KAYCEE's POV.Intramurals day na namin ngayon and honestly, I'm a little bit anxious. Kinakabahan kasi ako sa magiging performance namin maya-maya. Andami pa namang tao ngayon sa gymnasium! Invited kasi ibang school ngayon kaya may taga-ibang school talaga ang nandito.
"Huy! Okay ka lang?" bungad ni Freya sakin.
"Kinakabahan ako!" sagot ko sa kanya.
"Sos! Isipin mo nalang nanonood ang crush mo."
"Mas kinabahan tuloy ako!" saka ako sumimangot.
Naputol ang usapan namin ni Freya nang tawagin na kami ng instructor namin. Pina-gather na niya kaming lahat sa may gilid para maghanda dahil anytime soon ay magsisimula na ang program.
Mauuna kaming mag-perform at pagkatapos ay magpe-perform din ang dalawang school na imbitado ngayon. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ito ibinuga. Bigla naman akong may narinig na tilian sa bandang likuran namin.
"Kaycee! May naghahanap sayo." naulinigan kong sigaw ni Glaiza.
Lumapit siya sakin at bumulong.
"Andyan si Salvador." bulong niya
Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na ang mukha ko dahil biglang uminit ang mukha ko sa sinabi nila. Mas lalo pang umingay ang tilian sa pwesto namin nang makita kong nasa gilid ko na pala si Jacob.
Ibinuka ni Jacob ang bibig niya at mukhang may sasabihin pero bigla nalang may kamay na humawak sa pulso ko saka ako hinila sa may gilid.
"L-lowi? Ikaw lang pala! Ba't ka naman nanghihila agad?" nagtatakang tanong ko.
Naputol tuloy usapan namin sana ni Jacob. Huhu! Langya ka beks!
"Wala. Good luck. Bye!" at tuluyan na nga siyang umalis.
Anong trip 'nun sa buhay? Kala ko pa naman busy na busy 'yun lalo na ngayon at intrams na! Talagang may time pa talaga siya na sumingit, ano? Himala rin at wala si Telma na laging nakabuntot sa kanya.
Nakanguso akong bumalik sa pwesto ko kanina ngunit nakitang wala na pala si Jacob. Hays! Sayang naman! Ano kaya gusto sabihin 'nun kanina sakin? Si Lowi kasi eh! Tiniming pa talaga ha!
"Oi, good luck daw sabi ni Jacob." wika ni Freya kaya matik akong napatingin sa kanya.
"Talaga? Sinabi niya 'yon?"
Yiie! Kilig ako 'ron ah!
"Hindi! Hahaha! Biglang umalis eh. Paano tinalikuran mo agad." natatawang sagot niya.
Napanguso nalang ako sa sinabi ni Freya. Kasalanan kaya 'to ni Lowi! Tsk!
"Listen everyone! Be ready after 3 minutes. Doon na kayo sa gitna, okay?!" Ma'am Reva announced to us.
"Yes, Ma'am!" sagot naming lahat.
Ayan na!!! Magsisimula na nga! Tutal huling taon ko na rin naman sa school na to, might as well enjoy every moment, diba? Naging madali lang lalo pa't naenjoy rin namin ang performance namin. Buti nalang walang nangyaring aberya sa mga lifting na ginawa namin during our performance.
"Freya! Sabay na tayo magbihis!" sigaw ko as kanya.
"Oi! Di tayo talo ah." wika niya kaya inirapan ko siya. Gaga rin 'to eh.
"Ibig kong sabihin, sabay na tayo papunta. Diba sa banyo ka magbibihis?" at talagang pinaliwanag ko pa! Baka ano pa isipin nito eh.
"Hahaha I know, I know. Kalma." saka niya ako tinawanan ulit.
BINABASA MO ANG
Lucky I'm Inlove With BEKS (ON-GOING)
Teen FictionBasahin mo nalang nang hindi ka ma-kyuryos kung bakit nga ba ako nainlove sa beki kong bestfriend! Started: 01/28/22 Date Finished: (STILL ON-GOING)