XII. Pain and Regrets
*N*
N couldn't concentrate in every class. Even in his favorite subjects, all he did was stare into space and think how Zyder affected him more than before. His white hair sticking into every direction, his blue-green eyes, the line of his pointed nose and his pinkish lips sent him on edge. There's the sinking feeling in his chest again. He thought he's okay now. He thought he'll be able to live every single day without Zyder. He thought when he sees him again; he won't have this painful stab in his chest.
"You okay?" Will whispered. "Kanina ka pa nakatulala lang."
Tumango siya. "I'm okay."
Nang tumunog na ang ang bell ay dali-dali niyang inayos ang kanyang gamit para makauwi na siya. Hindi na siya makapaghintay na magkulong sa kwarto niya. Ayaw niya nang ganito. Ngayong malapit lang ulit si Zyder sa kanya, mas lalo siyang hindi mapakali.
Naalala niya ang babaeng kahalikan ni Zyder sa parking lot kanina. Parang pinipiga ang puso niya habang paulit-ulit na nagpeplay sa utak niya ang nangyari. Naramdaman niya ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata.
Why do you have to be a crybaby?! sigaw niya sa kanyang isipan. Of course, he has a girlfriend! Of course, he's not gay just like you!
Tumigil siya sa labas ng gate. Tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng biglaang pagbuhos ng ilan. Hindi niya pinansin ang mga estudyanteng napapadaan. Wala siyang pakealam kung pinagtitinginan siya. Ayaw niya pang gumalaw. Gusto niyang manuot sa kanyang balat ang lamig na dala ng ulan at ang sakit na idinudulot ni Zyder sa kanya na siya din naman ang puno't-dulo. He rejected Zyder. Siya ang nagdala ng sakit para sa sarili niya. Sinusunod lang ni Zyder ang gusto niya.
But he should have fought harder.
He shook his head. He kept his head hanging low. But then the rain stopped falling on him but the sky was still grey and the raindrops kept falling on the ground.
He looked up; he saw a pair of grey eyes that resembles the sky right now. He noticed Pyxis was frowning down on him; his mouth is set into a thin line.
"Balak mo bang magkasakit?" inis na tanong nito. "And you're making a fool out of yourself here standing in the middle of the entrance way."
"Then you should have ignored me." He rolled his eyes at the taller man. "I'm not asking for your help and I don't need it."
Inis na napatawa si Pyxis. "Ikaw pa 'tong galit gayong pinayungan ka na nga." He pushed the umbrella handle in his chest with force he staggered a bit. "Sa 'yo na 'yan. Tss." Lumakad na ito palayo at nagpakabasa sa ulan.
"Hoy! Hindi ba kasasabi ko lang na hindi ko kailangan ng tulong mo? Sa 'yo na 'tong payong mo!"
Hindi tumigil sa paglalakad si Pyxis. "Hindi ko kailangan 'yan!"
Napapadyak na lang siya sa inis hanggang sa tuluyan nang makaalis ito. Mahigpit siyang humawak sa payong. Tumingala siya at napansing kulay grey din ang payong. Sa kabilang gilid nito ay may nakalagay na 'P.R.M.'.
Napailing na lang siya at sinarahan ang payong. Gusto niyang magpakabasa sa ulan. Hinawakan niya na lang ang payong habang naglalakad pauwi. Mabagal ang kanyang paglakad habang nag-iisip. Napunta na naman ang isip niya kay Zyder.
BINABASA MO ANG
Wild Hunt (BOY X BOY)
Werewolf[boyxboy] Zyder Wolfert is an Alpha, the successor of the Wolfert Clan and he needs to find his mate. Noong una, wala naman talaga siyang interes sa paghahanap ng mate niya but his wolf is overtaking him. He can feel his mate. And then he met a weak...