II. Honey and Mint

17.8K 726 171
                                    

II. Honey and Mint

*N*

"N, anak, lumabas ka na dyan sa kweba mo at pumasok ka na sa eskwelahan!"

Napaungol si N habang nakasalampak ang mukha sa unan. Panibagong araw na naman ang haharapin niya kasama ang mga walang kwentang tao sa paligid niya. Hindi siya inabot ng ilang taon na paulit-ulit sa high school dahil lang sa wala. Ayaw niya kasing nakikihalubilo sa mga tao na para bang hindi siya nilikha kagaya ng nakakarami. Mas gusto niyang manatili sa kanyang kwarto o sa bakuran ng kanilang bahay habang pinag-aaralan ang iba't-ibang bagay tungkol sa hayop at halaman.

"Hoy, N! Kapag hindi ka pa lumabas dyan, malilintikan ka sa 'kin!"

"Oo na, 'Nay! Babangon na!"

Padabog siyang bumangon. Naligo na siya at lahat pero hindi pa rin niya sinusuklay ang kanyang buhok. Mas gusto niyang gulo-gulo ang buhok niya.

"M, dyan ka muna, ah?" Tinapik niya ang alaga niyang pusa.

Nag-meow lang ito ng isang beses at bumalik sa pagkakahiga sa carpeted na sahig.

"Ay, nako, bata ka! Kilos pagong ka talaga!" Nasundan pa ito ng mahabang talak at sermon.

Sanay na si N sa kanyang ina na hindi yata matatapos ang isang araw na hindi siya tinatalakan. Ang technique lang naman doon ay pasok sa tainga, labas sa kabila.

"N, sabay na tayong pumasok!" Umakbay sa kanya ang kapitbahay niyang si Will na feeling close sa kanya.

Hinawi ni N ang kamay ni Will sa kanyang balikat. Naiirita siya sa pagiging touchy nito. At isa pa, hindi siya sanay na may humahawak-hawak sa kanya.

"Pwede ka namang sumabay nang hindi ako inaakbayan."

Ngumiti lang ang binata sa kanya. Sa araw-araw, palagi itong sumasabay sa kanya sa pagpasok. Pareho kasi sila ng eskwelahan na pinapasukan. Magkaedad din sila ngunit nasa huling taon na si Will ng senior high school samantalang si N ay nasa unang taon pa lang.

"Ano'ng balak mong kuhanin na course sa college?" Umupo si Will sa tabi ng bintana. Kasasakay lang nila sa bus patungo sa eskwelahan.

Nagkibit-balikat si N. Hindi na siya kinulit pa ni Will. Ang totoo, gusto ni N na kumuha ng kursong may kinalaman sa biology. Iniisip din niya kung kukuha siya ng Chemical Engineering. Pero hindi pa siya gaanong nagtutuon ng pansin sa kursong kukuhanin niya. May tatlong taon pa naman siya para makapag-isip.

"N!"

Lumingon si N sa kanyang likudan. Nakita niya ang kaklase niyang si Zaira na tumatakbo patungo sa kanya. Bukod kay Will, si Zaira ang isa pang nilalang na naglakas ng loob na lumapit sa kanya. Halos lahat kasi ng kaklase niya ay ayaw lumapit sa kanya dahil masyado siyang gloomy at weird. Hindi rin pangkaraniwan ang mga hilig niya kaya wala siyang makasundo. Sa ngayon, pinagtitiyagaan niya ang kadaldalan ni Zaira at ang pagiging isip-bata nito.

Itinuon ni Zaira ang kanyang dalawang kamay sa lamesa. Malawak ang kanyang ngiti na palagi niyang ipinapakita. Masayahin siyang tao at ni hindi pa niya ito nakikitang sumimangot.

"Ipapakilala kita sa kuya ko!" masiglang sabi niya.

Napangiwi naman si N. Nung isang araw pa siya nitong kinukulit tungkol sa bagay na ito. Masyadong big deal kay Zaira na maipakilala siya sa kuya nito.

Wild Hunt (BOY X BOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon