hehe!
Nang makapasok kami sa classroom namin, mas malala pa pala ang gulo na nandito. Napakarumi ng classroom, saka ang gulo-gulo ng mga upuan. Iyong mga kaklase naming mga babae naman ay may pinagkakaguluhan sa dulo.
Mga haliparot talaga kahit kailan. Kaya binansagan ang section namin biglang "Nest of Hoes" daw. Well, numero uni sa pagiging malandi si Lowi. Hahaha!
"Anak ng! Huy! Magsisimula na ang klase! Beatrice?! Ikaw class president tapos hindi mo man lang mautusan ang mga bakekang ito?!" sigaw ni Lowi sa class president naming lumalandi rin.
Lumapit naman ako at tinap ang braso niya, "Kalma ang puso mo. Saka nakikita mo ba ang nakikita ko?" bulong ko sa kanya.
"Hindi! Mainit ulo ko!! Kailangan ko pang bumaba para mag-check sa mga estudyante sa campus. Grrrr!" iritang reklamo niya at napakamot sa ulo.
"Mukhang nabulag ka na bakla? Humina na ata ang radar mo?" hinawakan ko ang mukha niya at sapilitan siyang pinatingin sa bandang dulo. "Ayun oh!! May bagong fafabols!! May transferee, beks!" hirit ko at ngumisi ng malaki.
Padabog niya namang ibinaba ang kamay ko at napatingin sakin. Itinaas-baba niya ang kilay niya at ngumisi ng malaki. Tingin niya pa lang alam ko na!
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With BEKS (ON-GOING)
Roman pour AdolescentsBasahin mo nalang nang hindi ka ma-kyuryos kung bakit nga ba ako nainlove sa beki kong bestfriend! Started: 01/28/22 Date Finished: (STILL ON-GOING)