XXIII. Acceptance
*Zyder*
Zyder tapped his fingers on the armrest of the couch he was sitting on, looking at the wall clock from time to time. He was prepared for an hour already. Hindi niya mapigilang hindi maexcite. Ipapakilala na niya sa buong angkan si N. Hindi kagaya noon na nangangamba siya sa magiging reaksyon ng buong pack, ngayon ay kahit anoman ang sabihin nila at maging reaksyon nila, hinding-hindi siya papayag na makealam sila sa desisyon niya.
When the clocked struck at six, he immediately stood up. Nararamdaman niya ang kabang nararamdaman ni N kahit pa na magkalayo sila. Gusto na niya itong mapuntahan para tulungang mabawasan ang kabang nararamdaman ng kasintahan.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Nagpunta na siya sa bahay ni N. Nang makarating siya'y sinalubong siya ng ama ni N.
"Nandito ka ba para sunduin si N?" tanong ni Mr. Santillan.
"Opo." Sumunod siya papasok sa loob. Umakyat si Mr. Santillan sa hagdan kaya naman naghintay na lang siya sa ibaba.
Lumingon ito sa kanya. "Oh? Bakit hindi ka umaakyat?" nakangiting tanong nito.
Napakamot siya sa kanyang ulo. "Dito na lang po ako sa baba maghihintay."
Umiling si Mr. Santillan. "You should see him having a mental breakdown because he doesn't know what to wear."
Sabay silang napatawa. Hindi na nagpapilit pa si Zyder at sumunod na kay Mr. Santillan sa second floor. Medyo malayo pa sila sa kwarto ni N pero nadidinig na nila ang pagpapalitan ng salita ng mag-ina.
"'Nay," N sounded nervous. "Pa...paano kung..."
They both stopped in front of the door, eavesdropping. Zyder looked at Mr. Santillan but he just put a finger on his lips and grinned.
"N, hindi mo na kailangan pang sabihin." Neri's voice sounded so gentle and kind, emitting a motherly love that no one can surpass. "Kung anoman iyan, alam ko. Alam ko lahat. Anak kita, alam ko kung ano ang mga bumabagabag sa'yo. Alam ko kung bakit ka malungkot. Kung bakit ka masaya. Kung bakit ka mukhang nahihirapan ngayon." Kahit hindi nila nakikita ang nangyayari, alam nilang sa pagkakataong ito'y malamang na nakayakap na ang kanyang ina sa anak. "Anak ko, tatanggapin kita kahit anoman ang mangyari. Ikaw pa rin si N, ang mahal na mahal kong anak. Hindi magbabago iyon."
Nadinig nila ang mahinang paghikbi ni N.
"O? Ba't hindi ako kasali?" Pumasok si Mr. Santillan sa loob ngunit nagpaiwan si Zyder sa labas. Moment ito ng pamilya kaya naman nakangiti lang siyang nagmasid mula sa labas ng kwarto.
Sumali ito sa yakapan ng mag-ina.
"N, lagi mong tatandaan, sa lahat ng maging desisyon mo sa buhay, nandito lang kami ng nanay mo." Ngumiti si Mr. Santillan. "Kahit na hindi mo kami mabibigyan ng apo--" Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil binatukan siya ng asawa.
"Hindi totoo iyan! May nabasa ako na pwedeng manganak ang isang mate dahil sa isang espesyal na kondisyon pero napakarare na kaso raw iyon."
Pinigilan ni Zyder na matawa nang makita ang gulat na ekspresyon sa mukha ni N.
"T-teka, 'Nay! P-paano mo... p-paano mo nalaman na... "
BINABASA MO ANG
Wild Hunt (BOY X BOY)
Werewolf[boyxboy] Zyder Wolfert is an Alpha, the successor of the Wolfert Clan and he needs to find his mate. Noong una, wala naman talaga siyang interes sa paghahanap ng mate niya but his wolf is overtaking him. He can feel his mate. And then he met a weak...